Chapter 9

37 5 0
                                    

White's POV

"Can you now tell me what you know about the book?" I ask her bluntly.

Ngumisi si Aquarius, "Atat ka talaga e' no? Sige na nga heto na, makinig kang mabuti."

Huminga siya ng malalim at nagsimula na sa pagsalita ng mga alam niya tungkol sa itim na libro.

"Ang itim na libro na iyong nakita ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa itim na sumpa na iginawad ng isang dyosa sa isang prinsipe na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan."

Isang itim na sumpa?dyosa? Bakit Yun gagawin ng isang dyosa?

"Marahil ay nagtataka ka kaya't makinig kang mabuti sa mga susunod ko pang sasabihin." Buong atensyon ko ay nasa kanya lamang habang ako'y nakikinig sa mga sasabihin niya, " There was once a powerful Prince who lived in outcast. He had the power of creation but when his lover died he had fallen to dispair and his power of light suddenly succumb to darkness."

This is kind of familiar. Parang nabasa ko na ang tungkol dito.

"That prince will only be saved by love but he can't love anyone aside from his past lover because he can only love once and it would be eternal." pagpapatuloy pa nito.

"Kung ganoon po ay hindi na siya makapagmamahal ng iba? Ibig sabihin, hindi na siya maililigtas." Side comment ko at tumugon siya ng pagtango.

"Ngunit bakit naman po iyon gagawin ng isang dyosa?" Naguguluhan na tanong ko.

"Iyon ay dahil, minahal siya ng diyosa ngunit hindi niya iyon nasuklian kaya't ibinigay iyon ng diyosa sa kanya at magpapatuloy ang sumpa na iyon sa kanyang angkan hangga't wala pang makakabali ng sumpa."

That means his bloodline is cursed! Ang lupit naman no'n!

"Every century there was a prince in outcast who will be born with the power of light and creation but unfortunately all of them experience the death of a lover. Hanggang sa ngayon ay wala pang nakakabali nang sumpa pero mayroon akong tiwala sa henerasyong ito ng mga prinsipe ng outcast. Because I believe that Every generation is better than the previous one." She look so hopeful as she said those words. Sana'y huwag mabigo ang celestial spirit na ito.

Nabigla ako nang lumingon ito sakin gamit ang kanyang mga matang punong puno ng pag-asa.

"White, Alam mo bang ang iyong tadhana ay may malaking bahagi sa outcast land? lalong lalo na sa Central kingdom."

Mas lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi. Hindi pa naman ako nakapunta sa outcast land kaya't paanong naging malaki akong bahagi?

Aquarius smiled at me mysteriously, "that is for you to find out, My dear."

Nagtaka ako nang biglang napatingin sa itaas si Aquarius kaya't gano'n din ang ginawa ko, "mukhang kailangan mo nang umalis."

Lumingon siya sa'kin at ngumiti, "Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam muna sa ngayon." huli nyang salita at naramdaman ko na lamang ang sariling itinulak ng malakas na pwersa.

Sa aking pagmulat, nasa ilalim parin ako ng tubig ng Messiah falls. Lumangoy ako at umahon sa tubig.

I was panting and gasping for air as I heard the voice of my master.

"Congratulations! You passed the trial!" Nilapitan ako agad ni master at niyakap, "Paano nyo po nalaman na nakapasa ako master?" She stared at me intently. Naging seryoso bigla ang mukha nito.

"Alam kong nakapasa ka dahil kong hindi ka nakapasa, hindi ka na makakaahon pa sa tubig ng Messiah kahit kailan."

Nahihintakutan akong tumitig Kay master at biglang napasambit ng.."What the fish! muntik na pala akong mamatay!?"       

Nainis ako nang biglang humalakhak ito sa aking reaksyon.
                
Pagkatapos kong maging Vessel ni Aquarius, nagtraining ulit kami ni master. She had teach me different kinds of techniques and I learned a lot from her.

Ang sabi pa ni master na sa bawat isang henerasyon, meron lamang labing dalawang Celestial spirit Vessels  at sinuwerte kami ni Master sapagka't nakuha niya ang Libra at sa akin naman ay Aquarius.

Ipinaliwanag rin sa akin ni Master Xenra na magkakaiba daw talaga ang mga pagsubok na ibinibigay ng bawat Celestial spirit. Kaya naliwanagan na rin ako kung bakit hindi kagaya ni Master na kinalaban si Libra gamit ang kapangyarihan samantalang ako'y naglaro lang ng chess. Pero mabuti na rin 'yon dahil hindi naman ako masyadong malakas physically.

Ang mga natirang araw ay iginugol namin sa pag-eensayo at sa wakas! Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang pag-apak ko sa outcast land!

Abot tanaw ko na ang kagubatan ng outcast mula sa kinatatayuan ko, Nasa kabilang bahagi lamang ito ng barrier.

"Ready ka na ba white?"

"Always master."

"Okay then, here i go."

Nabigla ako nang sinugatan ni master ang kanyang kanang kamay at pumatak sa lupa ang sariwa nyang dugo.

Her blood formed a circle on the ground with lots of unknown writings.

"In order to open the portal it needs a blood of an outcastian."

Kaya pala sinugatan nya ang sarili nya. Biglang nagliwanag ang kanyang dugo na nasa lupa ng kulay pula at kasabay din nun ay ang paglitaw ng bilog na portal sa kanyang harapan.

"O? ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na white." Nakangiting sabi niya na sinuklian ko rin nang matamis na ngiti at pumasok na sa portal.

"Outcast land, Heto na ako!"

Charles..kung nandito ka lang sana ngayon. Sana nakikita mong napakalapit  ko nang marating ang daang gusto kong tahakin..Makikita mo sana ang aking kasiyahan dahil sa wakas ay naka-alis na ako sa malupit na hawla ng aking pamilya.

Pero sadyang malupit talaga sa akin ang tadhana dahil sa sandaling pumasok na ako sa portal at naka-apak na ang aking mga paa sa lupa ng outcast land, lumingon ako para tignan kong sumunod sakin si master at ganun na lamang ang kabang naramdaman ko nang makitang nakikipagsagupaan si master sa mga kapamilya ko. Sinusubukan nyang hindi makapasok ang mga ito sa portal. Unti-unti nang sumasara ang portal at malala na ang nakikita kong lagay ni master.

Sinubukan kong humakbang pabalik sa portal. Sa holy land, ngunit sinigawan lamang ako ni master.

"Huwag kang bumalik! Tumalikod ka at tumakbo papasok sa gubat ng outcast! At palagi mong tatandaan ang sinabi ko sayo noon! kapag nabasag ang salamin, Wag na wag mo na akong hahanapin pa! Now go! And don't ever looked back!"

I obeyed my master's command and I ran straight to the forest with a broken heart although I never cried because I also made a promise. I hold back my tears and smiled in sadness. I suddenly stop on my track as the soft raindrops touch my skin. I looked up and saw the black clouds surrounding the whole area. I get the mirror on my pocket and smiled in pure sadness as a saw a crack on it.

I asked myself, What is the purpose of this mirror? Why did master gave it to me?

But then I realized....the small crack in it means that... I'll NEVER GONNA SEE HER AGAIN....

That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon