Black’s POV
I don’t know what’s happening. The last time I remembered was that, I am in a battle with sloth but why am I stuck in here?
Walang hanggang kadiliman ang aking nakikita. The darkness is surrounding me, not until a black smoke with white on the edges appeared out of nowhere. Ang usok na ito ay unti-unting nabuo sa aking harapan hanggang sa lumitaw ang isang taong kamukhang kamukha ko ngunit ang pinagkaiba naming dalawa ay ang mga mata niyang purong itim.
Nakikilala ko siya dahil pangalawang beses na itong nangyari.
He is the impersonation of the Black curse.
“Ano na naman ang kailangan mo?” masungit kong tanong.
“Sa tingin ko'y ikaw ang may kailangan sa akin,” anito at tumawa ng nakakakilabot.
“kailanman hindi kita kinailangan! hindi kita ginusto at hindi kita hiniling!” Sumbat ko sa kanya ngunit humalakhak lamang ito.
“ang iyong katawan ay kasalukuyan ngayong nakikipaglaban sa kapatid mo ngunit ang iyo namang kaluluwa ay narito at ako’y kinakausap, alam mo ba kung ano ang ibig kong sabihin?” he said while grinning mischievously.
Natigilan ako saglit sa kanyang sinabi. Damn! it's happening again! Ang nag-iisang bagay na kinakatakutan ko.
I smiled bitterly. Mukhang mapapakawalan ko na naman siya ulit. The curse was slowly consuming me and it's getting stronger everytime it appears in front of me.
“pero wag kang mag-alala, Hindi naman siguro aabot sa million ang mapapatay mo ngayon,” nawiwili pa niyang sabi.
“Damn you!” I shout because of frustration.
Ayaw ko nang maalala pa ang nakaraan! Hindi iyon maaaring mangyari ulit!
The first time it happened was eight years ago. The day she died, The day that I lost her and the day that I lost myself.
Napasigaw ako at napahawak sa aking ulo. The pain that I'm feeling is excruciating. My tears are flowing but I can still hear his demonic laugh. Mukhang aliw na aliw ang itim na sumpa na makita akong nagdudusa.
It's happening again! Flashbacks of her smile, her laugh and her lovely words are replaying. I continued crying and shouting until the darkness dissolved and I'm back to the scene of the past that was haunting me.
My nightmare...
The past eight years ago......
Nakahiga sa aking hita ang ulo ni Aqua. Naririnig ko ang patuloy niyang pagsasalita habang lumalabas ang kanyang dugo mula sa sarili niyang bibig.
"M-mahal....t-tahan....na." nakangiting aniya habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.
Her hand soaked with blood, tried to reached my face and wipe my tears. Humahagulgol ako habang hawak ko siya.
"M-mahal...na....M-mahal k-kita. T-tan..d-daan...mo.....'yan Xe-" Nanlaki ang mga mata ko nang hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil nakita ko na unti-unti nang pumikit ang kanyang mga mata. kasabay no'n ay ang paglapat ng kanyang kamay sa lupa.
She died while I'm holding her. She died without me protecting her. She died leaving me broken.
Our dreams, our promises and my hope for this world to be better had shattered.
"I-I....Love you more! Aqua!" I cried as I hug her lifeless body.
Patuloy akong sumisigaw at humahagulgol sa pagkawala niya habang patuloy ang aking pag-iyak ay nakangisi naman sa aking harapan ang mga taong may pakana ng kanyang kamatayan.
Ang maharlikang pamilya at mga mamamayan ng kaharian ng Slovenia.
Nilapag ko ang malamig na katawan ni Aqua sa lupa at hinarap ang mga taong nakapaligid sa akin.
I was filled with range and sorrow as I suddenly saw darkness surrounding me until a dark smoke appeared out of nowhere. Ang itim na usok na iyon ay lumabas mula sa katawan ko at matagal na nakipagtitigan sa akin.
"Please....Kill them." those are the words that I uttered and the Black Curse obliged.
Ako ay nagtataka kung bakit nagawa nila ito kay Aqua. Our kingdom and theirs was in good terms for centuries but how can they do this to one of the members of the elite families from the Central kingdom?
Ngunit kahit anong rason pa ang kanilang ibigay hindi na maibabalik no'n ang buhay ni Aqua. She's my light to overcome my darkness. She's my hope and she's everything to me. I love her more than anything else, more than anyone.
Ang paligid ng Slovenia Kingdom ay patuloy na nilalamon ng kadiliman. Napuno ng takot ang mga mamamayan pati na rin ang kanilang Hari at Reyna. Ang nakangisi nilang mukha kanina ay napalitan nang pangingilabot.
The king and queen of Slovenia Kingdom looked at me with fright and anger.
"Tama nga ang kwento tungkol sa mga prinsipeng kagaya niya! The legend about them was true! They will surely bring destruction and death!" anunsyo nang kanilang Hari habang itinuturo ako.
Napatawa ako nang sarkastiko sa kanyang binitawang salita. Napakagaling naman niya at binalik pa talaga sa akin ang kanyang ginawa! Hindi ba't sila ang dahilan ng kamatayan ni Aqua? ngunit bakit parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan?
Do you want to see what a cursed prince can do? Then I'll make you see how evil we can be!
I laugh like a crazy man in front of them. Ang hangin sa paligid ay biglang umiba habang akong patuloy na tumatawa sa harapan nila. Naging mabagsik ang hangin sa paligid at unti-unting nagiging kulay itim.
It reeks of poison.
Nilukob no'n ang buong kaharian hanggang sa ang tanging natira na lamang na buhay sa kaharian ng Slovenia ay ang kanilang Hari.
Wala na akong pakialam sa ugnayan ng kanilang kaharian sa Central kingdom. Wala na rin akong pakialam kung lumalabag man ako sa isang patakaran. Uubusin ko ang buhay ng kanilang mga mamamayan lalo na ang kanilang maharlikang pamilya!
Simula ng ako'y isinilang takot na ang lahat sa akin dahil iniisip nila kagaya rin ako ng mga naunang isinumpang prinsipe. Unti-unti silang nilamon ng itim na sumpa hanggang nawala na sila sa katinuan. They kill everyone or anyone they see.
The people loathes us because no one knows how to break the curse and this curse will continue to destroy the outcast..
I hate my lineage! I hate the goddess! Bakit pati kami na walang kinalaman ay dinamay nila? Bakit ba namamatay ang mga minamahal namin? Why? why do we have to suffer?
Lumakad ako papalapit sa Hari ng Slovenia Kingdom na kasalukuyang nakahawak sa kanyang leeg at mukhang nahihirapang huminga.
"Why? why did you killed her?" I ask them full of hatred and with eyes brimming in tears.
"T-That woman....s-steal a valuable item from us b-because....she is looking for a way on h-how to break the Black C-Curse!" Iyan lamang ang huli niyang salita bago siya binawian ng buhay.
Natupok ng itim na apoy ang buong kaharian hanggang sa abo na lamang ang natira. Tinalikuran ko ang kaharian ng Slovenia at nilapitan ko ang bangkay ni Aqua. I carried her in my arms as I walk away from the Slovenia Kingdom.
Aqua knows that I will eventually be cursed and she wanted to find a way to break it before it was even happening. I smiled bitterly. She is always thinking about me without her thinking about herself.
Despite knowing my cursed Bloodline, she still accepted me, she still loves me. Naiiba siya at Wala nang iba pang makakapalit sa kanya....
Ngunit mayroong babaeng kasalukuyan ngayong gumugulo sa aking isipan. Isang babaeng kamukhang kamukha ni Aqua. They looked so alike but their attitudes are different, and she is now in front of me...wounded.
With blood on the side of her lips she still smiled at me.
"Isda ka talaga." She said as she closed her eyes and lost her balance.
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...