Kabanata 21

528 32 3
                                    

"Wala na ang suot kong locket watch."

Ito ang bumasag sa masayang usapan namin habang nagsasalo-salo ng hapunan sa tahanan nila Zera.

Pinasadahan ako ng tingin ni Hannah, na nakaupo sa aking kanang bahagi. Nabitawan niya ang kanyang hawak na mga kubyertos at sinulyapan ang aking leeg. "Di mo na nga suot," wika niya.

Sa aming harapan sa kabilang panig ng lamesa ay magkatabing nakaupo sila Ate Krystal at Zera. Kapwa sila natulala sa akin.

"Wala na nga sa leeg mo, EJ," mahinahong puna ni Krystal.

"Siguro, kailangan mawala ng misteryosong relos para makabalik kayo dito sa hinaharap," obserbasyon ni Krystal. Nakita kong tumango si Hannah bilang pagsang-ayon.

"Ang totoo niyan, nakabalik kami dito habang may nangyayaring kasalan," paliwanag ni Hannah.

"Sino ang mga kinasal?" Diretsong napaupo si Zera at napatingin sa amin ni Hannah.

"Isang Amerikanong lieutenant, si Craig Daniels," kwento ko. "Ang asawa niya ay si Medea de Lucio, isang dating mangkukulam na papatay sana sa amin ni Hannah. Si Lieutenant Daniels ang nagligtas sa aming buhay at tinulungang magbagong-buhay si Medea. Nauwi silang dalawa sa pag-iibigan at kasalan."

"Daniels... iyon ang apleyido niya?" Halata ang pagkamangha ni Zera.

"Oo, dahil sa panahon ng Amerikano kami napapadpad," tugon ko.

"Teka, alam niyo ba, may kwento ang aking lola? Sabi niya, ang lolo niya ay dating Amerikanong sundalo! At napadpad sila dito ng kanyang Espanyol na asawa para magtayo ng panaderia dito sa amin!" Hindi maikakaila ang excitement sa boses ni Zera.

"May proof ka?" Pagkumpirma ni Krystal.

"Sandali."

Biglang tumayo si Zera at nagtungo sa isa sa mga kwarto. Medyo natagalan siya at nang makabalik ito, may hawak itong makapal na libro na may kulay brown na cover.

"I think this will confirm my thoughts," inilapag ni Zera ang nasabing libro sa may bandang kabisera ng lamesa. Lahat kami ay tumayo at pumalibot sa kanya.

"Lumang photo album ito ng aming pamilya," wika ni Zera kasabay ng kanyang pagbukas ng nasabing album. Naaninag ko ang gilid ng album, na gawa sa leather at nababakbak na dahil sadyang may kalumaan ito. Napunta si Zera sa isang pahina at tinuro ang isang lumang larawan.

"Ito yun, ang great-great grandparents ko na may lahing Amerikano at Espanyol!" Itinuro ni Zera ang larawan.

Si Hannah ang unang lumapit dito at masinsinan niya itong pinagmasdan. "Grabe, hindi ba sila Lieutenant Daniels ito?" tanong niya sa akin.

Kailangan kong yumuko para masusi itong makita. Halos malaglag na ang aking panga nang malaman ko na nakatitig pala ako sa isang studio photo nila Lieutenant Craig Daniels at Medea de Lucio. Kupas na ang mga gilid pero malinaw na malinaw ang mga mukha ng nasa larawan.

"Ito ang sinuot nila nang sila ay ikasal," wika ko kay Zera. "Nakapang-sundalo si Lieutenant Daniels at baro't saya naman kay Medea. Siguro pagkatapos ng kasal nila ay saka sila nagpakuha ng picture sa isang studio. At tignan niyo, may nakasulat sa ibaba o, maliit nga lang."

Lumapit si Krystal at binasa ito. "Lieutenant Daniels and his wife, Medea, 1901."

"EJ, nakilala pala natin ang mga ninuno ni Zera!" Masayang sinambit ni Hannah sabay kapit sa aking braso.

"This is so amazing," binuklat pa ni Zera ang album at tumigil sa isang black and white na family photo na mas malinaw.

Dito ay nakaupo sa isang sofa sila Lieutenant Daniels at Senyora Medea, na kapwa may hawak na anak na tila isa o dalawang taong gulang pareho. Nakakandong kay Lieutenant Daniels ang anak na lalaki habang ang anak na babae ay nasa kandungan ng ina na si Senyora Medea. May pagkakahawig ang mukha ng magkapatid na ito. May nakasulat din na taon sa ibaba, 1903.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon