White's pov
Bigla nalang akong hinablot ni Kuya Charles at itinago sa likuran nya.
"Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka mapagkakatiwalaan!" Sigaw ni Kuya doon sa babae.
"Isa kang Aquaheart hindi ba? Konting dugo mo lang ang kailangan ko at maiaalis na ang sumpa ni Aqua Storm.. konting dugo mo lang," she look at me pleadingly.
"Kung sakaling makalaya tayo rito..ano ang una mong gagawin?" tanong ko sa kanya.
"White naman! Heto na naman tayo eh!" Angal ni Kuya Charles ngunit hindi namin sya pinansin. Tinitigan ko lang ang babae kahit hindi ko makita ang kanyang mukha.
She removed her black hooded Cloak. Nagulat ako sa bumungad sakin. Isang magandang babae na may silver na buhok at lilac na mga mata. I think she was on her thirties already, but it can't be denied that she's really beautiful.
"Ang natatanging rason kung bakit gusto kong makalaya dito ay, dahil...gusto ko nang makita ang dalawa kong anak. Sigurado Kasi akong malalaki na sila ngayon at hindi ko manlang sila nasilayan ng labinlimang taon dahil sa pagkakakulong ko rito." Sobrang lungkot nya nang sinabi nya 'yan at hindi nakaligtas sa paningin ko ang takas na luha na tumulo sa kanang mata nya.
"White, baka isa yang panlilinlang!" bulong ni Kuya Charles
"Sa tingin ko'y hindi ito panlilinlang kuya," bulong ko rin. Napabuntong hininga nalang siya dahil kapag buo na ang desisyon ko'y hindi na nya mababali pa. Napabuntong hininga na lamang ito at hinayaan na lang ako.
I have this magic ring that can stored anything I have. It was been with me since I was young. Ang kailangan ko lang gawin ay mag chant at isipin ang bagay na gusto kong palabasin mula dito. I stored in the ring all the valuable things I have.
"I summoned thee.. Sword Of Calamity!"
Biglang may lumitaw na espada sa harapan ko nagmula sa singsing kong suot. Meron itong disenyo ng ruby stones sa hawakan nito at umiilaw ito ng bloody red. Nawala ang ilaw nito ng aking hinawakan.
Sa tingin ko'y okay na ito, kesa naman sa wala. Well, I couldn't find any knife in here so I summoned the sword of Calamity.
I cut my left wrist using the sword. Not too deep but just enough to flow my blood out.
Suminghap silang dalawa ng sabay at tinignan ako na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Revert! Sword Of Calamity!" Nawala sa kamay ko ang sword. Bumalik yun sa loob ng singsing.
"You want my blood, here you have it."
Nagulat ako ng kinuha nya ang kamay ko at sinipsip ang aking dugo. Isa ba syang bampira!?
"Hoy!sabi mo kaunti lang, tama na 'yan!" Sabi ni Charles at pilit na inaalis ang kanyang bibig sa sugat ko sa kamay.
"Maraming salamat. Ngayon kailangan na nating bilisan at pumunta na tayo sa tunnel. Ang daan palabas dito," sabi ng babae at tumayo na habang pumunit naman si Kuya ng tela sa damit n'ya na itinali n'ya sa sugat ko.
Nagmadali kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa sinasabi n'yang tunnel.
"Kapag nakalabas tayo sa tunnel na ito, bubungad sa'tin ang kagubatan ng esteria. Ang gubat ng esteria ay mayroong portal na pwedeng daanan para makapunta sa outcast nang walang kahirap hirap," pahayag ng babae.
"Paano nyo po nalaman ang bagay na iyon?" Tanong ni Charles sa kanya.
"Because I am a citizen of outcast land," sabi n'ya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
That Black Prince
Fantasy[Non-exclusive on Novelah, Finovel and Story On] Ang Elipsu World ay isang mundong puno ng mahika at ito ay nahahati sa dalawang malalaking Continente. Ang Holy Land at ang outcast Land. Si White Rain Aquaheart ay isang babaeng hindi pinalad sa mah...