REIN
Buti naman at break na. Ang boring sa classroom eh.
Nasaan na kaya yung babaeng saksakan ng tapang? Simula nung umalis siya kanina dun sa duyan hindi ko na siya nakita pa. Pati rin si Harvey nawawala na. Sinundan niya kaya yun? Imposible. Pero paano kaya kung sinundan nya? Baka akala niya siya si Isabelle. Pero siya nga kaya talaga si Isabelle? Aish, mukha akong ewan dito tanong ng tanong sa sarili ko.
"Oh Rein bakit ganyan itsura mo? Natatae ka ba?" natatawang tanong ni Evans.
"Oo nga Prince. Masama ba pakiramdam mo?" tanong naman ni Joseph.
"Hindi masama pakiramdam nyan, baka naiisip nya lang si Eunice." komento ni Harry
"Si Eunice? Bakit naman nya maiisip yun?" takang tanong ni Dashiel.
"Pre, tanga ka ba o talagang slow ka lang? Hindi mo ba nakita si Eunice kanina? Di mo ba na-aalala kung sino kamukha nya?" tanong sa kanya ni Jayden.
"Sino ba? What the .... si?!" pag-iisip ni Dashiel.
"Oo sya nga!" sabay-sabay na sigaw nila Evans, Joseph, Harry at Jayden.
" Manahimik nga kayo! Mga walang kwenta pinagsasabi nyo!" sigaw ko.
"Iniisip nya nga " bulong ni Dashiel na rinig na rinig ko naman.
"Isa pa Dashiel, magsalita ka pa, malilintikan ka talaga sakin. " banta ko.
"Eto na nga eh. Sabi ko nga zip my mouth na. " sabi nya at umakto pang nag-zipper ng bibig.
" Mga pre, nakita nyo ba yung kambal ko? Kanina pa ata wala dito. " tanong ni Harry.
"Panigurado nambababae lang yung kakambal mo! Di ka pa nasanay dun" sagot ni Jayden.
"Oo nga Harry. " dagdag ni Joseph.
"Oh, speaking of the devil. Eto na si Harvey oh. " biglang sabi ni Jayden.
Pagkalingon ko, kakadating pa nga lang ni Harvey.
"Tol, saan ka galing?" tanong ni Dashiel.
"Ah dyan lang sa tabi-tabi. " sagot naman ni Harvey.
"Saan yun? Sa Bar? Hahaha" pang-aasar ni Joseph.
"Ulul. Ang aga pa noh! Mamaya na lang. Hahaha" natatawang sagot nya.
"Harvey, saan ka talaga galing?" tanong ko.
"Ikaw ba talaga yan Prince? Tinatanung mo ba talaga ako kung san ako galing? " maanghang tanong ni Harvey.
"Himala at nagtanong ka. Akala ko wala kang pakialam dyan eh." komento ni Harry.
"Sagutin mo na lang ako." sabi ko na lang.
"Ah. Sinundan ko si Eunice. Kanina kasi nung lumabas siya sa room parang may nag-iba sa kanya kaya sinundan ko siya. Nakita kong pumunta sya sa Dean's office tapos paglabas nya namumugto yung mga mata nya kaya sinundan ko lang. Sumakay siya sa kotse nung dean tapos nagdrive lang siya hanggang sa huminto siya sa isang amusement park. " paliwanag nya.
"Amusement park?" takang tanong ni Jayden.
"Oo. Umupo nga siya sa isang bench dun tapos maya-maya nakita ko tumutulo na yung mga luha nya eh. Nung una pinabayaan ko lang pero kitang-kita ko na malungkot siya tapos parang may naalala. Tapos tinignan nya yung bench na inuupuan nya, parang nagulat siya, kaya nung umalis siya, tinignan ko yung bench." paliwanag ulit ni Harvey.
"Tapos anong nakita mo? Ina naman netong si Harvey pabitin pa! " naaasar na tanong ni Dashiel.
"May nakita akong naka-ukit na '"We promise to love each other forever - D & I." sabi ni Harvey at in-air quote pa yung sinabi nya.
Shit. Yung upuan na yun, kung saan kami nangako ni Isabelle at kung san namin pinutol ang namamagitan samin.
"D and I? Parang Daniel at Isabelle. Diba ang pagkakakilala ni Isabelle kay Rein noon ay Daniel?" takang tanong ni Joseph.
" Prince, ikaw ba yung---- " tanong naman ni Harry pero pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Shut up!" sigaw ko sabay alis.
Nananadya ba 'tong mga 'to?! Nakakainis lang. Pero tama ba ako ng dinig? Umiiyak siya? At nagulat siya ng makita nya na may nakasulat dun sa inuupuan nya? Bakit? Bakit siya nagulat? Bakit din siya umiiyak? Bakit ganun ang reaksyon nya?
Is that you Isabelle?
-----------------------
Vote & comment!
psssteunice
BINABASA MO ANG
Pain Princess meets Death Prince
Action"The happily ever after I've imagined turned into a heart-breaking ending." -Eunice Kylie Zee Park " love conquers all " " everyone deserves a second chance " Totoo ba to? Kahit na sinaktan ka ng taong mahal mo? Handa ka pa bang magpatawad...