Chapter 17

494 13 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay laging aral at bahay lang ang ginawa ko. Tuwing weekends naman ay pumupunta ako sa bukid para hatiran ng pagkain si mama. Ilang linggo na din simula nang huling bumisita si papa sa bahay namin. Kapag tinatanong ko si Favio kung nag t-trabaho pa sakanila si papa ay anduon pa din naman daw ito kasama si Cassian.

Nang dumating ang birthday mo ay nag handa si mama ng isang simpleng handaan para kahit papaano daw ay maramdaman ko na debut ko. Tanging mga magsasaka sa bukid ang dumating. Niregaluhan ako ni mama ng cellphone, hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa regalo nito saakin. Alam ko naman na pinaghirapan nya ang ginamit nya para makabili noon.

Isang simpleng Android cellphone iyon  pero gustong-gusto ko. Ito kasi ang pinaka unang cellpone na pag aari ko. Sa isip ko ay alam kong hindi dadating si papa dahil iyon naman ang madalas nitong gawint tuwing birthday ko pero sa loob ko ay umaasa pa din ako na baka iba ang mangyari ngayong taon na ito, na baka dumalo sya sa birthday ko at isayaw nya ako.

Nang dumating ang gabi ay hindi dumating si Favio. Hindi ko naman ito matext dahil wala akong number nito. Pagkataps naming maglinis ay humiga ako sa kama ko. Baka tinatapos nito ang mga assignment nya para sa weekend outing namin.

Dumating ang sabado at ito din ang araw na mag s-swimming kami. Tumingin  ako sa saamin para mag lagay ng lipstick sa labi ko. Suot ko ang regalo saakin ni Aling Nene na dress na nabili nito sa plaza.

Isang simpleng sleeveless dress lang iyon na hanggang ilalaim ng tuhod. Tinali ko din ang buhok ko para mas presko ko. Nang marinig ko ang busina sa labas ay agad akong lumabas ng bahay namin. Nakapag paalam na din ako kay mama na aalis kami ngayon  at pinayagan naman ako nito basta mag ingat lang daw kami.

Pumasok ako sa van ni Garret at agad kong nakita si Favio. May ngiti na lumabas na labi ko nang makita ko ang gwapo nitong mukha. Tumabi ako sakanya. Buong byahe ay hawak lang nito ang kamay ko. Nang makarating kami sa beach na kung saan kami pupunta ay agad kaming bumaba sa van. Kinuha ko ang ibang gamit sa likod ng van.

Buong araw ay kumain at nag swimming kami noong hapon. Nang dumating ang gabi ay nagkaroon at ng inuman sina Favio. Kasama namin sina Erick, Garrett, Angela, Chelsey, at Karen na malapit lang pala dito ang bahay.

Tinaas ni Angela ang baso nya at nagyaya ng cheers. Tinaas ko din ang baso ko."Happy 18th birthday, Ascella baby! " malakas na sigaw nito. Napangiti ako dahil sa tawag nito saakin.  Pinagtama namin ang mga baso namin bago iyon inumin.

"Welcome to legality, Ascella! " bago saakin ni Erick. Ngumiti ako sakanya bago mag pasalamat. Inabutan ako ni Angela ng bagong baso. Napakunot ang noo ko nang maamoy ko ang amoy noon.

"Ano 'to? " takang tanong ko sakanya.

"Tequila lang 'yan. Try mo. " sagot nito. Nakaabang saakin sila kung iinumin ko ba. Lumunok ako bago ko itapat sa labi ko ang maliit na baso at agad iyong ininom. Parang may pumasok sa lalamunan ko  na init dahil sa tequila. Lahat sila ay nag hiyawan dahil sa pag inom ko.

Napatingin ako kay Favio na mukhang hindi inaasahan ang ginawa kong pag inom. Ito ang muli naming pag kikita simula nang birthday mo na hindi ito dumating.

Nakailang bigay pa saakin ng shot si Angela. Hinawakan ni Favio ang kamay ko  nang makita nitong iinumin ko pa ang inabot saakin  ni Angela. "You're already drunk. " he whipped on my ear. Tumayo ang balahibo ko dahil sa ginawa nito.

I feel like the whole cottage is spinning. Maybe I'm really drunk. Sinunod ko ang sinabi ni Favio na hindi na uminom. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito habang naka alalay ang kamay nito sa bewang ko.

Nagising ako nang maramdaman ko ang malambot na higaan sa likod ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad bumungad saakin ang seryosong mukha ni Favio.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon