Kabanata 2

1.1K 79 53
                                    

Nagpatuloy ang mga kakaibang panaginip hanggang ako ay tumuntong ng bente uno anyos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpatuloy ang mga kakaibang panaginip hanggang ako ay tumuntong ng bente uno anyos.

Normal man ang takbo ng aking buhay, dumadating pa rin ang annual strange dreams event tuwing Agosto.

May mga bagong eksena, gaya ng pagsusulat sa isang klase ng sinaunang papel gamit ang tinta at pluma, pakikipag-usap sa mga sumasapi sa isang lihim na samahan, at ang tagpo sa puno kasama ng babae na nobya ko raw. Natatapos ito sa aking pagkakasaksak at pagdadala sa isang simbahan.

Minsan na akong nagtanong sa aming guidance counselor noong college kung bakit ganito ang mga panaginip ko. Ang sabi lang niya, active lang ang aking imahinasyon at wala akong dapat ipangamba.

Di ko lang masabi na every year nangyayari ang mga panaginip na iyon. Mahirap na, baka isipin nasisiraan ako ng ulo para maniwala sa reincarnation o kung ano man.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong AB History. Siyempre, natuwa ang aking pamilya, lalo na si Papa. Buti ay agad akong nagkaroon ng trabaho bilang assistant researcher ng kanyang kumpare, na kapwa niya historyador at manunulat. Sa mga panahong din iyon ay nagdesisyon ako na kumuha ng Masters na konektado sa aking tinapos.

"Salamat sa maagang pagbibigay ng research work! Napakasipag naman ng batang ito! Teka, wala ka bang nililigawan? Huwag puro trabaho ah!"

Komento ito ni Sir Randy, ang kumpare ng aking ama kung saan ako assistant. Kakatapos lang namin sa pagtatrabaho at saktong paalis na ako nang masabi niya ito.

"Naku po, wala pa akong balak mag-asawa," nahihiya kong sagot sabay kamot ng aking batok.

"Sayang, ang gwapo mo pa naman! Gusto mo ipakilala kita sa pamangkin ko? Dalaga pa iyon, at maganda!" Ngisi ni Sir Randy.

"Tsaka na po. Aral muna at pangarap bago love life," tawa ko.

"Pero may naging nobya ka na ba?" Usisa pa ni Sir Randy.

"Puro mutual understanding lang po," ika ko.

Sa maiksing salita, mga di seryosong relasyon na umiikot sa pagcha-chat, minsan may date, at nauuwi lang sa "ghosting". Dalawang babae ito, ang pinakamatagal ay pitong buwan at ang pangalawang babaeng ito ang nang-iwan. Di ko lang maikwento kay Sir, baka isipin palikero ako. Ayokong nagkukwento ng mga pribadong detalye sa ibang tao.

Naisip ko nang tapusin ang pag-uusap. Kinuha ko ang aking sling bag at nagpaalam na.

"Alis na po ako, Sir. See you sa Lunes!" Ngumiti ako kahit sa loob-loob ko ay nakukulitan na ako sa mga tanong niya. Basta relationship status, ayokong pinag-uusapan.

"Sige EJ. Magpahinga ka naman at mag-enjoy! Huwag puro aral at trabaho!"

"Tunay po!"

Dumiretso na ako papalabas ng opisina at minadali ang aking paglalakad papalabas ng aming unibersidad. Sa wakas ay nakalaya na rin ako sa usiserong matandang iyon.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon