"Paano po kayo nagkakilala?"
Ito ang bungad na tanong ng interviewer kay EJ at Hannah. Nakaupo ang mag-asawa sa isang mahabang silya na de-solihiya habang nasa harapan nila ang isang babaeng nasa edad bente-sais hanggang trenta anyos. Nasa likuran nila ang sliding windows na may capiz shells at may de-kahoy na borders.
Sa isang bahay ginanap ang nasabing interviewer, na ang style ay hango sa mga kabahayan noong Spanish era. In short, heritage house ito.
Pumayag silang mag-participate sa interview na ito para sa isang sikat na vlogger. Naghahanap ito ng mga mag-asawa na matagal nang nagsasama. May kakilala ito na kilala sila EJ at Hannah, at sila ang nirefer dito.
"Sa London kami unang nagtagpo," panimula ni EJ. "May seminar akong dinaluhan, at kami ay nagkasakubong sa isang bus stop malapit sa Big Ben. At ayon na nga, nagkaibigan kami at nagpakasal."
"It feels like yesterday, pero kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kapag inaalala ko. And look where we are now, ang tagal na natin mag-asawa! Grabe, nagsimula lang iyon dahil nasa London ako nagtatrabaho!"
Ngumiti si Hannah sa asawa. Namumuti na ang buhok nito at nagda-dye pa nga para magmukhang itim, pero bakas pa rin ang kagwapuhan ni Ginoong Emilio Jose Jacinto. May mga linya na rin si Hannah sa kanyang mukha, pero lutang pa rin ang angking kagandahan nito.
"Iba talaga kapag long lasting ang relationship at marriage!" Paghanga ng babaeng interviewer.
"Siyempre, hindi lang puro kilig ito, Minsan may di-pagkakaunawaan, pero nareresolba naman, basta open communication at handang makinig sa panig ni Misis," sagot ni EJ.
"At di takusa (takot sa asawa) si EJ, because I make sure he feels seen and listened to."
Ipinatong ni Hannah ang kamay niya sa kamay ni EJ. Ngumiti ang interviewer at nagtanong pa.
"Ano po ang maipapayo niyo sa mga batang magkarelasyon o nagbabalak magpakasal?""Hindi nagtatagal ang kilig," natawa si EJ. "Pero may mga paraan para mapanatili ang kilig at tibay ng samahan. Date each other kahit na mag-asawa na kayo."
"It's the little things that count," ika ni Hannah. "Hugs, kisses, breakfast in bed, quickie—"
"Hoy, wholesome interview ito!" Paalala ni EJ, na nagulat sa sagot ng asawa. "Nakakahiya, binaggit mo pa yung huli!"
"May asim pa rin si Ma'am Hannah!" Natawa ang interviewer.
"Siyempre naman, gamot lang katapat sa kasu-kasuan at sakit ng likuran!" Humalakhak si Hannah. "Lalo na ngayon, malalaki na ang mga anak namin, solo na namin ang isa't isa!"
"Hannah, wala nang green stuff ah?" Kunwaring kumunot ang noo ni EJ sabay tawa.
"Oo na po, Mister Conservative! Anyway, going back, totoo nga, the little things matter. Know your partner's love language. Together with communication and listening to each other."
"Love language ni Hannah ang acts of service, kaya minsan ako nag-aalok na magluto at tulungan siya kung kinakailangan," kwento ni EJ.
"Kay Emilio naman, dapat sabihan mo siya ng I love you, pati quality time," dagdag ni Hannah. "Kahit naglalaba kami o naglilinis ng condo, ginagawa namin laro. Minsan we do a little waltz kapag tapos na ang household chores. Or cheer each other on with love notes habang nagtatrabaho."
"Wow, your marriage is amazing!" Paghanga ng interviewer. "Sana may matutunan sa kanila ang ating mga viewers! Namamayagpag sa career at buhay pamilya ang Jacinto couple!"
BINABASA MO ANG
My Destiny and I
Fantasia(SEQUEL TO THE KATIPUNERO AND I) Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras, Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas. Matutupad ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog mula sa magkabilang mundo at magkaibang panahon. Ito na ba an...