Bakit? Bakit kung kailan na bumalik na ang dati naming pagsasama ni ate ay ngayon pa siya nawala? Bakit kung kailan naging mabuti na ang pakikitungo niya sa akin doon pa siya namatay o kaya ay pinatay?
"Do you have any idea who might did this?" My jaw were clenching as I stared at my sister's grave in front of me.
"The Slovenians, I think." Pride responded.
Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay mabilis akong umikot upang harapin siya at hawakan ang kanyang leeg.
"This wouldn't happen if you just let me attack them first!" I shout at his face with fury but he just stared at me blankly.
"You're wrong....Kahit inatake mo pa sila nang oras na 'yon ay magkaibang tao pa rin naman ang sumunog ng bahay at ang taong nagmamasid sa atin noong mga oras na iyon. Same thing will surely happen even if you attack those Slovenians who were watching us because their comrades at that time was already on the village and already preparing to burn your sister alive!"
Napabitaw ang hawak ko sa kanya dahil sa aking narinig. He has a point. Gumagalaw na nga ang mga kalaban namin at ang pagpatay nila kay ate ay isa lamang babala sa akin na marami pa ang idadamay nila sa susunod.
My fist balled and I was shivering from rage when I walk my way out of the forest where we held my sister's funeral.
Mabilis akong nag impake ng mga gamit ko at naghiram na rin ng kabayong sasakyan dahil malayo pa ang aking lalakbayin upang marating ang border na humahati sa dalawang kontinente.
I need to act fast and end this! Kailangan ko nang kunin ang itim na libro mula sa mansyon ng mga Aquaheart kung saan iyon itinago. The book's contents will tell us what to do in order to break the curse. Ang librong iyon ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa itim na sumpa subalit, upang lumabas ang mga letra sa loob niyon ay kailangan mo Itong bigyan ng iyong dugo. Iyon ang dahilan kaya't blanko ang mga pahina nito noong nakita ko ito sa aking silid.
Mabilis na tumatakbo ang kabayong aking sinasakyan kaya't sumasabay rin sa hangin ang mahaba at medyo kulot kong buhok na kasing kulay ng karagatan.
Nakasunod sa aking likuran si Pride na nakasakay rin sa kanyang kabayo at pilit na humahabol sa akin.
"Slow down! Aqua!" Rinig kong sigaw niya ngunit mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kabayo.
Ngunit napatigil ang pagtakbo ng kabayo noong may palaso na tumama sa harapan nito. Muntik na akong malaglag sa likuran ng kabayong aking sinasakyan kung hindi lang ako nakahawak ng mahigpit sa renda ay nananakit na siguro ngayon ang aking katawan.
Napatingin ako sa palasong tumama sa lupa at nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nakita.
Isang umaapoy na palaso. Pinakalma ko ang kabayo at doon na rin nakahabol sa akin si Pride na matalim na nakatingin sa aming paligid o mas angkop na sabihing nakatingin siya sa itaas ng mga puno kung saan nakatayo ang mga taong may hawak na mga pana at palaso.
Tumalon ang kanilang pinuno mula sa puno at lumapag sa aking harapan. His comrades are still holding their weapons and aiming at us while their leader are staring at me seriously.
"Why are you here in our territory?" May panganib ang kanyang boses ng ito ay sinabi niya. Tila ba'y isang maling salita mula sa amin at ang kapalit nito'y ang aming mga buhay.
"Napadaan lamang kami at wala kaming balak na masama sa inyo." malumanay kong salita.
He tilted his head and stared at me for a long time and I did the same. Kung may pagkilatis sa kanyang tingin ay ganoon din ang aking ginawa. Tinignan ko din siya mula sa ulo hanggang paa. Mula sa kanyang kulay dugong buhok, maputlang balat, singkit na mga matang kulay dilaw, matangos niyang ilong hanggang mapupula niyang labi. Hindi maipagkakailang may angking kapogian at kakisigan ang nilalang na ito.
Naglandas pa ang aking mga tingin sa kanyang katawan at mayroon akong nahagip na parang tattoo sa kanyang braso. Hindi ko namalayang napatagal na pala ang aking paninitig sa parteng iyon ng kanyang katawan at napukaw lamang ako nang marinig ko ang kanyang boses.
"Do you like the view?" He smirked.
Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Ngunit mas umasim ata ang aking mukha nang marinig ang sunod niyang sinabi.
"Alam kong gwapo ako at makisig binibini ngunit baka ako ay matunaw sa iyong mga titig," saad niya habang nakangisi pa rin at narinig ko pa ang pang-aasar na sigawan ng kanyang mga kasama. Doon ko nakumpirmang mahangin nga siya.
"Hoy! Ni wala ka nga sa daliri ng kagwapuhan ko! Wag kang magyabang!" Sumbat ng tukmol kong kasama sa lalaking nasa aking harapan.
Naramdaman ko ang mga bumubulusok na palaso sa hangin at papunta ito sa amin ni Pride. Mabilis kong tinawag ang elemento ng tubig upang kami ay maproteksyonan mula sa mga palasong papalapit sa amin ngunit sa pagtawag kong iyon ay sumabay rin sa pag-ilaw ang symbolo ni Aquarius sa aking dibdib.
Walang may nakalampas na palaso mula sa aking proteksyon at nang maramdaman kong wala nang palaso ang papunta sa amin ay hinarap ko ang kanilang pinuno at sa matalim na tingin ako'y nagsalita.
"Nais n'yo ba ay laban? Dahil kong kami ay hindi n'yo pararaanin ay mapipilitan akong kalabanin kayong lahat. Mayroon ako ngayong importanteng lakad at ayaw kong masayang ang aking oras!" Sumbat ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan na kita kong nanlaki ang mga mata.
He was staring at the glowing symbol on the upper part of my chest but because of my clothes, it cannot be seen fully.
"You're a celestial vessel too." He uttered softly like he's talking to himself.
"So, you are one of the celestial vessel too?" I asked arching a brow.
Ngumiti siya sa akin, "I am the vessel of Sagittarius. Just call me Tari."
"I am the vessel of Aquarius, I am known as aqua and by the way, it was not nice to meet you."
He chuckled at my statement then he move to give us a way. "Hindi ba't sabi mo ay mayroon kang importanteng pupuntahan? Maaari ka nang tumuloy sa pag-alis."
Narinig ko pa ang pag-angal mula sa kanyang mga kasama bago kami nagpasalamat at pinatakbo nang muli ang mga kabayo hanggang sa marating namin ang isang pamilyar na lugar.
Ang kweba.....kung saan ko unang nakita si Black nang ako ay bumalik sa outcast.
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...