"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
"Diba dapat, ang una mong Sabihin, IBABA MO PO AKO MAGINOO, Mahiya ka naman! Ang bigat mo kaya!" Sabi nya ng nakasimangot.
Naku! Ang sarap sakalin! MAGINOO DAW!?SAAN BANDA? nakakainis ha! Sinabihan pa ako ng mabigat! Walang hiya sya!
"Hmmpp!IBABA MO AKO MAGINOO!" Sabi ko sa sarkastikong tono. Nakakainis kasi sya. Nagdiet na nga ako tapos sasabihan pa ng mabigat!? Didibdibin ko talaga yan kahit wala ako nun!
Dahan dahan naman nya akong ibinaba, at ang magaling na lalaki nagmasahe agad ng mga braso nya habang nakatingin sakin na parang nang-aasar. Kung nang-aasar man ang isang ito, masasabi kong bihasa sya sa larangan na iyon. Dahil sa totoo lang, asar na asar na ako ngayon sa kanya! At 'yong walang hiya! Pangisi-ngisi pa! Mamatay ka sana ng maaga! Ayan tuloy ang bad ko na! Bad influence sya!
"Wala man lang bang THANK YOU diyan?" Tanong pa ng ungas.
Kung kanina sinabi kong parang isa syang prinsipe, ngayon binabawi ko na!
"Bakit? Sinabi ko bang tumulong ka? Nagpatulong ba ako sayo? Diba hindi naman?"
"T-Tama ka nga dyan pero...pasalamat ka sinalo kita dahil hindi lahat nang nahuhulog sinasalo!" sabi nya nang nakangisi.
"So, utang na loob ko pa 'yon!?"
Tinalikuran ko na sya at nagsimula nang maglakad papasok sa gubat, narinig ko pa ang pagtawag nya na nagtatanong kung saan ako pupunta. Hindi ko siya pinansin at lumakad na ako hanggang sa mapadpad sa lake na malapit.
Iyon ang unang beses na tumakas ako sa kwarto ko at 'yon din ang gabi na nakilala ko si Kuya Charles na fiance pala nang kapatid kong si ate Crystal. Arrange marriage sila.
Simula ng gabing 'yon kapag bumibisita sina Kuya Charles sa mansyon ay tinutulungan niya akong tumakas at sabay kaming nagliliwaliw sa gubat na nasa likod lang ng mansyon. Naawa ata siya sakin nang malaman ang kalagayan ko.
Para akong isang ibon na nakakulong sa sarili kong hawla. Hindi ako pwedeng gumawa ng sarili kong desisyon, dahil ang pamilya ko lamang ang may karapatan. Itinago ako sa publiko para lamang mapanatili ang magandang reputasyon ng pamilyang namin.
Dalawang silid lamang ang pwede kong pasukin. Ang silid aklatan at ang kwarto ko. Maraming bawal. Bawal gumala. Bawal kumain na kasama sila kapag may bisita, kaya sa kwarto ako kumakain at dinadalhan lang ng pagkain ng mga katulong. Bawal lumabas ng kwarto kapag may okasyon sa bahay na gaganapin. Ilan lang yan sa mga ipinagbabawal nila sakin.
Mahigpit sila kadahilanang wala akong kapangyarihan na kagaya ng mga kapatid ko na pwede nilang ipagmalaki sa lahat. Nagiging masaya lang ako kapag nabibisita si Kuya Charles dito sa mansyon dahil siya lang ang nakakaintindi sa'kin.
Ngunit, isang araw ay hindi na ako nakatiis pa na hintayin ulit kung kailan babalik dito si Kuya kaya tumakas ako nang mag-isa na mabilis ko ring pinagsisihan.
Nasa likuran na ako ng mansyon at malapit sa gubat. Malapit ang mansyon namin sa border ng holy land at outcast land. Kapag nalagpasan ko ang gubat na nasa aking harapan makikita ko na ang border papasok sa outcast land.
Natigil ako sa paglalakad ng mayroong kamay na humawak sa kanang braso ko. Napangiti ako nang mapait. Nahuli pa nga!
"Saan ka pupunta?" Tanong ni ate Crystal. Ang panganay sa aming magkakapatid. Samantalang pangalawa naman ako.
"Dito lang naman, magpapahangin." Naka-iwas ang tingin na sinabi ko.
"Pumasok ka na sa kwarto mo, baka may makakita pa sayo dito sa labas." Napakuyom ang aking mga kamay.
"Ate bakit ang higpit nyo?" Nakayuko kong tanong sa kanya.
"Dahil kailangan kang itago White, isang kasiraan sa mga AquaHeart kung mayroong makakilala sayo!" Sabi ni ate Crystal.
"Yeah. She's a disgrace to this family! She's a trash!" Narinig kong sabi ni Cloud. Ang pangatlo sa aming magkakapatid. Doon na ako napatulala at until unting tumulo ang mga luha ko. Having a kind heart is really a nuisance because I could easily get hurt just by hearing harsh statements.
Nakatayo si Cloud hindi kalayuan sa pwesto namin ni ate. Humigpit ang pagkakakuyom ng aking kamay. Bakit ba ganun sila sakin? Kasalanan ko bang ipinanganak akong hindi gifted? Sana naman intindihin nila ako kasi pamilya ko sila. Sila ang dapat na asahan kong sasagip sakin pero sila pa ang humihila sakin pailalim. Nasasaktan ako palagi pero pilit kong tinatago iyon sa apat na sulok ng aking kwarto.
"Ngayon alam ko nang kahit kailan ay hindi ako matatanggap sa pamilyang ito, maari bang hayaan nyo nalang akong umalis?" I asked coldly and at the same time my tears stopped falling.
"I'm sorry but we can't do that." Ani ate Crystal.
"why?"napaatras si ate Crystal nang unang beses ko siyang tinignan nang masama.
"They...have reasons." Iyon lamang sinabi ni cloud habang nakalihis ang tingin sakin.
"Bullshit reasons!Aalis ako at huwag nyo ako pigilan!" sigaw ko sa dalawa.
"kailan ka pa natutong hindi sumunod? White," sabi ni ate Crystal habang may water ball na pinaglalaruan ang palad nya.
"ngayon lang ate, dahil gusto kong makaalis sa empyernong ito! Gusto Ko ring maranasan ang maging malaya."
"Maging malaya? Nagpapatawa ka ba? Walang lugar ang kalayaan sa mga mahihina!" Sabi ni ate Crystal.
"Ipapakita namin sayo, na walang lugar sa mundo ang mga mahihina"
Biglang sumulpot si Aqua Storm na kasalukuyang sinusuklay ang kanyang barbie doll. Ang bunso sa aming magkakapatid. 10 years old palang sya pero mahirap syang kalabanin dahil kagaya ng pangalan nya, mabagsik rin ang gift nya.
Narito narin sina mama,papa at ang buong angkan namin. Ngunit seryoso lang ang tingin nila. Mukhang manonood lang sila sa mangyayari. Nakangiti pa si mama sakin na parang sinasabi ng ngiti nya na 'masyado kang mahina para lumaban sa mga kapatid mo. Sumuko ka nalang.'
"Pagkatapos nito siguradong matututo kang sumunod ulit White." malamig na sabi ni Cloud.
Ngumiti ng creepy si Storm. Kay Storm ako mas natatakot. Kahit na 18 na ako at 10 palang sya, kayang kaya nya akong patayin kung gugustuhin niya.
"Simulan na natin!" sabi ni storm.
Kumumpas ng kamay si Cloud at biglang napuno ng Fog ang buong paligid. Alam nyang hindi ko sila makikitang umatake sa fog na ito. Paano ako makakalaban kong hindi ko sila nakikita? Damn you Cloud!
Ang kapal ng fog kaya hindi ko alam kung nasaan sila pero nararamdaman ko parin na nandito lang sila sa paligid ko.
"water blades!" rinig kong sigaw ni Crystal.
Bigla nalang may lumitaw na mga curved like na tubig sa paligid ko. Sabay itong bumubulusok papunta sakin. Meron akong ibang naiiwasan pero parang boomerang sila na bumabalik. Kaya naman marami na akong natamong sugat. Dalawa sa kanang pisngi. Lima sa kaliwang braso at tatlo sa kanang braso. Anim na sugat sa kanang binti at Lima sa kaliwa. Patuloy ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat ko. Kapag nagpatuloy pa ito baka mawalan na ako ng malay.
May narinig akong papalapit na mga yabag ng paa. Nakaluhod na ako ngayon at nakayuko habang iniinda ang sakit at hapdi ng mga sugat ko. May tumigil na sapatos sa aking harapan at sa nakikita kong sapatos ng isang bata, alam kong si Storm ito. Hinawakan nya ng mahigpit ang aking pisngi at pilit akong pinatingala para makita sya.
"I won't let you die so easily, my dear sister. I want you to suffer until you beg to die." she said smiling but a devilish one. Hindi nya kasama ang Barbie doll nya kaya alam kong seryoso sya ngayon sa mga sinasabi nya.
Storm can control the flow of a persons blood because its liquid. Kahit anong Uri ng liquid sakop ng gift nya. Kaya sa aming magkakapatid ,sya ang dapat katakutan.
Binitawan nya ang pagkakahawak sakin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nya pero bigla nalang akong kinapos ng hininga. Hinahawakan ko ang aking leeg at pilit na humahabol ng hangin. Lumalabo na ang aking paningin, hanggang sa kadiliman na lamang ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...