Monday na naman kaya maaga ulit akong gumising, naabutan ko si mama na nakatulala sa bakanteng kahoy na dingding ng bahay namin. Napaawang ang labi ko at agad lumapit sakanya. Hinawakan ko ang balikat nito at hindi ko inaasahan ang pagkagulat nito, hindi naman magugulatin noon si mama. Nakita ko ang takot at pangamba sa mga mata nito pero agad din namang nawala nang makita nya ako.
"Okay lang po kayo?" takang tanong ko sakanya. Inayos nito ang buhok nito at agad tumango saakin pero hindi ito makatingin sa mga mata ko. Nag paalam na ako na papasok na sa school at tanging tango lang ang binigay nito saakin. Bumaba ako sa tricycle nang makarating ako sa gate ng school namin.
Sinalubong agad ako nina Karen at Chelsey nang makita nila akong pumasok. Umupo kami sa upuan ko at agad nag simula ang kwentuhan tungkol sa nangyari noong fiesta. Agad tumakbo pabalik sa upuan nila ito nang dumating ang adviser namin. Nilagay nito ang laptop sa teachers table at agad nag simulang mag lesson.
"Before we end our less for today, I'm going to announce that our principal decided to have a Halloween party for our school. Let me finish!" seryosong sabi ng adviser namin. "It will be held at our school gymnasium, sa susunod na linggo. Is that clear?" pag papatuloy ng adviser namin. Agad naman sumagot ang mga kaklase ko.
Hanggang lunch break ay pinag-uusapan pa din ang in-announce ng adviser namin kanina. Tanging mga grade 9 and 10 lang ang gabi gaganapin ang Halloween party habang ang grade 7 hanggang 8 naman ay umaga dahil mga bata pa ito.
"Ano nga pala ang costume mo, Ascella?" tanong ni Karen habang kumakain kami sa canteen.
"Hindi ko pa alam. Baka yung binigay na Thinker Bell costume ni Favio." sagot ko sakanya. Ngumuwi ang labi nito at umiling dahil sa sinabi ko.
"Maganda din naman ang costume na iyon pero nasuot mo na. Bagay sayo maging dyosa." napailing ako dahil sa sinabi nito. Matapos ang break namin ay agad kaming bumalik sa classroom. Napadaan ako sa upuan nina Faera at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nilang mag kakaibigan.
"Yeah! I also heard na ayaw daw mag pakasal ni Fabian El Salvador kay Makisa. " sabi ni Lia, kaibigan din ni Faera.
"Maybe it's because of Titania. Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya nito lalo na sa papa nya. " narinig ko din sa palengke noon to ang nangyari sa papa ni Titania, hindi ko inaakalang may ibang babae ito at ang malala pa ay nasa hospital ito ngayon.
"Baka si Favio naman ang ipapakasal. Alam mo naman ang family tradition nila. " nagpatuloy ako sa pag lalakad nang marinig ko iyon. Buong hapon ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi kanina ng mga kaibigan ni Faera.
Nang dumating ang uwian ay agad akong nag paalam kina Karen na mauuna na akong umuwi. Paglabas ko ng gate ay agad kong nakita si Favio na naghihintay saakin. Agad akong nag lakad papunta sakanya at niyakap ito.
"How's your day? " he asked me while driving.
"Good! Maraming assignment ulit nag binigay, pero okay lang dahil madali na ang Christmas break namin. " sagot ko sakanya.
Nakuwento ko sakanya ang nasabi ng principal namin tungkol sa Halloween party na gaganapin sa susunod na linggo. Pagdating namin sa tapat ng bahay namin ay agad akong nag paalam sakanya. Nang nasa loob na ako ng bahay ay doon ko lang naalala na itatanong ko sana ang tungkol sa narinig ko kina Faera.
Wala pa si mama sa baby ni makarating ako. Pagkabihis ko ng pang bahay na damit ay agad akong nag simula sa pag gawa ng assignment ko. Nang dumating si mama ay may dala na itong lutong piniritong manok kaya kumain na kami.
Ganuon ulit ang maging routine ko sa mga sumunod na araw, papasok ako ng maaga sa school, makikinig ng lesson, uwian, susunduin ako ni Favio at uwi sa bahay. Nang dumating ang sabado ay naisipan namin nina Karen na tumingin sa mga ukay-ukay kung may pwedeng i-recycle na damit para sa Halloween party namin.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
General FictionEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...