Chapter 21

32 3 0
                                    

                White's POV

I was still laying on my bed when suddenly I heard a knock at my door. Parang ayoko atang bumangon ngayon. Mamaya kasi malalaman na kung sino ang susunod na magiging hari nang outcast. Ngayon na ang araw sa kapangyarihan at trono nina Black at Sloth.

Bumangon ako sa aking kama at pinagbuksan ang kumakatok. Kahit na ayaw kong bumangon kailangan ko pa rin dahil kailangan na nandoon kami sa laban nila mamaya.

Pagbukas ko nang pinto bumangad sakin ang nakangiti kong personal body guard slash alalay samantalang, Busangot naman akong nakatingin Kay Blood.

"Bakit Hindi ka pa nagbibihis my lady? Nandoon na sa arena sina first at second."

"Pwede bang wag na akong manood?" Nakakatamad Kasi...

Pinandilatan ako nang mata ni Blood. "His highness requested it himself and you had no right to refuse!"

Hinawakan ni Blood ang braso ko at hinila papuntang bathroom. Pilit niya akong hinila pailalim nang shower. Akmang huhubarin na niya ang aking damit nang tinitigan ko siya nang masama. She throw her hands up in the air like she surrender.

"Ok fine. Ikaw na magpaligo sa sarili mo," aniya at lumabas na siya ng bathroom. Tinatrato nga kaming prinsesa sa kaharian ni Black pero ni minsan hindi ko sila pinayagan na hubaran ako at paliguan dahil kaya ko namang gawin 'yon nang mag-isa atsaka hindi ako sanay na gano'n ang trato sa'kin.

Paglabas ko ng bathroom wala na si Blood pero mayroong damit sa ibabaw ng aking kama. Sinasabi ko na sa kanyang ako na ang bahala sa sarili ko pero talagang hindi siya nakakatiis. Napangiti nalang ako habang sinusuot ko ang damit na pinili niya.

Lumabas ako nang aking kwarto at nakita ko siyang naghihintay sa labas. Ngumiti siya sakin at sabay kaming lumakad papuntang arena. Sa aking pagkakaalala isa lang ang arena na malapit sa palasyo at 'yon ay ang training ground ng mga kawal.

Pagdating namin dun nakita ko ang napakaraming mamamayan nang outcast na naka-upo sa mga bleachers. Pabilog ang arena at may malapad na platform sa gitna samantalang nakapalibot naman ang mga upuan ng mga manonood subalit kakaiba ang pwesto namin dahil naka-upo kami sa mataas na bahagi kaharap nang lalabasan ng mga kalahok. Sa nakikita ko, tanging mga maharlika lamang ang maaring umupo dito. Nasa gitna ang Mahal na Hari at nasa kanan niya kami naka-upo simula Kay first na katabi ng hari hanggang sa'kin samantalang nasa kaliwa naman niya naka-upo ang kanyang mga anak. Oo mga anak talaga dahil kagabi ko Lang nalaman mula Kay greed na magkakapatid pala sila ngunit iba-iba ang kanilang mga ina.

The king has three concubines and the queen has only two sons and that is Black and Sloth. Kaya hindi raw makasali ang iba nilang kapatid dahil anak naman daw sila sa labas.

Hindi naman problema 'yon Kay Greed pero sa iba nilang kapatid iba ang dating no'n. Mukhang hindi sila sang-ayon na isa kina Black at Sloth ang maging hari. Naaalala ko pa ang mga mukha nila habang pinag-uusapan ang tungkol sa trono.

Naglalakad ako sa hallway at liliko na sana ako para makapunta na sa aking kwarto ngunit napatigil ako nang marinig ko ang mga pag-uusap galing sa kwarto na nasa kanan ko. Ayaw ko sanang makialam pero meron akong narinig na kumuha nang aking atensyon.

"Papayag nalang ba talaga tayo na Isa sa kanila ang maging hari!?" Parang galit na galit ang nagsalita.

"Wala naman tayong magagawa, Hindi naman tayo legal na anak! Wag mong kalimutan ang bagay na iyon envy!"

"Sa totoo lang, naiingit ako sa kanilang dalawa, gusto ko rin kasing maging hari." malumanay na sabi nang isa sa kanila.

Mukhang ang mga prinsipe itong nag-uusap. Sumilip ako sa siwang ng pinto at nakita ko ang limang nag gagwapuhang lalaki na nagtitipon sa kwartong ito. Mayroong naka-upo sa gilid nang bintana, may isang naka-upo sa pang isahang sofa, 'yong isa nakahiga sa mahabang sofa at yung dalawa, nakatayo sa gilid nang lamesa at nag tatapunan nang matalim na titig. Nangangamoy away 'yong dalawa pero parang wala namang pake yung tatlo.

"Sa totoo lang, ano naman ngayon kung hindi kayo maging hari? E' ang tatamad niyo naman! may magagawa ba kayo upang umunlad ang buong Continente?" Tanong nang lalaking naka-upo sa gilid nang bintana habang nakatingin sa kanilang lahat.

Mukhang siya lang ata ang may matinong pag-iisip sa kanilang magkakapatid.

Ngumiti naman ang lalaking tinawag na envy. "Huwag kang magbait-baitan diyan kuya. Alam kong sa ating lahat ikaw ang may mataas na hangarin na malamangan si Black. You are not called as Pride for nothing. I know that you're planning something wicked already."

Ngumiti ang lalaking naka-upo sa bintana ngunit mabilis na naging seryoso ang mukha nito nang malihis sa pinto ang kanyang tingin. He suddenly smirk at me and it give chills down my spine. Kinikilabutan ako sa kanya.

Malansang isda!Nakita niya ako!

kinabahan ako nang todo at natulos na lamang sa kinatatayuan. Sinasabi nang isip ko na tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko ngunit bigla nalang may tumakip ng aking bibig at hinigit ako papunta sa kung saan. Binitiwan naman ako nang salarin noong malayo na kami sa kwartong sinisilipan ko. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya dahil baka hindi na talaga ako nakaalis doon pag nagkataon.

Hinarap ko ang salarin at sumalubong sakin ang nakakunot noo at nagsasalubong ang kilay na si Greed.

"HINDI MO BA ALAM NA DELIKADO ANG GINAWA MO!? IKAPAPAHAMAK MO KAPAG NAKITA KA NILANG NAKIKINIG SA USAPAN NILA! HINDI MO DAPAT GINAWA YON! PAANO KUNG MAY MAKAKITA SAYO!?" He was panicking now. He frustratedly brush his hand on his hair.

I tap his shoulder to get his attention. "Don't worry about me, I'm not scared." well, partly...

Ayaw Kong mag-alala siya sakin. Hindi ako sanay na may taong nag-aalala sakin.

"Hindi ako nag-aalala para sayo, nag-aalala ako sa sarili ko." he said...

Natawa ako nang maalala ko yun. Although I let it slide But I'm a little confused as to what he would have to worry.

Tumingin ako sa mga naka-upong prinsipe na katabi nang hari. Kulang sila nang Isa, mukhang hindi pa dumadating. Nilihis ko nalang ang paningin ko mula sa mga prinsipe at tumingin na sa platform dahil nag-iingay na ang audience.

I saw sloth entering the arena with his famous bored look and both hand on his pockets. He wears his black shirt and white pants samantalang naglalakad naman si Black sa kabilang bahagi ng arena na sumasalungat sa bahagi kung saan pumasok si Sloth. Black wears a white t-shirt and black pants. Nag-usap ba ang dalawang to at pareho silang naka black and white?

Natawa pa ako sa naisip ko. Magkaharap na sila ngayon sa gitna ng platform at nagpapalitan nang matalim na tingin.

"Ang Laban na ito ay pinaunlakan nang ating Mahal na Hari upang malaman kung sino ang susunod na Hari ng outcast. The rules are simple, knock your opponent down but win without killing!.. Simulan na ang Laban!" Suminghap ako nang malalim nang marinig ko ang sinabi nang emcee. Sino kaya ang mananalo sa kanila? Kinakabahan na ako.

That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon