"That breakfast smells good."
Naramdaman ko ang mga braso ng aking asawa na yumakap sa akin mula sa likuran. Tumingala ako mula sa aking niluluto at humalik sa kanyang pisngi.
"Mamaya na tayo maglambing, ito oh, piniprito ko na ang sunny side-up eggs. Maupo ka muna, irog."
"Sige, I'll wait."
Ramdam ko ang saya sa boses ni Hannah nang binulong na niya ito sa akin. Naglakad siya papalayo at isang ngiti ang namutawi sa aking mga labi.
Tatlong buwan na kaming kasal. Naninirahan kami ngayon sa condo ni Hannah ng isang simple ngunit maayos na pamumuhay. Sa araw ay nagtatrabaho kami; si Hannah sa kanyang kompanya at ako sa aking pinapasukang university.
Sa gabi, lahat ng oras ay para sa aming dalawa. Nilinaw ni Hannah na hindi naman siya nagmamadaling magkaroon agad ng anak, at nang sabihin niya ito sa akin, dito ko nalaman na ganoon din ang aking sentimyento.
Let's enjoy our honeymoon stage, ika niya. The baby can wait.
Ngayon ay Sabado, at nagsimula na kaming kumain ng aming agahan. Nagnakaw ako ng titig sa aking asawa. Kahit na magulo ang pagkakapuyod ng kanyang buhok at suot niya ang isang tank top at shorts set, litaw ang kanyang kagandahan, lalo na nang tumama ang sikat ng araw sa kanya mula sa kalapit na bintana.
"You're my favorite sight," wika ko sa kanya.
Napatingin si Hannah sa akin at ngumiti.
"Me too," kagat-labi niya. Sumimsim siya ng kape mula sa kanyang tasa pagkatapos.
Nang matapos na ang aming agahan ay siya ang nag-presentang maghugas ng mga pinagkainan.
Sa tatlong buwan ng aming pagsasama, ito ang aking mga nalaman tungkol sa kanya:
-Mahilig maghugas ng mga plato at kubyertos si Hannah
-Paborito niyang lutuin ang adobo na may pinya at sinangag sa umaga
-Ayaw niya ng horror movies
-Minsan nagiging workaholic siya, at kailangan ko siyang paalalahanan na magpahinga at iwasan ma-stress sa trabaho.
I love those little details about her. Thinking about it makes me smile always.
"Saan tayo ngayon?" Tanong ko nang matapos na si Hannah mula sa paghuhugas ng mga pinagkainan. I hugged her from the back.
"Mamaya may dinner with Dad and Ate Krystal," sagot ni Hannah. "Sa isang buffet restaurant sa hotel."
"Oo nga pala, blowout ni Tito ngayon," wika ko. "May binili na akong regalo sa kanya, isang fountain pen."
I kissed her neck, enjoying her warmth and presence.
"May gift na rin ako kay Dad, so no worries na."
Humarap sa akin si Hannah at nagnakaw ng halik. "Since we're home all day until later, do you mind if we---"
"Maligo ka muna," ngisi ko.
"Kung gusto mo, magsabay tayo."
"You and your naughty smile."
"Sige na, nahihiya ka pa," tawa ng aking asawa. "As if never natin ginawa iyon. Ngayon ka pa mahihiya."
"Shower muna." Kumindat ako sa kanya.
"With you," diin nito.
I planted a full kiss on her. Hindi na namin napigilan ang aming mga damdamin pagkatapos, at tuluyan na kaming bumigay sa isa't isa.
---
"Good evening, Ate and Dad!"
"Hannah at EJ, andito na pala kayo!"
Sinalubong kami ng yakap ng aking father-in-law na si Tito Martin. Sa likuran nito ay binati kami ni Ate Krystal na nakangiti. Siya ang sumunod na yumakap sa aming dalawa.
"We have gifts for you," inabot na ni Hannah ang dala niyang gift bag sa kanyang ama.
"Hindi ko naman birthday!" Tawa ni Tito Martin.
"Wala lang po, token of appreciation lang," ika ko.
"Salamat sa inyo!" Galak na sagot ni Tito Martin.
"Sa basement ang buffet resto, may reserved room na tayo," wika ni Krystal. Siya na ang nagdala sa amin doon at pagpasok ko, di ko mapigilang mamangha sa aking nakita.
Malawak ang buffet resto ng hotel. May mga private rooms at common dining areas, pati na rin ang isang bar. Naiilawan ng mga chandelier ang ceiling, at ramdam dito ang pagiging mamahalin ng buong lugar.
Bawat cuisine sa iba't-ibang parte ng mundo ay may sariling section: Japanese food na mga sushi, sashimi, at ramen, Italian gaya ng pizza at pasta, Filipino cuisine, American-style na mga pagkain, at pati na rin ang Korean dishes. Karamihan sa mga meals ay niluluto on-the-spot gaya ng pasta o grilled burgers.
Mayroong din cheese room sa isang sulok, kung saan makikita ang iba ibang mga klase ng keso, hamon, at tinapay. At siyempre, ang desserts section na may ice cream flavors, mga tsokolate, at samu't saring mga pastries.
"Get what you want," ika ni Krystal. "Doon na tayo magkita sa Ruby Room."
"Excited na akong kumain!" Galak na sambit ni Hannah.
"Go ahead, Emilio," ika ni Tito Martin.
Kanina pa ako hindi mapakali sa lugar na ito, kahit sa pormal naming bihis. Ngunit agad napanatag ang loob ko nang nagsimula na kaming kumuha ni Hannah ng aming mga gustong kainin.
"Japanese cuisine for me!" Ngiti ni Hannah nang makadulog na kami sa aming lamesa. Puno ng sushi, sashimi, at tempura ang kanyang plato. May isang scoop ng pesto pasta sa gilid, at isang platito ng chocolates.
"Wow, si EJ, carbs," ngiti ni Ate Krystal sa aking plato.
"Mas gusto ko ang pasta at pizza," ika ko.
"Let's start!"
Dumating na si Tito Martin na bitbit ang kanyang plato na may sushi at pasta. Nagsimula na ang aming hapunan at buti na lang ay masaya ang aming naging usapan.
"Daan kayo sa amin minsan, tapos Netflix and chill!" Ngiti ni Tito Martin.
"Marunong na si Dad ng Gen-Z talk ah!" Natawa si Hannah.
"Ate mo ang nagturo sa akin," sagot ni Tito. "Kakatapos lang namin manood ng La Casa de Papel, anong magandang panoorin?"
"Squid Game po, Tito," ngisi ko.
"Ay nasimulan ko na!" Tawa nito. "Local shows kaya?"
"He's Into Her!" Sagot ni Hannah.
"Ay, cute kaya noon!" Ngiti ni Ate Krystal.
"Kaya nga ako nanonood eh!" Nakipag-apir si Hannah sa kanyang Ate.
"Itong asawa ko, di ako inaaya!" Nagkunwari akong naiinis.
"Paano ba naman, tulog ka kaagad!" Ngumuso si Hannah. "Bilis mong makatulog lalo na pagkatapos natin gawin ang you-know!"
"Bilis mapagod ni EJ ah!" Natawa si Ate Krystal. "Huwag mo pagurin asawa mo, sis!"
"Good Lord, not here!" Natawa si Tito Martin. "I don't want to hear the details!"
Lahat kami ay nagsitawanan sa reaction ng aking byenan.
Matiwasay na natapos ang gabing iyon. Umuwi kaming busog sa pagmamahal ng aking natagpuang bagong pamilya.
At syempre, pati na rin sa pag-ibig ng aking asawa.
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasía(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...