Kabanata 10

756 54 24
                                    

(5 months later)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(5 months later)

Narito na ang pinakahihintay naming araw.

Isang araw na puno ng galak, kaba, at pagmamahalan.

Mula nang iminulat ko ang aking mga mata ngayong umaga, alam kong isang hakbang na lang ako tungo sa isang panibagong buhay. Isang bagong bukas na hindi ko inakala na magiging posible.

At gigising ako sa bawat bukas na darating sa kanyang piling. Mula ngayon ay pagsasaluhan na namin ang mga araw at gabi bilang pinagbuklod na mga puso.

"EJ, ayos ka lang ba?"

Napalingon ako kay Papa na nasa aking tabi. Kapwa kami naghihintay sa harapan ng altar para sa simula ng aming seremonya.

"Okay lang po ako," matipid kong ngiti.

"Relax lang, baka mamawis ka diyan sa barong mo oh!"

"Sana hindi ako maligo ng pawis maya-maya." Kinuha ko ang aking panyo mula sa bulsa at pinangpunas ko ito ng aking noo.

Gaya ng napagkasunduan, naisagawa ang simpleng kasalan na plano namin ni Hannah. Tatlong pares ng ninong at ninang ang aming kinuha, kasama na dito si Sir Randy, ang nanay at tatay ng bestfriend ni Hannah na si Mady, at tig-isang mga tito at tita mula sa parehong side namin nila Hannah.

Maid-of-honor si Mady habang bridesmaids sila Ate Marina ang ang kapatid ni Hannah sa ama, si Krystal. Kasama ni Mady ang kanyang asawa na si Samuel (Sam for short) at ang anak nilang babae na 2 years old ang flower girl.

Nagsimula nang tumugtog ang musiko para sa simula ng aming kasal. Ginaganap ito ngayon sa isang munting kapilya sa ibabaw ng burol dito sa isang retreat house sa Tagaytay.

Dahan-dahan bumukas ang double doors ng kapilya, at unang pumasok ang mga pares ng ninong at ninang. Sumunod dito ang entourage, kasama ang cute na cute na flower girl na anak nila Mady at Sam. Buti na lang ay nasa wisyo ang bata na magsaboy ng flower petals habang inaakay ng kanyang ina na si Mady. Panandaliang naaliw ang mga bisita sa kasal hanggang sa dumating na ang pinakaaabangan ng lahat.

Huling pumasok sila Hannah, na kapwa inaakay sa tabi ng kanyang ama at ina. Inangat ko ang aking paningin sa gitna ng daan patungo dito sa altar. Di sapat ang mga salita para ilarawan ang magkahalong kaba at kasiyahan na namumuo sa aking dibdib.

Ang mukha ng aking pinakamamahal ay natatakluban ng manipis na belo. Suot niya ang isang puting ballgown na off-shoulder at may mahabang saya. Nakayuko si Hannah habang naglalakad ngunit nang iangat na niya ang kanyang ulo, nagtama ang aming mga paningin. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, at sa mga sandaling ito, mukhang mauubusan na ako ng hininga dahil sa aking pagkabighani sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na ang magandang dilag na ito ang aking magiging asawa. Habang inaawit sa background ang "Treat Her Right" ni Lenny LeBlanc, pinapangako ko sa Maykapal at sa lahat ng dumalo dito na ako ay magiging mabuti sa kanya.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon