Kabanata 13

538 35 9
                                    

Halos wala akong tulog ngayong gabi. Pabalik-balik ako mula sa kama, kusina, salas, at pabalik sa kama, naglalakad at nababagabag sa pagkawala ng aking asawa.

Nasaan ka, Hannah? Bumalik ka, pangako, hindi na kita aawayin. Mas uunawain na kita at makikinig sa iyong mga saloobin. Sorry na, bumalik ka na, parang awa mo na.

Napahiga ako sa kama bandang madaling-araw. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit tila nawala na ang antok mula sa aking sistema. Sana sa susunod na gabi ay katabi ko na si Hannah.

Sa unang pagmulat ko, agad kong namataan ang unang sikat ng araw mula sa bintana. Iginala ko ang aking paningin sa orasan. Alas-otso na pala ng umaga. Mukhang nakatulog ako kahit saglit. Bumalik sa aking isipan si Hannah at ang lahat ng aking mga agam-agam.

Bumangon ako at kinuha ang aking mobile phone. Tinawagan ko muna si Sir Randy sa unibersidad. Nag-usap kami, at sinabi kong di ako makakapasok ngayong araw dahil masama ang aking pakiramdam. Buti ay di na siya nagtanong pa, at natapos na rin ang aming usapan.

Dumiretso ako sa banyo para mag-shower. Nagbihis ako pagkatapos ng pang-alis na damit: isang collared shirt at maong pants. Balak kong puntahan ang kompanyang pinapasukan ni Hannah, para tanungin ang tungkol sa CCTV footage sa parking lot.

Nagluto muna ako ng agahan. Pinilit kong magkaroon ng laman ang aking sikmura sa inihanda kong pandesal at hotdog na may  inuming kape. Naalala ko na ayaw ni Hannah na hindi ako kumakain ng breakfast, kaya palagi na kaming magkasabay kumain magmula nang kami ay naging mag-asawa.

Natapos na ako ng agahan nang mag-ring ang aking phone. Agad ko itong sinagot.

"EJ, hi, susunduin kita diyan," bungad sa akin ni Krystal.

"May lead ka na kay Hannah?" Agad akong nakaramdam ng kaba. Sana hindi ito masamang balita.

"I called the security of her company building, and may CCTV footage nang nakuha."

"Kinidnap ba siya?" Agad kong tinanong.

"No, it's something unusual."

Nanahimik si Krystal sa kabilang linya.

"Krystal, ayos ka lang?"

"Yes," mahina niyang sagot. "I'll go there na. Bye."

Nawala na siya sa linya. Ibinulsa ko ang aking mobile phone at napasandal sa may kitchen sink.

Something unusual. Ano kaya ito? Imposibleng nawala na lang siya na parang bula.

Nagsuot na ako ng aking sneakers at narinig ko na ang doorbell sa labas. Nag-off muna ako ng mga ilaw, nag-unplug ng mga appliances, at lumabas na para salubungin si Krystal. Nag-lock na ako ng pintuan ng condo at dumiretso na kami sa kotse niya sa ibaba.

Nang makasakay na kami, sinimulan na ni Krystal ang aming biyahe.

"Alam na ba ni Tito Martin?" Buti agad ko itong naisip.

"Hindi pa, dahil nasa business trip siya ngayon sa South Korea," tugon ni Krystal. "Tinawagan ko na ang kanyang mga aide at assistant para huwag muna itong ikuwento sa kanya. Tiyak na mag-aalala ito nang lubusan."

Napatitig ako kay Krystal habang kami ay nasa daan. Seryoso itong nagmamaneho ng kotse ngunit bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

"Halos wala rin akong tulog mula kagabi," kwento niya. "Lalo na nang marinig ko ang CCTV footage."

Ayoko munang tanungin kung tungkol saan ito. Tikom ang aking bibig hanggang sa dumating kami sa company building nila Hannah.

"Kuya, kami po yung mga nagpunta kagabi," sabi ni Krystal sa guard nang tumapat kami dito sa may parking area entrance.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon