Mahina kong isinarado ang pinto ng silid ni Black. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mukha ng aming mga kasama.
"Is he okay?"
"okay na ba siya?"
"will he go on a rampage again?"Pambungad na mga tanong nila sa akin. I smiled at them as an assurance, "He will be fine, he just needs to rest."
Mukhang nakaginhawa naman sila nang maluwag dahil sa aking sinabi. Napatingin ako kay life at ngumiti ng tipid sa kanya.
"Life, can you accompany me to your lab? I need some medicines for his wounds and bruises." tumango si life sa akin at nauna nang lumakad samantalang nagpaalam muna ako sa iba bago ako sumunod kay life sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ay nadaanan pa namin ang mga nasirang bahagi ng palasyo na kasalukuyan ngayong inaayos.
The black curse is getting stronger and the war is fast approaching. I still need to find the answers for the remaining unanswered questions.
Hindi na rin nagtagal ay narating na din namin ang lab ni Life. Naghintay lang ko sa hamba ng pintuan habang pumasok naman si Life upang kumuha ng gamot. Hindi naman siya natagalan at nakabalik din naman agad siya upang ibigay sa akin ang gamot.
"By the way, how about the injured citizens?"
a small smile crept her lips before she answered my question, "they are doing okay now, they are fast recovering."
"that's good to hear. Thanks for the medicine, Pwede ka nang bumalik sa gawain mo." I smiled at her before I turned around to leave.
I should return immediately to Xen's room. He might be awake by now.
Mabilis akong naglakad upang marating agad ang kwarto ni Xen. Hawak ko na ang doorknob at bubuksan na sana ang pinto subalit napatigil ako noong may narinig akong mga boses mula sa loob ng silid.
"The Slovenians are moving now. They have assassin's scattered throughout the continent."
"Ayon sa Intel na nakalap ko ay may kapangyarihan daw ang mga assassin na iyon na magpalit anyo."
"Sa sitwasyon natin ngayon ay hindi natin malalaman kung ang mga kaharap natin ay isang kakampi o kalaban."
Base sa mga boses na narinig ko ay mukhang mga kapatid ni Black ang kanyang mga kasama sa loob ng kanyang silid. Mahina akong kumatok sa pintuan at dahan-dahan kong pinihit ang doorknob upang mabuksan ang pinto. Pagpasok ko'y bumungad sa akin ang walong pares ng mga mata. Pare-Parehas na nakakunot-noo ang magkakapatid habang nakatingin sa akin na tila ba ay nagtatanong kung bakit ako naparito subalit mabilis na nawala ang pagtatanong na ekspresyon nila noong makita nila ang hawak kong gamot. Mukhang nakuha na agad nila ang dahilan kong bakit ako nandito.
Binasag ni Pride ang katahimikan noong siya ay nagsalita habang may kakaibang tingin sa mga mata nito.
I could feel and I could see Jealousy on his eyes.
"Sige Black, babalik na lamang kami mamaya. Maaari pa naman nating pag-usapan itong muli." Salita ni Pride bago ito lumakad at nilampasan ako. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makalabas na ito sa silid ni Black.
Kasunod ni Pride ay ang iba pa nilang mga kapatid na ang iba ay ngumiti lamang sa akin na sinuklian ko rin ng ngiti samantalang nakangisi naman sina Lust at Greed sa akin at tumango lang sa akin si Sloth. It was his sign of acknowledgement.
A deafening silence came next. My palms are sweating and my knees are trembling as I walk to reach his bed. Naka-upo si Xen sa headrest ng kanyang kama habang sinusunod ng kanyang mga mata ang aking mga galaw. Dumoble pa ang aking kaba dahil sa kulay itim nitong mga mata na hindi man lang lumihis sa pagkakatitig sa akin. Kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Black lalo na at blanko lamang ang kanyang ekspresyon.
"Xe-xen! May masakit ba sayo? Siya nga pala, may dala akong gamot para sa mga sugat mo. A-ano...Gusto mo bang ako na ang maglagay o mas gusto mong ikaw na lang? Nakangiti subalit kinakabahan kong sabi sa kanya.
Mula sa aking mukha ay bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay na may hawak ng gamot. Akala ko ay magsasalita na siya o kaya ay kukuhanin na niya ang gamot mula sa aking kamay ngunit nanatili itong tahimik at hindi man lang gumalaw sa kanyang pwesto.
My smile slowly went to a frown when I didn't received any response from him. Ilang minuto akong nakatayo sa gilid ng kanyang kama at hinihintay ang kanyang pagtugon subalit nabigla ako at muntik nang mapasigaw noong hinawakan ni Xen ang kamay ko sabay hila sa akin papalapit sa kanya.
I landed on his lap then, I felt his arms immediately wrapped around my waist and his forehead was on my shoulder. My cheeks flushed on the sudden closeness and I became speechless for a minute. I lightly tap his shoulder to get his attention.
"Hey Black, Kailangan ko pang gamutin Ang mga sugat mo diba?" Bulong ko sa kanya subalit napakunot na lamang ang aking noo sa kanyang itinugon. " Hindi na iyan kailangan. Nagamot mo na ang mga sugat ko. You're presence is enough."
Huh? Sinasabi nito?
"A-ano kasi...Xen-"Sinubukan kong gumalaw upang kumawala ngunit mas humigpit lamang ang pagkakayakap nito sa akin kaya't napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan na lang siya.
Akala ko ay mabibingi na naman ako sa katahimikan subalit nagpatuloy na sa pagsasalita si Xen.
"Please stay, Aqua. Please...don't leave me again."
Parang may kumirot sa aking puso nang marinig ko ang nagsusumamo niyang boses subalit hindi ako nagsalita at hinayaan siyang ilabas ang kanyang dinadamdam habang mariin akong nakikinig sa kanya.
"I was scared. When I woke up that day and I found out that you were not there beside me anymore, I was scared. Natatatakot ako kapag hindi kita nakikita dahil baka kapag muli kitang makita ay nasa bingit ka na naman ng kamatayan. I was afraid with the thought of you leaving me again. So please, stay with me this time Aqua. I might not lose myself because of the curse but I will definitely lose myself if you leave me." Mula sa pagkakayuko niya sa aking balikat ay sinalubong niya ang aking mga mata. He was staring at me with his dark colored eyes as if he was reading what was on my mind.
"Will you promise, Aqua?"
Nagdalawang isip pa ako sa aking isasagot. I feel suffocated because I can't promise something that I will surely break however, I still choose to lie to him because my heart can't take to see his hopeless eyes.
"I promise, Xen."
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...