Kabanata 15

519 38 8
                                    

Gusto kong magwala. Ngunit alam kong hindi ako matutulungan ng aking nararamdaman. Dapat muna akong umayos para alam ko ang susunod kong gagawin.

Nakatayo pa rin ako sa labas ng Poblacion. Huminga muna ako nang malalim. Tatlong beses ko itong ginawa, sa marahan na paraan. Inhale for 3 seconds, hold your breath for 3 seconds, at exhale for 3 seconds. Ito ang turo sa amin nang minsan akong dumalo sa isang seminar for mental health and wellbeing.

Nang maramdaman kong kumalma na ako, dito ako nakaisip ng susunod na mga hakbang.

Una, kailangan kong makahanap ng ibang damit na isusuot. Mukhang out-of-place ang pormahan ko ngayon.

Naglakad ako sa paligid ng pader na kawayan at buti na lang ay may nakita akong mga damit-panlalaki na nakalagay sa isang batuhan. Parang pinatutuyo ito sa ilalim ng araw.

Lumapit ako dito at nang makitang uniporme pala ito ng mga sundalong Amerikano, mabilis akong nagtanggal ng aking kamiseta at pantalon at agad isinuot ang mga nasabing damit. Buti na lamang ay tuyo na ang mga ito. Sakto lang din ang pagkakasya nito sa akin.

May sumbrero rin sa tabi at isinuot ko ito sa aking ulo. Tinupi ko ang mga sarili kong damit at lumibot sa likuran ng batuhan. May nakaawang na espasyo nito sa ilalim at agad kong tinago ang mga damit ko dito. Suot ko pa rin ang kwintas na orasan at itinago ko ito sa loob ng aking pangitaas.

Ramdam ko ang kaba ng aking dibdib. Kailangan kong kunin ang mga damit ng sundalo para di ako pagkaguluhan ng taong-bayan. Yumuko ako at kinubli ang aking mukha, sabay lakad papasok sa Poblacion.

Diyos ko, patawarin ninyo ako sa pagnanakaw ng mga damit. Malay ko ba na mapupunta ako sa ibang panahon para lang hanapin ang aking nawawalang asawa na si Hannah?

Unang bumungad sa akin ang mga kabahayan sa kaliwa't kanan. Lumakad ako pakanan, at dito ko nakita ang isang talipapa, kung saan abala ang mga tindero at tindera na inaayos ang kanilang mga paninda. Hapon na siguro dito, kaya sila nag-aayos para magsarado na.


Di ako nagtuloy sa direksyon ng talipapa. Sa halip, kumaliwa ako at nilakad ang kabilang direksyon pakaliwa. Sa may bandang dulo ay ang plaza kung saan nakatayo ang munisipyo. Gawa ito sa estilo ng mga bahay noong panahon ng Kastila: adobe ang unang palapag at ang ikalawang palapag ay kahoy na pinalilibutan ng mga bintanang capiz. Kulay pula ang bubungan nito at di-hamak na ito ang pinakamalaking gusali sa buong bayan.

May fountain sa gitna nito. Naupo muna ako sa gilid at inisip ang susunod na gagawin.

"There you are! I've been searching for you everywhere!"

Isang boses ng lalaking nagsasalita ng wikang Ingles ang pumukaw ng aking atensyon. Inangat ko ang aking ulo para tignan kung sino ito. Isa itong lalaki na mukhang nasa edad trenta pataas, kulay asul ang mga mata, naka-sumbrero, at pareho kami ng bihis na uniporme.

Hindi siya makaimik nang magkasalubong kami ng tingin.

"Wa...wait... Why are you wearing that uniform? Aren't you a Filipino?" Kumunot ang noo niya sa akin.

Tumayo ako at kalmadong sumagot. "Wait, I can explain...I... I lost my clothes and... I have to get this one."

"Lost your clothes?" Halatang hindi makapaniwala ang sundalong ito sa akin.

"I... I bathed in some river and after that... my clothes were gone," pautal-utal kong sinagot. "So I went here naked... and found these clothes on a rock."

Tumango ang sundalong Amerikano. "Oh, I see." Bigla niyang pinalo ang aking balikat at natawa! "It looks great on you!"

"Thank you," pilit kong ngumiti.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon