Kabanata 22

559 48 27
                                    

"Salamat, balae, sa pag-invite niyo sa amin dito!"

Labis ang kasiyahan ng aking ama habang kumukuha ng kanyang ulam at kanin mula sa gitna ng lamesa. Ang aking biyenan na si Tito Martin ay tumugon, bakas ang galak sa kanyang mga mata.

"Walang anuman! Let's enjoy our dinner!"

Nakangiti si Tito Martin sa aking ama habang pinagsasaluhan namin ang isang hapunan sa tahanan ng mga Ariston. Andito ang lahat, mula sa amin nila Hannah, si Krystal, ang aking mga magulang, at si Marina. Kahit na nakaupo kami sa isang mahabang lamesa at napalilibutan ng mga masasarap na potahe, pakiramdam namin ay welcome kami dito sa kanilang engrandeng mansyon.

Magaan ang pakiramdam naming lahat at ang hapunan ay napuno ng masayang usapan. Kakabalik lang ni Tito Martin mula abroad pero wala kaming binanggit sa kanya tungkol sa mahiwagang mga pangyayari, isang buwan na ang nakalipas.

"Seafood paella! Thank you Dad, for ordering this!" Nilasap ni Krystal ang kanyang serving ng paella. Bukod sa nasabing luto, may mga nakahanda rin na cordon bleu, beef steak, salad, at leche flan na panghimagas.

"No problem, my dear! Ay, may chocolates pala akong uwi galing abroad, bibigyan ko kayo mamaya," pangako ni Tito Martin.

"Baka naman may make-up kang uwi diyan," biro ni Mama.

"Ma! Huwag kang demanding!" Paalala ni Marina sabay tawa.

"May pasalubong kayong lahat, pamilya na ang turing ko sa inyo," natawa si Tito Martin. "May handbags kayo, balae at Marina. Para kay compadre, isang bote ng whiskey, at siyempre, mga chocolates!"

"Wow, thank you po!" Nanlaki ang mga mata ni Ate Marina sabay pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Hay, gusto rin pala ng pasalubong," ika ko sa aking Ate.

"Kunwari ka pa diyan, EJ! Gusto mo rin ng pasalubong!" Ngumuso si Ate Marina na nakaupo sa harapan namin nila Hannah, at natawa kaming lahat.

"Hindi kaya may pasalubong din sa atin ang ating mag-asawa?"

Tinignan kami ni Tito Martin sabay kindat.

"Pa! Grabe ka!" Namula si Hannah sa gitna ng kanyang mga ngisi.

"Wala pang nabubuo? Two years na kayong kasal ah!" Puna ng aking biyenan sa pabirong paraan.

"Oo nga, grabe naman magpa-suspense ang mga ito!" Tawa ni Krystal.

"Kailan ba kaming magkakaapo?" Tanong ni Mama.

"Huwag naman tayong mang-pressure, hayaan na lang natin sila magdesisyon," paalala ni Papa.

"Ay, salamat po itay, iyan ang hinihintay kong sagot," pabiro akong napabuntong-hininga.

Nanahimik kaming lahat nang marinig namin si Hannah na dumuwal. Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa aking tabi at ngayon ay nakatakip na ang bibig.

"Irog, ayos ka lang?"

Hindi na nakasagot ang aking asawa nang maduwal ulit ito. Napatayo ito kaagad at tumakbo papunta sa kalapit na rest room sa labas ng dining room. Nang makabalik ito, namumutla ang kanyang mukha at nanlalata.

"Baby sis, okay ka lang?" Agad lumapit si Krystal at inalalayan ito pabalik sa kanyang upuan.

"Okay lang ako, di ko lang trip ang lasa ng paella." Matipid na ininom ni Hannah ang tubig at sumandal sa upuan.

"Di naman amoy panis ah," sininghot ni Ate Marina ang tumbok ng kanin na naiwan sa kanyang kutsara.

Ngayon ay nagtitinginan na sila Mama, Papa, at Tito Martin.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon