Emilio Jose Jacinto
Oo, iyan ang aking pangalan. "Utak ng Katipunan" ang tawag sa akin ng aking mga magulang, lolo, lola, tito, tita, at mga kalaro mula pagkabata.
Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit ito ang bansag sa akin.
Nang malaman ko sa history book na katukayo ko pala ang isang bayani, hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
"Ma naman, ang daming magagandang pangalan, sa patay na bayani mo pa kinuha iyong akin!"
Ngumuso ako sa aking ina habang kami ay kumakain ng merienda. Walong taong gulang ako noon, walang pasok dahil bakasyon, at kakagaling lang mula sa paglalaro sa labas.
"Ayaw mo noon, magiging dakila kang tao balang araw?" Ngisi ng aking ina habang iniinom ang kanyang kape.
"Ako nga eh, pinangalan ako sa isa sa mga babae na sumali sa Katipunan," ika ng aking nakatatandang kapatid na si Marina, na sampung taong gulang.
"Yung tatay niyo kasi, historian kaya sa mga bayani kinuha ang inyong mga pangalan," pagmamalaki ng Mama sa amin. "Pinsan ni Emilio Jacinto si Marina Dizon, kaya sa kanila namin kinuha ang mga pangalan niyo."
"Sana John Lloyd, Piolo, o Zanjoe na lang pinili niyo, para mas modern," reklamo ko.
"Di ba mga artista sila?" Ngumiti si Marina.
"Oo, at hindi out of place na mga pangalan sa school. Pangalan ng mga cute at artistahin na guys, pang-hearthrob. Kahit ang adviser namin, Utak ng Katipunan ang tawag sa akin! Tapos nasa mga inaamag na history book pala iyon oh!"
"Anak, ipagmalaki mo ang iyong pangalan. Isang dakilang tao si Emilio Jacinto na nagsilbi sa bayan," paalala ng aking ina.
"At least maganda pakinggan ang Marina kaysa sa iyo!" Biro ng aking Ate Marina.
"Whatever, di ko pa rin gusto ang pangalan ko," eye-roll ko.
Natawa na lang sa akin sila Ate at Mama.
Pagkatapos ng araw na iyon, normal lang ang lahat. Bumalik ako sa school at nagpatuloy sa buhay.
Pagdating ng buwan ng Agosto, nagkaroon ng Buwan ng Wika celebration sa school. Napili ako na mag-declaim sa isang monologo.
Hulaan niyo kung sinong bayani ito.
Siyempre, yung katukayo ko.
Pinabasa sa akin ang ilang bahagi ng Kartilya ng Katipunan. Kahit ayoko itong gawin, dinaan ko na lang sa madramang declamation habang suot ang damit na kapareho sa nakagawiang damit ni Ginoong Emilio Jacinto sa mga larawan.
Buti na lang nanalo ako. First place! Isang trophy at lata ng biskwit ang aking naging mga premyo. Dagdag na diyan ang pagiging proud nila Mama at Papa sa akin. Nang gabing iyon, nagpabili si Papa ng Pancit Malabon bilang selebrasyon.
"Nakakatuwa naman si EJ, nanalo sa declamation!" Sambit ni Papa. "Ito baon mo next week."
May dinukot siya sa kanya bulsa at iniabot niya ito sa akin. Abot-langit ang aking ngiti nang malaman na one hundred pesos pala ito.
"Ayan, next year ikaw ulit sa declamation!" Biro ni Mama.
"Sana sumali ako sa declamation namin o Sabayang Pagbigkas," pagsisisi ni Marina.
"Wala ka lang one hundred!" Natawa ako sa paghalukipkip ng aking Ate na para siyang nalugi sa negosyo.
"May one hundred ka rin, ibibigay ko sa iyo mamaya," pangako ni Papa.
"Wow, thank you!" Sa wakas ay nakangiti na rin si Marina.
Mahimbing akong nakatulog nang gabing iyon. At dinalaw ako ng isang panaginip na kakaiba.
Sa tagpong iyon, may kausap ako na babae sa ilalim ng isang puno. Nagpapaalam siya sa akin at sinasabing ikakasal na siya sa ibang lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lungkot ko. Siguro dahil aalis na siya.
Sumunod dito ay may humahabol na kaaway sa akin. Nasaksak daw ako at dinala sa isang simbahan.
Naputol ang susunod na pangyayari. Naalimpungatan ako at nagising.
Bakit ganoon ang panaginip ko? Di naman ito normal na panaginip ng isang bata.
Dahil ba nakikinood ako ng teleserye nila Mama pagkatapos ng hapunan?
Iyong huling episode kasi, nagkita yung mag-boyfriend sa ilalim ng isang puno at sinabi ng babae na ikakasal na siya sa iba.
Baka dahil nga doon.
Isang beses lang ito nangyari, at di na umulit pa. Ngunit nang sumunod na taon, muli ko itong napaginipan, at parehong tagpo.
Ang weird talaga.
Magmula noon, tuwing Agosto ay paulit-ulit ang aking kakaibang panaginip. Ngunit wala akong kinukwento sa aking mga magulang.
Ang ginagawa ko, sinusulat ko sa isang notebook. Every year may entry ito, walang palya hanggang sa maging nineteen years old ako.
Paulit-ulit lang ang tagpo: nasa ilalim ng puno, nagpapaalam, tapos nasaksak daw tapos magigising ako.
Ngunit nang maging twenty years old ako, may mga bagong eksena.
Nasa lihim na pagpupulong daw ako at may mga kinakausap ako na mga binata. May pumasok na lalaki at tinawag ko siya sa pangalang "Supremo."
At nagising akong muli. Balisa, namamawis, at nag-aalala.
Anong meron sa akin at sa mga panaginip na iyon? Bakit every year, umuulit at ayaw akong lubayan?
Huwag mong sabihin yung Supremo ay si Andres Bonifacio.
Baka dahil lang kapangalan ko si Emilio Jacinto.
Bigla tuloy ako napaisip kung baka reincarnation ako ng nasabing bayani. Haha patawa.
Pero naisip ko na rin maghanap online at baka posibilidad ito para sa akin.
Hindi agad madaling paniwalaan ang konsepto ng reincarnation. Pero may mga napiling nilalang na naaalala ang kanilang naging buhay hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang naging buhay nila noong nakaraan. Base sa pagsasaliksik na aking ginawa sa Internet, may mga batang nakakaalala ng kanilang nakaraang buhay o past lives.
Mayroon mga eksperto at isang unibersidad sa United States na nakipag-usap sa isang bata. Ayon dito, siya raw ay isang piloto noong World War II. Nasa isip pa rin niya kung paano siya namatay noon, at nadala niya ito sa kanyang buhay ngayon sa kasalukuyan.
Siya si James Leininger, na mula pagkabata ay nagsimulang magkaroon ng masasamang panaginip tungkol sa eroplanong sinasakyan niya at nasusunog. Dito niya natagpuan na ang dati niyang katauhan ay si James Huston, na nabuhay nga noong panahon ng digmaan.
Kahit ang mga magulang niya ay hindi makapaniwala sa rebelasyong ito. Ngunit napatunayan nga na totoo ang katauhan ng piloto na kanyang sinasabi.
Dahil sa kwentong ito, nagkaroon ako ng hinala na maaring totoo rin ang aking mga napapaginipan.
Ako, ang Utak ng Katipunan? Pwede.
Pero sa pagkakaalam ko, wala namang nobya si Jacinto. Ang bata pa niya noong namatay siya.
Hindi kaya may nakalimutan silang isulat sa kanyang kasaysayan?
A/N: totoo yung kay James Leininger. May book pa tungkol sa kanya.
Di ako basta naniniwala sa reincarnation pero kayo na ang bahalang humusga.
(Photo by Dale Alejandro on Unsplash)
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasia(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...