Kabanata 4

892 73 42
                                    

Nagkaroon ako ng pagkakataon na ipaayos ang kwintas na orasan nang minsan akong bumisita sa Quiapo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na ipaayos ang kwintas na orasan nang minsan akong bumisita sa Quiapo. 

Buti naalala ko na may gumagawa ng relos doon sa isa sa mga kalye. Dumiretso na ako sa nasabing watch station bago umuwi dala ang mga pinamili kong walis tambo, mga basahan, at pastries mula sa isang bakery. 

Ayon sa tumingin nito, pwede pang ayusin. Di pa ito masyadong luma at buti na lang ay may available pa siya na mga piyesa. Saglit lang akong naghintay at agad na iniabot sa akin ng manong ang bagong gawa na relos.

"Mukhang para sa iyo ang mga piyesa niyan," ngiti ng matanda sa akin. 

"Salamat po," ngiti ko habang pinagmamasdan ang umaandar nang relo.

"Ay, magkano po pala ang bayad?"

"Hijo, libre na lang iyan."

Agad akong napatingin kay Manong. Malawak ang kanyang ngiti sa akin mula sa counter.

"Seryoso po?" 

"Oo, di na ako magpapabayad. Hindi pa iyan antique watch at buti na lang may mga piyesa pa ako dito. Isa pa, mukhang may balak kang ligawan diyan at pagbigyan ng relos," tawa nito.

"Wala po akong pagbibigyan niyan," pagtanggi ko sabay ngiti.

"Pero nakita ko yung nakaukit diyan sa plating. Por mi destino. For my destiny." Halatang kinilig si Manong pagkatapos niyang sambitin ang mga katagang ito.

"Naku Manong, nakita ko lang ito sa bahay namin. Baka lolo ko ang nag-ukit ng mga katagang iyan tapos ibinigay pala niya kay lola," palusot ko.

"Ah, ganoon ba? Sige, libre ko pa rin iyan! Huwag ka nang tumanggi!" 

"Oh siya po, papayag na po ako!" Natawa na lang ako at maingat na ibinulsa ang pocket watch. Pinulot ko mula sa sahig ang aking mga pinamili at namaalam na sa manong.

"Maraming salamat po sa pag-asikaso!"

"Suswertihin ka diyan sa relos na iyan, hijo!"

Kay lawak ng ngiti ni Manong sa akin. Hindi na ako nakaimik sa aking narinig mula sa kanya. Sa halip ay magalang akong tumango at lumabas na ng watch shop.

Malugod akong nakauwi at iniabot na kay Mama ang aking mga pinamili. Umakyat ako sa kwarto pagkatapos at naupo sa aking study desk.

Bakit kaya nasabi ni Manong na suswertihin ako dito?

Pinaikot-ikot ko ang relos sa aking mga kamay. Napako muli ang aking mga mata sa tatlong salita na nakaukit sa loob ng plating.

Sino kaya ang tinutukoy na "Por mi destino?"

Natutukso akong tanungin si Mama o si Papa tungkol dito. Pero mas pinili ko pa rin na huwag na lang, para manatili itong misteryo. Baka 'pag nalaman ko, masira ang aking curiosity tungkol sa mahiwagang relos.

My Destiny and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon