Kabanata 25

583 32 5
                                    

Lumipas ang mga taon at kay raming nagbago. Ngunit nanatiling totoo sila EJ at Hannah na papalakihin nila nang maayos at gagabayan ang kanilang dalawang anak.

Masigasig na mga mag-aaral sila Sage at Hyacinth. Pagdating nila ng kolehiyo, nagkanya-kanya ng landas sila Sage Emile at Hyacinth Rae. Kumuha ng Bachelor of Science in Foreign Service si Sage habang si Hyacinth naman ay Bachelor of Elementary Education ang napusuang kurso.

"Kaya ba Foreign Service ang kinuha mo dahil kay Junko?" Tukso ni Hyacinth sa kanyang kuya.

"Ah, hindi ah!" Kinakabahan na tinanggi ni Sage.

"Sus, kunwari ka pa! Foreign language elective mo nga ay Japanese!" Siniko ni Hyacinth ang kanyang kuya, na katabi niya ngayon habang kumakain sila ng burgers sa isang eatery sa loob ng kanilang siyudad.

"Ang tagal niyo nang walang development!" Reklamo ni Winnette, na nasa harapan nila. Sumubo ito ng isang pirasong French Fry at dinagdag, "Naka-tatlong jowa na ako mula junior high, tapos itong dalawa, kapag nasa condo niyo ako, maya't maya kayong nag-uusap, maya't maya nagtitinginan, pero anyare? Wala! Noong umulan ng katorpehan, sinalo lahat ni Kuya Sage!"

"Minsan nang naikwento sa akin ni Kuya na gusto niya magtrabaho sa Philippine Embassy sa Japan!" singit ni Hyacinth. "At kapag nasa amin si Junko, palaging usapan ay anime, tokusatsu shows, J-pop, pero ayaw pag-usapan ang namumuong mga damdamin!"

"Namumuong damdamin ka diyan!" Umirap si Sage sa kapatid.

"Kuya, okay lang kung may feelings ka sa frenny namin," nakangiting sagot ni Hyacinth. "It's been years already, at halata kayong dalawa! Tapos wala kang ginagawa."

"Di ba nga si Kuya Sage ang prom date ni Junko noong senior year natin?" Kwento ni Winnette.

"Minsan nahuhuli ko siyang tinitignan yung photo nila ni Junko sa booth!" Ngisi ni Hyacinth.

"Dalawang bruhang ito, pinagtulungan ako oh!" Napa-eye roll si Sage.

"Hoy, kaya tuloy umalis si Junko after senior high namin, napagod sa kakahintay!" Sagot ni Hyacinth.

Natameme si Sage sa nalaman. "Sandali, may alam kayo tungkol sa kanya? Di ba nasa Japan siya ngayon, doon nag-college?"

"Oo may alam kami, pero ayaw namin ikwento!" Pinalo na tuloy ni Hyacinth ang balikat ng kanyang kuya.

"Aray naman, bayolente ng kapatid ko!" Inirapan ni Sage si Hyacinth, na hinihimatay na sa kakatawa dahil sa kanyang reaksyon. Kaya bumaling si Sage kay Winnette.

"Sandali, Winnette, may FB ka ni Junko? Yung dati niya kasi, naka-deact na. Sabihin mo na oh! Bigla na lang di namansin nang mag-college kayo." Nagmamakaawa ang tingin ni Sage kay Winnette. Sa puntong ito, mag-aaral pa rin sila Hyacinth at Winnette, na pumapasok sa iisang kolehiyo. Iba nga lang ang kurso ni Winnette, na BS Mass Communications.

"Ayoko nga sabihin ang FB account niya!" Ismid ni Winnette.

"Please na, magtatatpat na ako sa kanya!" Pagmamakaawa ni Sage.

"Finally! Umamin din!" Sigaw ni Hyacinth. Natigilan siya nang makitang nakatingin lahat ng tao sa kanya, at ngumiti na lang siya sabay sabi ng "Sorry!"

"Kaya siya nagpasiyang mag-college sa Japan, kasi mas maayos daw doon. At kinuwento niya na mula nang makita ka na ka-date iyang girl sa college niyo, nasira na ang wish niya na may feelings ka rin para sa kanya," mahinahong kwento ni Winnette.

"Oo, may feelings si Junko sa iyo, Kuya. Matagal na, nahihiya lang magsabi sa iyo, kaya sa amin nagkukwento," wika ni Hyacinth. "Siyempre, we kept it a secret muna, kasi baka tanggihan mo siya. Hanggang sa nahalata ko na lagi mong tinitignan photos niya at FB niya. Confirmed, may feelings ka rin."

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon