Tatlong araw ang aking iginugol sa pagdalo ng international conference para sa mga historyador, researchers, at mga dalubhasa sa mundo ng academe. Isinantabi ko muna ang aking mga iniisip at inilaan ang aking oras, atensyon, at effort para sa importanteng ganap na ito.
Dalawang bagay ang nagustuhan ko sa conference na ito: ang mga makabuluhang diskusyon tungkol sa kasaysayan at kultura at ang mga pagkain na inihanda tuwing oras ng break time at pananghalian.
Bukod sa napakape ako nang sobra, nag-enjoy din ako sa mga biscuits, pastries, steak, mashed potatoes, burger, salad, at pasta na aming kinain nang tatlong araw. Sana lang ay di pa sumikip ang aking binaong mga pantalon habang nandito ako sa London.
Sa huling araw ng international conference, may get-together na gaganapin sa gabi. Natapos ang successful na conference at nag-toast kaming lahat para dito. Tumuloy muna ako sa hotel pagkatapos para magpahinga ng bandang hapon. Pagpatak ng alas-sais ng gabi, sumali na ako sa aking mga kasama sa lobby, na kasalukuyang naghihintay sa bus na magdadala sa amin sa isang reserved bar and restaurant.
"Sit beside me on the bus, Emilio," nakangiting alok sa akin ni Cindy nang ako ay kanyang lapitan. "Let's have fun tonight, shall we? Do you mind sneaking out of the party and doing a night time walk around the city with me?"
Sasagot na sana ako nang biglang lumapit si Leonard sabay hatak sa akin. "Emiliow says no," tugon niya habang ginagaya ang maarteng boses ni Cindy.
"Hey! Where are you taking him?"
"We'll have a guys' night out instead! Bye, Cindy!"
Natawa na lang ako nang makalakad na kami papalayo ni Leonard. Dumating na ang bus at kami ang unang sumakay dito, sa may bandang likod na malayo kay Cindy.
"That was close!" Pigil ang hagikgik ni Leonard habang nakatanaw sa bintana ng bus.
"Yeah, dude, thank you for saving me!" Ika ko. "Looks like our friend has something else in mind!"
"You should have seen the way she steals glances at you all throughout the three-day conference," wika ni Leonard. "That coquettish flirt! I doubt she ever took the conference as seriously as you did."
"Never mind her, we will soon part ways and we'll be going home to our own countries," kalmado kong sagot.
"Watch out, she might be stalking you on Facebook! I overheard her talking to one of our female companions saying she's found your account," biro ni Leonard.
Out of curiosity, nailabas ko tuloy ang aking mobile phone, binuksan ang wifi, at nag-check sa aking social media. May friend request na agad si Cindy.
"Look," ika ko sabay pakita ng aking phone kay Leonard.
"She's got it bad for you, boy!" tawa niya.
Umiling na lang ako na may ngisi at binura ang kanyang friend request. Ibinulsa ko ang aking phone at buti na lang ay nakarating na kami sa resto bar.
Sa oras ng aming pamamalagi habang kami ay naghahapunan ay nailayo naman ako ni Leonard kay Cindy. Sumali kami sa kumpulan ng mga may edad nang researchers at historians na nasa iisang table.
Buti na lang ay welcome kami doon at nagkaroon kami ng maayos na talakayan tungkol sa buhay academe. Nagbigayan kami ng calling cards at may nag-alok pa nga sa akin na magtrabaho dito sa London. Nagalak ako sa kanyang offer at sumagot ako na for consideration ko ito sa mga plano ko sa hinaharap.
Nagkaroon ng music show kung saan may live band na umaawit at tumutugtog. Naging "anything goes" na ang mga ganap at nabuhayan ang aking mga kasama habang sumasayaw sila sa gitna ng floor sa saliw ng mga awitin ng banda.
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasy(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...