Chapter 15

604 13 0
                                    

Madaling lumipas ang mga buwan at kakatapos lang nga exam namin, hindi ko alam kung pasado ako dahil hindi pa sinasabi saamin ang teacher namin kung ilan ang nakuha naming score sa mga subject, pero confident naman ako na maayos kong nasagutan ang mga tanong sa exam. Naging busy din si Favio noong mga nakaraang buwan dahil exam din nila. Napaayos ako sa pag kakaupo nang maramdaman ko ang pagkablit saakin ni Cassian. 

"Andyan na si ma'am." he mouthed. Napatingin ako sa harap at tama nga siya kakalapag palang nito ng laptop na dala nito. Nagsimula itong magturo ng bagong lesson namin. Sabi nila ay mahirap na daw ang mga susunod na lesson ng grade 10 kaysa sa mga nauna na quarter. Huminga ako nang malalim, basta pasado at maka graduate ay okay na saakin. 

Nang dumating ang lunch break ay agad akong lumabas ng classroom namin. Hindi ako nag baon ng tanghalian ko ngayon dahil gusto kong subukan ang niluto sa canteen. Pagpasok ko ng canteen ay agad kong nilibot ang mga mata ko sa buong lugar, napaawang ang labi ko nang makita ko si Favio na nakaupo sa isang lamesa doon at nag-iisa. Nang magtama ang mga mata namin ay agad nitong kinaway ang kamay saakin. Halatang-halata na hindi siya nag aarala dito dahil sa ibang uniform na suot nito. 

Nang makarating ako sa pwesto nito ay agad akong umupo. "Anong ginagawa mo dito?' takang tanong ko sakanya. 

"Gusto ko sabay tayong mag lunch. Minsan na nalang kasi tayo nagkikita noong mga nakaraang buwan." sagot nito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito. Siya na mismo ang tumayo at nag order para saaming dalawa. Nang dumating ito ay nag simula na kaming kumain. 

"Nasabi ng adviser namin kanina na magkakaroon daw ng foundation day yung school. " pag ku-kuwento ko sakanya habang kumakain kami. 

"Yeah, baka sa campus namin ganapin yung foundation day dahil mas malaki ang field doon." noong pumunta nga ako ay nakita ko kung gaano kalaki ang field nila doon. Dahil parehas kami ng school pero iba lang ang campus ay sabay-sabay ang foundation day namin. 

Nang matapos kaming kumain ay sumabay ako sakanya palabas ng gate ng campus namin. Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa mga tingin sa magkahawak-kamay naming mga kamay. Nang nasa gate na kami ay tumango lang ito kay manong guard na mukhang siya rin ang nagpapasok kay Favio sa campus namin. Humarap saakin si Favio, "See you later, susunduin kita mamaya." he said before leaning towards me and kissed my forehead. 

Naglakad na ito papunta sa kotse nito sa labas. Nang hindi ko na matanaw ang kotse nito ay napatingin ako kay manong guard na kanina pa pala nakasubaybay saaming dalawa ni Favio. Hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil alam kong nakita niya ang pag halik saakin ni Favio kanina. Ngumiti ito bago tumango-tango. 

"Salamat po!" sabi ko dahil pinayagan nito na pumaosk si Favio sa campus namin. Nang matapos ang lunch break ay dumiretso ako sa classroom namin. Wala pa ang subject teacher namin nang dumating ako sa loob pero anduon na ang lahat ng kaklase ko. Umupo ako sa upuan ko habang nag hihintay nang lumapit saakin sina Karen at Chelsey. May mga ngiti sa labi nito habang hinihila nila ang upuan paharap saakin. 

"Nakita namin kayo ng jowa mo kanina sa canteen." panimula ni Chelsey. 

"Mabuti naenjoy mo pa yung kinakain mo kanina, kung ako ay hindi na ako makakakain dahil yung nasa harapan mo palang ulam na." ako ang biglang nahiya sa pinag sasabi ni Karen. Umiling-iling nalang ako dahil sa mga reaksiyon nito. 

"Ano ba yan! Ang landi!" sabay-sabay kaming napatingin sa gilid nang marinig namin iyon. Nakita ko sina Faera na nakatingin saakin habang nakangisi. Alam ko naman na kinaiinisan ako ng grupo nito dahil si Faera ay nakababatang kapatid ni Fare na kinaiinisan lang ako. Hindi naman talaga mawawala ako parinigan sa isang klase, mabuti nalang at hindi nagiging pisikalan. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon