Kabanata 16

519 39 4
                                    

Bago dumiretso sa panciteria, dumaan muna kami ni Lieutenant sa kanyang quarters. Ito ay isang dating tahanan na binenta ng isang mayaman na Don na kakaalis lang ng bayan para manirahan sa Mindanao. May kalakihan din ang nasabing tirahan, na ginawang quarters ng mga sundalong Amerikano.

Dumaan kami sa harapan nito, kung saan may dalawang nakabantay na sundalo.

"Lieutenant!" Kapwa sila sumaludo dito.

"Good day," tumango siya dito sabay saludo.

"Who's that with you?" Tanong ng isa sa mga sundalo.

"An old friend. He is visiting and will stay in the extra room near mine."

"Nice, I hope the witch won't get him!" Ngisi ng isa pang sundalo.

"You believe that, Johnson?" tanong ng sundalo na unang nagsalita.

"Why not, Benson? In my grandmother's hometown, they had a witch hanged," ika ni Johnson.

"See you around, men," panghuling bati ni Lieutenant Daniels.

Umakyat kami sa isang engrandeng hagdanan. Bumungad sa amin ang isang salas na ginawang opisina, dahil may lamesa at upuan sa gitna nito. May watawat ng Amerika sa gilid, at sa tabi ay may isa pang lamesa kung saan may sundalong nakaupo at abala sa pagsusulat ng isang dokumento.

"Charles! We have a visitor here," tawag sa kanya ni Lieutenant.

Tumayo ang sundalong si Charles at sumaludo. "Noted on that, Lieutenant Daniels!"

Kumaliwa na kami ni Lieutenant at naabot namin ang dulo ng gusali, kung saan may pintuan. Si Daniels ang nagbukas nito at ipinakita niya sa akin ang isang kwarto. Maayos ito, may kama, isang munting lamesa na may upuan sa kanan, at sa kaliwa ay drawer na may nakapatong na bowl at pitsel sa ibabaw.

Pumasok kami sa loob nito. "Here is your room, Emilio," ika niya. "If you want to use the toilet and bath, it's found on the other side of this floor, to the right."

Naupo ako sa kama at buti na lang ay may malambot ito na kutson. Tumayo ako at nagpasalamat. "Thank you, Lieutenant."

"I'll let you rest for a while. See you in an hour."

Ito ang huli niyang sinabi sa akin bago ako iniwan sa kwarto na mag-isa. Gumala muna ako sa aking tinutuluyang kwarto. Binuksan ko ang drawer, at buti na lang ay may mga damit-panlalaki nang nakatiklop dito. May mga twalya rin sa ibabang bungad.

Napahiga ako. Para bang hinanda ang kwartong ito sa aking pagdating. Para bang alam ng kapalaran na mapupunta ako dito sa nakaraan.

Oo nga pala, reincarnation ako ni Jacinto, ang bayani. Napatingin ako sa kaliwa at may kalendaryong nakadikit sa pader. October 1901.

Kung nandito ako sa Magdalena, Laguna, ngayong 1901, ibig sabihin, namatay na ang past reincarnation ko, kaya ako nakapaglakbay dito.

Nakakakilabot. Pero sa ngayon, para akong enstranghero dito, kahit na nakapunta na ako dito bilang dati kong katauhan.

-

"Magandang gabi, Senyor Kra-ig at Senyor Emilio!"

Sinalubong agad kami ni Ismael nang makarating kami sa panciteria. Dinala niya kami dito sa loob at naupo sa isang lamesa sa dulo.

"Bagay po sa inyo ang inyong pangitaas at itim na pantalon, Senyor Emilio!" Nakangiting pinasadahan ako ng tingin ni Ismael sa suot kong de-butones na pang-itaas na may stripes at Chinese collar, itim na pantalon, at slip-on na tsinelas na gawa sa leather.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon