Chapter 13

4.3K 83 2
                                    

After two weeks

EMERALD

Andito kami ngayon sa H.Q. Bakit kaya hindi pumasok si Eun ngayon? Tapos napapadalas na yung pag absent nya.  Nung Monday at Tuesday lang sya pumasok last week, tapos this week naman nung Monday lang sya pumasok. Wala man lang paramdam. Parang hindi ako bestfriend. Di pa nagsabi na aabsent sya. Sana pala umabsent na din ako ngayon!

"Nat, alam mo ba kung bakit absent pinsan namin?" tanong sakin ni Luiz.

"Kung alam ko lang di sana sinabi ko na sa inyo diba? Tsaka pinsan mo yun diba? Dapat mas alam mo yung dahilan." pasarkastikong sabi ko. Bwisit kasi.

"Taray mo ngayon ah! May alert?" natatawang biro ni Enzo.

"A-anong alert ka jan! Wala noh! Di ko talaga alam eh. Ilang araw na rin kasi siyang walang paramdam sakin." sabi ko. Nahiya naman ako kay Renzo my loves ko kaya sumagot na ko ng maayos.

"So ganun? Pag si Enzo nagtatanong maayos sagot mo? Pero kanina nung nagtanong ako daig mo pa naglilihi kung makataray!" iritadong sabi ni Luiz.

"Che! Bwiset ka!" sigaw ko sa kanya.

"Maiba tayo ng topic guys, anong plano?" pag-iiba ni Edj ng usapan.

"Hmm, plano? Para saan?" nagtatakang tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? Next month na birthday ni Eun." paalala ni Tricia.

" Hala! Oo nga pala! Nakalimutan ko na. Pero anong plano ang pinagsasabi mo ha? Alam nyo naman 5 years ago ng hindi nagcecelebrate ng birthday yung babaeng yun!" sabi ko.

"Sabagay, may point si Nat. Matagal ng hindi nagcecelebrate si Eun ng birthday nya after the incident." sabi ni si Renzo my loves.

"Eun prefer to be alone whenever her birthday is coming. And you know that she's much colder than ever kapag malapit na syang magbirthday." komento ni Ash.

"Yeah, Ashley's right. Baka tayo pa mapagbuhusan nya ng galit sa mundo kung makiki-alam pa tayo." sabi naman ni Luiz.

"Hmm, so I guess, walang party. Siguro ang magagawa nalang natin para sa kanya nun is to be always there whenever she needs us." sabi na lang ni Edj.

"That's the right thing I guess." Enzo said.

Bakit ko ba kasi nakalimutan yun? Now I know the reason kung bakit madalas syang napapaabsent. Actually wala pa nga syang isang buwan. Nung January lang sya pumasok tapos hindi pa natatapos ang January absent na ng absent? Sa kanila naman 'tong school kaya magagawan na ni Kuya Kent ng paraan yun tsaka isa pa, matalino naman yung si Eun eh. Kahit hindi na nga sya mag-aral pa ng college pwede na nyang hawakan yung negosyo nila.

[A/N : Sa Royal Crown academy  ang start of class nila ay January. Tapos ang bakasyon ay April, May at June.]


EUNICE

Nagulat ako ng biglang nagvibrate yung phone ko, then I received a text.

"Hey, you okay? -Nat" 


Napabuntong hininga ako. I know they are all worried about me. Ilang araw na akong hindi pumapasok pero I just to be alone right now. Maya-maya pa ay biglang nagring ang phone ko, pagtingin ko sa caller si Ate Jonnabel.


"Hello ate? What's wrong? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya

"I have good news for you baby!" masayang sabi nya.

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon