Nakaupo ako sa upuan sa kusina namin habang nakatingin kay mama na naghuhugas ng plato. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at ito na ang nag presintang mag hugas ng mga plato.
Hindi na umuuwi dito sa bahay si papa dahil sa Rancho ng mga El Salvador na ito nakikitulog dahil may bahay doon para sa mga trabahador ng Rancho nila. Alam kong masama pakinggan pero mas gusto kong wala dito si papa dahil mas gumagaan ang presensiya ng bahay at hindi nagkakaroon ng pasa si mama kahit may mga marka pa din ito mula sa huling uwi ni papa.
Nagbiro pa ito kahapon nang sinabi nito saakin na sa bahay ng mga trabahador si papa umuuwi na may remembrance daw ang papa sakanya pero hindi ako natawa pero tipid akong ngumiti sakanya.
"Ma, mag paalam lang po sana ako na pumunta sa 18th birthday mo Angela bukas. " kilala na ni mama si Angela dahil napadaan na din ito sa bahay namin kung saan nakilala nya si mama. Napatingin saakin si mama bago ngumiti.
"Mabuti naman at nakikipag halubilo ka na sa mga kaedad mo. Malaki talaga ang naging impluwensya sayo ni Favio, anak. Pero huwag mong kakalimutan na piliin ng maiigi ang magiging kaibigan mo. Siguraduhin mo na kapag nagkaroon ka pa ng kaibigan at sa kahit anong problema ay karamay mo sila at hindi mag iiba ang tingin nila sayo. "ngumiti ako sakanya bago tumango.
I only have three people I considered as my friends, first is Favio, second is Angela and third is Garrett, he treated me like his younger sister that made me comfortable with him kasi wala naman akong kuya o kapatid.
"So, pumapayag po ba kayo? " takang tanong ko sakanya.
Ngumiti ito saakin bago dahan-dahan na tumango. Agad akong lumapit papunta sa pwesto nito at binigyan ito ng mahigpit na yakap. Napabitaw ako nang biglang sumunod-sunod ang ubo nito. Kumunot ang book habang nakatingin sakanya na umuubo. Agad akong kumuha ng tubig at binigay sakanya.
"Okay lang po ba kayo? Mukhang napapadalas na ang pag ubo nyo, Ma" sabi ko habang hinihimas ang likod nito.
Umiling ito. "Hindi, dahil lang ito sa pagpapatuyo ko ng pawis. " sagot nito bago mag paalam na hihiga na sa kwarto nito. Huminga ako ng malalim bago pumunta na din sa sarili kong kwarto.
***
Sabi ni Angela ay pool party daw ang birthday niya kaya kahit simpleng damit lang daw ang suot ko ay okay na basta lang pumunta ako. Napatingin ako sa suot ko sa salamin na isang maong na short at tank top na kulay puti. Hindi ko alam kung bagay na ba ito sa party mamaya.Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nina Angela. Kilala ang pamilya nila kaya ampelyido nalang ang sinabi ko sa driver. Nang makarating ako sa tapat ng malaking gate nila ay agad kong nakita na gilid ang mga magagarang kotse na nakaparada sa gilid
Humigpit ang hawak ko sa regalo ko para kay Angela. Pumasok ako sa loob at punong-puno ng dekorasyon ang paligid ng bahay nila. Lumapit ako sa isang katulong doon base sa damit nito.
"Asan po dito yung venue ng birthday ni Angela? " takang tanong ko sakanya.
"Kaibigan ka ba nya? Nasa pool area ang party. Halika! " sumunod ako sakanya papasok sa loob ng bahay. Pag pasok ko ay rinig na agad ang malakas na music mula sa pool area. Binuksan ng babae ang sliding door at agad bumungad saakin ang sobrang dami na tao na imbitado sa birthday.
Agad kong nilibot ang paningin ko sa buong lugar hanggang sa nakita ko si Garrett. Agad itong kumaway nang makita ko dahilan kung bakit ako napapunta sa pwesto nya.
"Hey! Mabuti naman at nakapunta ka! " Bati nito saamin bago ako yakapin. Ngumiti ako sakanya.
"Asan pala si Angela? Ibibigay ko sana itong regalo ko. " sagot ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
Fiction généraleEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...