Chapter 32

26 3 0
                                    

Ang huli kong naalala ay ang paghampas ng mga alon at ang malamig na dagat bago ako nawalan ng malay ngunit nang magmulat ako ng aking mga mata at napagmasdan kong mabuti ang paligid napagtanto kong nasa loob ako ng demensiyon ni Aquarius.

Nakangisi ang serena sa aking harapan habang nakatitig sa akin. "Welcome back?" nakangising sabi niya.

Ito ata ang ikalawang pagkakataon na ako'y napadpad dito. Napansin kong gano'n parin naman ang damit na suot ko noong nahulog ako sa barko.

Ano ang nangyayari?

"Do you want a game?" She asked.

"At this moment, I don't want to. May kailangan pa akong gawin na mas importante  pa sa laro." I rolled my eyes at her. She just chuckled at me.

"Then go, but don't forget about what we talked last time." Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

Ano nga ulit ang napag-usapan namin dati? Sa tagal na no'n ay hindi ko na maalala.

"The time has come my dear. What will you do?" Nakangising aniya.

"What do you mean?"

Mukhang natutuwa si Aquarius na makita akong nagtataka dahil sa kanyang mga sinasabi. Bakit hindi niya nalang kaya ako diretsuhin? Marami pa siyang pasakalye.

“Who do you think was the most important piece on the chess board?” those words take me back to our conversation last time. She had asked me this question and my answer will stay the same.

"It's the King, Aquarius."

She smirked mischievously, "I will make a bet, you will lose something If you go further in this journey."

Tila ba'y isa itong babala mula sa kanya ngunit hindi ko man lang pinansin ang kanyang mga salita at iyon ang naging pagkakamali ko.

Nabalik ako sa kasalukuyan at ang una kong naramdaman ay ang mainit at malambot na labing nakadikit sa labi ko. Patuloy ang pagdaloy ng hangin mula sa labing iyon papunta sa loob ng aking katawan.

Hindi ko na pinatagal pa ang pagbibigay nito ng hangin sa akin at iminulat ko na ang aking mga mata kasabay ng pagbangon ng aking katawan. I cough as I spit the water out of my mouth. I scan my surroundings after I recovered and I noticed that we are in a sea shore of an island.

I looked at the person who gave me a mouth to mouth resuscitation and it was pride. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako upang tumayo. Nagpasalamat ako sa kanya at tinanguan niya lamang ako bago siya naglakad papalayo sa dalampasigan at pumasok sa kagubatan. I ran in order to reach him but he's walking too fast.

"Uhmm...where are we? And where is my sister and sloth?" Tanong ko habang nakasunod sa kanyang likuran.

"I don't know either. Ikaw lang at ako ata ang napadpad sa islang ito." Aniya habang naglalakad subalit napahinto kami ng may marinig kaming nakakabinging tunog ng hayop at biglang lumakas ang hangin sa paligid. Kasabay no'n ay nakita ko sa himpapawid ang kulay asul na ibon. Napakalaking ibon at may nakatayong babae sa ibabaw nito habang ito'y lumilipad.

Then, i realization hit me! We had reached the lost Island of the blue phoenix!

Nagkatinginan kaming dalawa ni pride at tila ba'y alam namin kung ano ang iniisip ng isa't isa dahil sabay kaming tumakbo at sinundan ang papalayong ibon.

Legend say's that their was a village inside the island of the blue phoenix. Mayroong mga taong nangangalaga sa kanila at mukhang isa na doon ang babaeng may kapangyarihan sa mga ala-ala. The woman who can help me to go to holy land again.

Napakahirap niyang hanapin dahil dito siya sa nawawalang isla nakatira ngunit ngayon ay makikilala ko na siya.

Patuloy ang aming pagsunod sa ibon hanggang sa dalhin kami nito sa isang kumunidad. Napakalawak na kapatagan na may maraming nakatayong bahay. Napalilibutan ng mga matatayog na punong kahoy ang buong komunidad at kahit sa mga punong iyon ay mayroon ring mga bahay. I could even see a blue house above the tree where the blue phoenix stop. As i observed, everyone here in this island has their own phoenix. It was like their pet.

I stepped back when i noticed that all eyes are on us. I look at the man beside me but he doesn't look threatened at all. People started to walk towards us with their hands glowing in blue light. Pinaligiran nila kami upang kami ay hindi na makatakas pa. Even the blue phoenix growled at us with anger.

Nabigla ako ng maramdaman kong hinawakan ni Pride ang kamay ko at iniharang ang sarili niya sa aking harapan. "Don't worry, i can assure you that you can leave this place unscratched."

What he said warmed my heart with mix emotions. The last time, someone said that to me they sacrifice theirselves for my sake. Would he do the same? I wonder,...

Mula sa balikat ni Pride ay tinignan ko ang nangyayari at nakita kong nahawi ang mga kumpol ng tao. With authority, a woman with emerald eyes and jet black hair walk towards us. I saw the respect from the people like she's the most powerful person among here.

Natigilan ito nang ako'y kanyang makita. "Aquaheart."

Nagulat ako dahil sa kanyang sinabi. Why and how did she know me?

"Ive already anticipated this to happen but i never expected it to be this early," she said as she smirked at me.

Pumalakpak siya ng dalawang beses at muling bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang mga mamamayan nitong isla bago pag man kami dumating. She told us to follow her and we obliged.

Binitawan ko ang kamay ni hawak ko ngunit hinigpitan niya lamang ang hawak sa aking kamay. "Pride," i said in a threatening tone. Natigil siya sa paglalakad at tinignan ako.

"Release my hand."

That was his wake up call and he release my hand immediately. "Sorry."

Nilampasan ko siya at hinabol na iyong babae. We entered a huge house with ancient  designs. It was the oldest house around here.  Akma na sanang papasok si Pride ngunit pinigilan siya ng babae.

"Maaari mo ba kaming iwan sandali? Huwag kang mag-alala dahil wala akong gagawing masama sa kanya." She gave him a reassuring smile. Tumango si Pride bago tumalikod at iniwan kami.

"Who are you?" Panimula ko sa aming pag-uusap.

"I am Dilly and you don't have to tell me your name, I know you." hindi na ako nasorpresa dahil alam niya ang apelyido ko.

"Alam ko rin kung bakit ka pumunta dito. Are you here because you want to regain your memories? Those memories that I've sealed? If so, then be ready for the price that you will have to pay."

That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon