White's pov
Nagising ako sa pakiramdam na parang ako'y nakalutang. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong Parang nasa ilalim ako ng dagat ngunit hindi ako nahihirapan sa paghinga. Parang hindi ko maramdaman ang tubig sa paligid pero nakikita ko.
May nakita akong mga bagay na nakalutang sa aking harapan. Alahas, halamang gamot, ubas, isang espada, gintong susi, bolang Crystal, kulay puting tela at sa gitna ng mga nakalutang na bagay na ito na nasa aking harapan, nakita ko ang itim na libro.
"Sa lahat ng bagay na nakalutang sa iyong harapan, ano ang nais mong piliin?" Narinig kong salita sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang sirenang nasa ilalim ng mesiah falls.
Ngayon ko napagmasdang maiigi ang kanyang kaanyuan. Kulay asul ang nakalugay at umaalon niyang buhok na hanggang beywang. Kulay asul rin ng mga mapupungay nyang mga mata na napakagandang titigan. Kasing pula ng mansanas ang kanyang mga perpektong labi. Proud na proud naman ang kanyang mataas na ilong. Kulay asul rin ang kumikintab sa ganda niyang buntot.
Ganito ba ang mga sirena? Sadya bang napakaganda nila? Parang gusto na din tuloy na maging sirena!
Natulala naman ako sa kanya nang bigla siyang ngumiti at inulit ang kanyang tanong.
Ano ang pipiliin ko? Sa paglapat ulit ng aking mga mata sa mga bagay na nakalutang, kusang humakbang ang aking mga paa sa bagay na unang kumuha ng aking atensyon.
ANG ITIM NA LIBRO.
Hinawakan ko ito at hindi nga ako nagkamali. Ito'y kawangis ng librong nakita ko sa aking kwarto.
"Maaari ko bang itanong kung bakit iyan ang iyong pinili?" Nasa tabi ko na pala ang sirena habang nakatingin sa itim na librong hawak ko. Biglang nawala ang mga bagay na nakalutang kanina at tanging ang itim na libro na lamang ang natira.
Hinarap ko ang sirena at sinabi ang aking sagot, "Ito ay pinili ko dahil kawangis nito ang libro na nasa aking silid at napupuno rin ito ng misteryo na nais kong tuklasin."
Naging malapad ang ngiti nito, "Maaari kong sabihin ang lahat ng alam ko tungkol sa librong 'yan kung ako'y iyong matatalo sa isang duelo."
Naalerto ako sa kanyang sinabi at hinanda ang aking sarili sa kung anumang pag-atake na magmumula sa kanya. Sinubukan ko pang tawagin ang tubig at hangin ngunit nagtaka ako nang ito'y biglang natawa.
"Darn! Hindi ito kagaya nang iniisip mo! This is not a physical duel but I would like to test your mentality."
Napabuntong hininga naman ako. Akala ko naman kasi bakbakan na. Nagulat ako nang biglang mawala ang librong hinahawakan ko at may biglang lumitaw na lamesa sa gitna naming dalawa. On the top of the table was a chess board and the next thing I knew, we are playing chess. I am a knowledgeable one so I know how to play this game although I just know it because of reading.
"In these Chess board, what do you think was the most important piece?" she suddenly ask while we were in the middle of playing. She moves her knight.
"I think it's the king. Dahil siya ang pinuprotektahan." I was so sure of my answer but I suddenly doubt it when I heard her laugh. I saw her move a piece and take down my queen.
"Mali ka. It's not the king, it's the queen." bago pa ako makapagsalita upang magtanong kung bakit dinugtungan na nito ang kanyang sinasabi, "The queen is the most important because it's the strongest piece. Limitado lamang ang magagalawan ng hari ngunit madami at malapad ang sakop ng Reyna. If the queen is gone, who can protect the king?"
Napa-isip rin ako sa kanyang sinabi, "Tama ka nga diyan." Iginalaw ko ang ang bishop sa chess board, "It is true that the queen was the strongest piece but your question is about Who was the most important piece? and I believe that it's the king because if the king will lose then the game is over." Napangisi ako sa kanya.
"Checkmate." Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin sa chess board. Nakita niyang na cornered ang piyesa ng hari. It was the bishop who cornered the king, "In this game, I can let the queen lose and be gone for I still have the other pieces because the most important thing is to win even if I have to sacrifice the queen."
Napangisi siya sa aking sinabi, "Let's see about that."
Napakunot naman ang noo ko. Is she still talking about the game?
"So paano ba yan, natalo kita." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko at mukhang may hinihintay itong sabihin ko.
"Then, can I be your vessel now?" Atat kong tanong sa kanya. Noong unang kita ko palang kasi sa kanya alam ko na isa siyang celestial spirit.
"You are so straight forward my dear, I like that!" she said looking so amused. I just smiled at her.
"Okay then, Closed your eyes." Sinunod ko ang kanyang sinabi. Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay papunta sa itaas ng aking dibdib. What is she doing?
"This would sting a little so be prepared." napalunok ako sa kanyang sinabi at tumango.
Anticipation is killing me.
Naramdaman kong parang may nagpupumilit pumasok na enerhiya mula sa kanyang kamay na nakahawak sa akin. Bigla akong napasigaw nang tuluyan itong makapasok at nakaramdam ako nang matinding sakit.
It hurts! It's like my flesh were being ripped apart. Pakiramdam ko'y para akong hinihiwa ng maraming patalim at hindi man lang ako makapalag.
Tuloy ang aking pagsigaw hanggang sa matapos siya sa pagsalin ng mga enerhiya. Humihingal ako at naghahabol ng hininga nang siya ay matapos.
Nang magmulat ako ng mga mata ang nakangiti niyang mukha ang aking nasilayan at kasabay nito ay ang umiilaw na marka sa itaas ng aking dibdib kung saan niya ako hinawakan kanina. The mark looks like waves of water. A symbol of a zodiac sign. It is the symbol of Aquarius.
Unti-unti ko ring nararamdaman na umiiba ang aking pisikal na anyo. Ang shoulder length kong buhok ay humaba at umabot na sa aking beywang. Ang aking buhok ay naging kakulay ng dagat at pa alon-alon na ngayon ang tuwid kong buhok.
Mas lalong pumuti ang aking balat. Ang hubog ng aking katawan ay mas lalo ring gumanda.
I slowly closed my eyes to feel the great sensation that I am feeling right now, it's overwhelming.
"You now have my mark and power, White Rain Aquaheart. This Celestial spirit has now chosen it's new vessel."
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...