Sa sumunod na tatlong araw, abala ang buong Poblacion sa paghahanda para sa gaganaping kasalan nila Lieutenant Craig Daniels at ni Senyora Medea de Lucio.
Nakakatuwang makita ang namumuong kasabikan ng mga taong-bayan. Tila isa itong malaking pista na mangyayari sa tahimik na bayan. Mula sa paglilinis ng simbahan, ang pagplano ng kakainin pagktapos ng seremonya, hanggang sa isusuot ng mga ikakasal, lahat ay ginagawa ang kanilang parte sa pagtulong at pag-asikaso.
"Matagal na mula nang may mangyaring malaking kaganapan dito," kwento ni Senyor Ismael habang kami ay naglalakad sa may tabing ilog. "Taon na ang lumipas, ang naaalala ko, ang huling kasalan dito ay ang anak na dalaga ng dating Don at Dona na umalis na sa ating bayan.""Ganoon po pala," wika ko.
"Kahit ang mga Amerikanong sundalo ay nasasabik, at ikakasal na ang kanilang pinuno," ngiti nito.
"Kung alam niyo lang po, labis ang kaligayahan ni Lieutenant nang mga nakaraang araw," pagsang-ayon ko. "Ay, bumalik na tayo sa bayan, at tumulong tayo sa pag-aayos sa plaza. Lahat tayo ay imbitado bukas."
Tumango si Senyor Ismael at kapwa na kami bumalik sa Poblacion.
Kinagabihan, nag-usap kami ni Lieutenant Daniels pagkatapos ng hapunan. Nakaupo kami sa baytang ng hagdan na labas ng kanyang quarters habang nakatingin sa tahimik na kalangitan.
"I have already assigned someone to take my place as Lieutenant," kwento nito. "After the wedding, I plan to retire from my military career."
"What will you do after this?" tanong ko.
"Senyora and I are going to live in Manila. A fellow retired officer will help us out, saying he will train me as a baker in his panaderia. I'm looking forward to a more quiet life and a family with her."
"That's a great plan," nakangiti kong tugon.
Napatingin sa langit si Lieutenant. "I have not told you this, but Senyora knows. I'm a widower. My first wife died of an illness after giving birth to our child. Sadly, the infant died too, and I was left alone. I became a soldier so I could forget the pain of losing them both. I vowed never to marry again, just spend my whole life fighting. Until she came."
"You're so lovestruck with each other. I hope you can have a happy life with her."
"I pray for that too, Emilio." Ngumiti si Lieutenant sa mga bituin sa kalangitan. "May the stars guide us together with Divine Providence."
"Congratulations, Lieutenant. I send you and your soon-to-be wife my best wishes," wika ko.
"Thank you, Emiliow."
Natawa ako. "I like how my name sounds, Emiliow."
Natawa na rin si Lieutenant Daniels. Nanatili pa kami sa labas habang pinagpatuloy namin ang aming usapan, hanggang sa naisipan na namin na matulog na.
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasy(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...