"Irog ko, sinaktan ka ba ni Medea habang ikaw ay nandoon sa kanyang kubo?"
"Hindi naman. Kinulong lang niya ako sa isang kwarto at pinapakain kapag kailangan. Sabi niya, inihahanda niya ako sa ritwal. Salamat at nailigtas mo ako, EJ. At nakatulog pa tayo na magbagong-buhay ang isang mangkukulam."
Hinawakan ko ang kamay ni Hannah habang magkatabi kaming nakaupo sa isang batuhan sa may ilog. Kay sarap ng sariwang hangin sa panahong ito, malinis at malamyos sa balat. Papalubog na rin ang araw at kay tingkad ng kalangitan, na tila nag-aapoy ang kagandahan.
"Mukhang dito na tayo nag-honeymoon ah," hagikgik ng aking asawa. "Huwag muna tayo umalis hangga't wala pang development sa date nila Lieutenant."
"Aba, mas excited ka pa kaysa kay Lieutenant Daniels!" tawa ko.
"Siyempre naman, masasaksihan natin kung paano sila magligawan. Parang tayo lang noong una."
Napangiti si Hannah sa langit. Tinignan niya ako pagkatapos at sinabing:
"Magmula ngayon, kapag may problema, pag-usapan natin sa maayos na paraan. Sabay tayong hahanap ng solusyon. Hindi na ako makikipagtalo sa iyo. Ang importante, nagtutulungan tayo at nagmamahalan."
Inakbayan ko si Hannah at sinabing, "Pasensya na kung na-insecure ako sa iyo pagdating sa career."
"Wala kang dahilan para maging mababa ang tingin mo sa iyong sarili. Nakakatulong ka sa akademya sa sarili mong paraan. Marangal ang iyong trabaho. At ikaw ang aking pinili, EJ."
Inilapit ko ang mukha kay Hannah at ginawaran siya ng isang halik.
"Huwag dito!" Ngisi nito. "Nasa sinaunang panahon tayo, baka may makakita!"
"Oo nga pala," natawa ako. "Ay, puntahan na natin ang kapihan! Ihanda na natin ang lugar para sa date nila Lieutenant!"
Agad kaming tumayo ni Hannah at nagmamadaling naglakad pabalik sa Poblacion. Dumiretso kami sa kapihan, kung saan namin naabutan si Senyor Ismael at ang may-ari ng kapihan na abala sa pag-aayos ng lugar.
"Aba, kayo rin ba ay kakain dito?" Ngiti ni Senyor Ismael nang makita kaming pumapasok.
"Hindi, kung maari sana, palihim kaming manonood sa kanilang hapunan," natawa ako.
"Mapapakinggan natin sila dito sa likuran, kung saan matatagpuan ang kusina," ika ng may-ari sa amin.
"Ang ganda ng lugar na ito, talagang pinaghandaan." Nakangiti si Hannah habang iginagala ang paningin.
May bilog na lamesa sa gitna at may upuan para sa dalawa na magkaharap. Nilagyan ito ng isang candelabra kung saan may tatlong kandilang puti na nakatirik, isa sa gitna at mayroon sa kaliwa't kanan.
Natatakluban ng puting mantel ang lamesa. May burda ito ng mga bulaklak sa laylayan. Mula sa kalapit na kusina ay naaamoy ko na ang nilulutong potahe.
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasy(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...