Mabilis na lumipas ang panahon at parang agos ng tubig sa ilog na sobrang bilis, sa susunod na linggo ay pasukan na nina Favio. Ilang buwan na din ang nakalipas simula nang maging kaibigan ko silang lahat. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang inaalala kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin.
Napatingin ako sa katabi ko nang marinig kong huminga ito ng malalim. Nasa kapatagan ulit kami, nakahiga soon Favio sa tabi ko habang nasa lap ko naman ang laptop nito at nag susulat ng kwarto ko.
"May problema ba? " taking tanong ko.
Tumayo ito at agad napatingin saakin. "Nagkaroon ng mga sakit ang mga kabayo dahil sa hindi malaman na sakit. Nagpadala na din ng veterinarian sina Papa pero hindi pa magagamot ang mga kabayo dahil nasa ibang bansa ito at nag babakasyon. " sagot nito.
I licked my lower lips. "Baka dahil may nakain ang mga kabayo nyo na bawal sakanila. " I said.
"Maybe " he whispered. Bumalik ito sa pag kakahiga sa damuhan at napabalik naman ako sa pagsulat ng kwento.
Matapos namin sa kapatagab ay nagsimula kaming maglakad pauwi. "Malapit na ang pasukan nyo. " sabi ko habang sinisipa ang mga maliliit na bato sa daan.
"Yeah, next week. Pupunta kami sa Manila para bumili ng school supplies. " bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi nito. Napahinto ito sa paglalakad St ganuon din ako.
"I'll be back before you know it. Anong gusto mong pasalubong? " takang tanong nito saakin.
I bit my lower lips before looking at him. Hanggang balikat lang ako nito dahil sobrang tangkad nito. Ngumiti ako sakanya bago ibuka ang bibig.
"Jollibee " napangiti ito dahil sa sinabi ko. Tumango ito bago ako akbayan at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na amuyin ito.
***
Nabalitaan ko na umalis na kanina sina Favio papuntang Manila. Iniwan nito saakin ang laptop nito. Nangako ito saakin na bibilhan ako ng Jollier pag uwi nya. Hindi ko alam kung hindi pa sira yung jollibee pag dating nito dito, pero sa tingin ko ay sa eroplano naman sila sasakay.Sa mga lumipas na araw na wala si Favio ay palagi akong nasa bahay at nagsusulat ng story ko para matapos ko na, kung minsan naman ay nasa bukid ako at tumutulong kina mama, naglalaba din ako sa bukid. Nalaman ko na umalis din sina Angela papuntang Manila at bumili din ng mga damit nya, nang umuwi ito ay may dala itong pasalubong saakin na nga damit.
Isang araw bago ang pasukan ay wala pa din si Favio. Hindi tuloy mawala sa isip ko kung babalik pa ba ito, sa tuwing iniisip ko iyon ay nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Maghapon akong nasa bukid St hinihintay ang pagdating ni Favio pero hindi ito dumating hanggang sa lumubog ang araw.
Pagdating ng gabi ay tapos na kaming kumain ni mama nang biglang kumalabog ang pinto dahilan kung bakit kami napatayo ni mama. Nang pumunta kami sa sala ay nakita namin ang tatlong lalaki na pumunta noon at pinagkakautangan ni papa.
"Anong ginagawa nyo dito? "gulat na tanong ni mama habang nakatingin sa tatlong lalaki. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang tinitingnan ang nasa gitnang lalaki na papalapit kay mama.
"Wala dito ang asawa ko kaya makakaalis na kayo. " mariing sabi ni mama habang mahigpit ang hawak sa kamay ko. Ngumisi ang lalaki back hawakan ng mahigpit ang panga ni mama at ipatingin sakanya. Bumitaw sat pagkakahawak saakin si mama. I felt a hot tears forming on my eyes.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa lalaking hawak ni mama. Malaki ang katawan nito at puno ng iba't ibang tattoo ang mag kabilang braso nito.
"M-ma!" nauutal na tawag ko sa pangalan nya.
"Sabihan mo sa asawa mo na kapag hindi pa sya nag bayad ng utang nya ay gagawin ka naming pang unang bayad. " tumayo ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nito. Ngumsi ang dalawa pang lalaki saakin. My whole mind is clouded with anxiety and fear.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
General FictionEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...