Bago namin puntahan ang kaibigan ni Krystal na makakatulong sa amin, dumaan muna kami sa condo unit para kunin ko ang pocket watch na ibinigay ko kay Hannah.
Buti na lang ay nakapatong ito sa ibabaw ng kanyang vanity dresser. Ibinulsa ko ito at nagpatuloy na kami sa aming biyahe.
Nagtungo kami sa isang lumang bahay sa Pandacan, Manila. Tumigil kami sa harapan nito at may tinawagan muna si Krystal.
Habang kausap ng aking hipag ang kanyang kaibigan ay nakatingala ako mula sa bintana ng kotse. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa angking kagandahan ng nasabing tahanan.
Pre-war ang istilo ng kabahayan, malaki, gawa sa pulang bricks ang pundasyon, at may mga bintanang capiz na nagpapaalala sa akin ng mga sinaunang bahay noong panahon ng Kastila. Buti na lang at napanatili ang kaayusan nito, dahil sayang naman kung mapapabayaan lang.
Bigla kong naalala na mahilig si Hannah sa mga lumang estilo ng kabahayan. Minsan na kaming nag-date sa Casa Manila sa Intramuros at sa isang lumang bahay sa Taal, Batangas. Sana kasama ko siya ngayon.
"Okay, papasok na kami sa loob. Thanks, Zera!"
Tinapos na ni Krystal ang kanilang usapan. "Let's go," ika nito.
Sabay kaming bumaba ng kotse at tumigil sa harapan ng pulang gate. Pinindot ni Krystal ang doorbell at nagbukas ito kaagad.
"Zera!" Ngiti ni Krystal sabay yakap sa dalagang sumalubong sa kanya.
"Oh my, Krystal!" Galak na wika ng dalagang Zera ang ngalan. Mahaba at kulot ang kanyang buhok, morena, at nakasuot ng green tank top at floral maxi skirt.
Nagtilian sila saglit at umalis sa pagkakayakap. "Bakit ka pala napadalaw dito? Ano yung kwento mo na may nawawala raw?" Tanong ni Zera.
"Oo, kasama ko siya ngayon." Tinignan ako ni Krystal.
Iginala ni Zera ang kanyang paningin sa akin. Kulay kape ang kanyang mga mata, mapanuri at seryoso.
"Hi, ikaw ba yung may nawawalang asawa? Yung kwento ni Krys sa akin?" Isang matipid na ngiti ang sumulyap sa kanyang mga labi.
"That's me. I'm Emilio Jose Jacinto."
Nakipagkamay ako kay Zera.
"Whoa, iba ang energy nito," bulong niya sabay pakawala sa aking kamay. "Krys, may kakaiba sa brother-in-law mo."
"Paanong kakaiba? Kasi may katukayo siyang bayani?" Ngisi nito.
"Something else. But in a good and noble way. Halika, pumasok muna kayo at magmerienda sa azotea. I just baked some cinnamon rolls."
Inaya na kami ni Zera sa loob. Dumaan kami sa isang malawak na hardin sa gitna kung saan may nakatayong puno ng Ilang-Ilang sa gilid. May mga bulaklak na ito na namumukadkad.
Pumasok kami sa loob. Napayuko ako at tinignan ang mga kahel at berdeng Machuca tiles sa sahig. Mga floral patterns ang disenyo nito.
Umakyat kami sa isang engrandeng hagdan na gawa sa kahoy na balayong. Nang maabutan namin ang itaas, mas napangiti ako sa aking nakita. May salas kung saan may eleganteng sofa at dalawang armchair na solihiya sa magkabilang gilid. Sa likuran ay ang Capiz windows na sliding at gawa sa kahoy ang mga gilid.
Dinaanan pa namin ang dining area na may long table at mga upuan na may mga nakaukit na bulaklak. Sa dulo nito ay ang sinasabing azotea, kung saan makikita ang isang bilog na lamesa na may nakapalibot na tatlong upuan. Tanaw mula sa azotea ang puno ng Ilang-Ilang.
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasy(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...