Chapter 25

2.5K 60 16
                                    

HARRY

Days passed and after the incident in the party, wala nang unusual pa ulit na naganap. We were currently doing some investigations about it pero agad itong naharang ni sir Kent. Rein seemed to be disappointed though. Mukhang gusto nya talagang malaman kung sino yun but he chose to kept silent. I needed to fetch Harvey dahil baka magalit na naman si Rein kapag nalate kami sa meeting. I called him out pero walang sumasagot.

Pumunta ako sa kwarto nya, nagbabakasakaling makita syang tulog but to my disappointment, wala ang kambal ko. Himala, ang aga nagising nun ngayon. Kadalasang gising nun mga hapon na eh. I fished my phone and contacted him. Narinig ko naming parang may tumutunog sa ilalim ng kama nya. Seriously? Did he just left his phone?

Dumapa ako para hanapin ang phone nya and to my surprise, I saw a box. Ano na naman 'to? Kinuha koi to at pinatong sa kama. Pagbukas ko, tumambas sa akin ang mga pictures ni Isabelle. At yung iba mga pictures ni Eunice. What the fuck is going on? Bakit may ganito sya? Inutusan ba sya ni Rein maging stalker? Tinignan ko pa ang ibang laman ng box bukod sa mga pictures at may nakita akong notebook. If I remember it correctly, ito yung notebook na binabasa nya noon. Pumunta ako sa veranda ng kwarto ni Harvey at naupo. Binuksan ko yung notebook and to my surprise, nabasa ko yung pag-uusap nila ni ... Isabelle. Again, what the fucking fuck is going on?

"Bro? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Harvey. Nasa likod ko sya kaya siguro hindi nya makita kung ano itong hawak ko. Tumayo ako at humarap sa kanya habang hawak-hawak yung notebook. I saw him stopped on his tracks.

"Bro, when the hell did this happen?" seryosong tanong ko sa kanya at itinaas ang hawak kong notebook. Mukhang nagulat naman sya sa tanong ko at sa hawak ko.

"Damn! Bakit hawak mo yan?!" sigaw nya at akmang kukunin yung hawak ko pero mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya naka-alis agad ako sa pwesto ko. Pero agad din naman syang nakabawi at hinabol ako. Pero agad din akong tumakbo. Wala akong pakialam kung maging play ground itong bahay namin pero kailangan kong malaman ang totoo.

"Damn it Harry just give that fucking notebook back to me!" sigaw nya at patuloy pa rin sa paghabol sa'kin.

"Just tell me the truth Harvey or else I'll tell this to Rein!" banta ko. Mukha namang natakot sya sa sinabi ko at tumigil na sa pagtakbo. Tumigil na din ako but I kept my distance.

"Fine. Matagal na yan." Sabi nya. Nakukulangan pa din ako sa sagot nya.

"And? Just tell me exactly what happened." I said while looking him straight in the eyes.

"Damn! You know I hate explaining!" sigaw nya ulit.

"You'll explain or I'll tell this to Rein." Sabi ko sa kanya.

"I really hate your blackmailing side Harry. Nakakainis ang pagiging curious mo!" sigaw nya. Bakas na bakas sa mukha nya ang inis at frustration. I just gave him a playful smile.

"That happened before Isabelle's birthday, nakalimutan ko na ang eksaktong date. Nagkausap kami, pero pagkatapos nyan wala na. Oh ano? Nasagot ko na ba ang katanungan mo?" Sabi nya at kukunin na sana pero iniwas ko ito.

"What?!" inis nyang sigaw.

"Those pictures, bakit may mga pictures ka ni Isabelle?" I asked. Tell me what I'm thinking is wrong.

"Di pa ba obvious?"

"Ano nga?"

"I love her okay!?" frustrated nyang sigaw. Shit.

"You what?! You love Isabelle?! That's trouble Harvey! And we both know that!" sigaw ko sa kanya.

"Yeah I know! Kaya nga mas pinili ko na lang ang manahimik eh! Pero nung sinaktan ni Rein si Isabelle, damn it kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan ang sarili ko para lang hindi suntukin si Rein noon!" sigaw nya pabalik.

"And what about Eunice's pictures? Ano, mahal mo din si Eunice dahil kamukha sya ni Isabelle? Alam mo naman na ngayon, sa mga kilos ni Rein nahahalata mo naman sigurong nagkakagusto na din sya kay Eunice diba?! Diba Harvey?!" sigaw ko ulit.

"oo alam ko! Pero hindi ko gusto si Eunice dahil kamukha sya ni Isabelle!" sigaw nya ulit.

"Eh ano? Bakit mo sya gusto ha? Bakit Harvey?! Dahil si Eunice at Isabelle ay iisa? Imposible!" di makapaniwalang sabi ko.

"Ano ngayon kung totoo?! Na iisa nga sila?!" sigaw nya na ikinagulat ko. Mukhang nabigla din sya sa kanyang sinabi.

"what do you mean?" tanong ko and this got me all hooked up.

"Nothing. Just give that back to me." Kalmado na sya at nag-iwas ng tingin. Now I know my brother's hiding something.

"Tell it to me Harvey, or I won't give this back to you." Determinado kong banta. Bigla naman syang tumakbo para agawin yung notebook.

"Nasabi ko na ang dapat kong sabihin Harry. Give it back." And I saw him closed his eyes hard. Nagpipigil ng galit. Mas sumeryoso na din ang mukha nya kaysa kanina.

"Tell it to me now Harvey. Sa lahat ng tao, ako ang lubos na nakakakilala sayo. At sa facial expressions mo palang, sa paggalaw ng mata mo and the way you react, I know you're hiding something big. Spill it." Seryoso ko ding sabi sa kanya.

"No. I won't tell you anything. And no, I'm not hiding something big. Just give that to me!" aagawin nya pa sana ulit kaso natigil sya sa sumunod na sinabi ko.

"Alam kong si Eunice at si Isabelle ay iisa." Sabi ko. Kung may iseseryoso pa 'tong mukha ko, ganun ang itsura ko ngayon.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Sabi nya sa'kin at napailing.

"Stop fooling around Harvey. Seryoso ako sa sinasabi ko. Alam kong iisa lang sila." Sabi ko sa kanya.

"Talaga? I see, ngayon ko lang nalaman." Sabi nya. Nag-iwas na naman sya ng tingin. Wrong move bro, wrong move.

"You're lying. Ano pang sense ng pagiging kambal natin kung hindi ko malalaman kung nagsisinungaling ka o hindi. At kitang-kita kong nagsisinungaling ka." Nahahalata ko naman kinakabahan na sya sa mga sinasabi ko.

"Paano mo nalaman?" tanong nya pabalik. See? Sabi na nga bat may tinatago sya.

"Sinundan ko sya, narinig ko syang kausap nya ang mga kaibigan nya. Dun ko nalamang sya si Isabelle." Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Award winning pala ang acting skills ko. I guess, kaya hindi pa ko nahuhuli ni Harvey na nagsisinungaling ay dahil tensed sya sa usapan namin. And yeah, nagprepretend lang ako na alam ko. Hinihintay ko lang kagatin ni Harvey, at mukhang kinagat na nga nya ang palabas ko.

"Alam mo naman na pala eh! Nagtatanong ka pa sakin! Ngayong alam mo na ang totoo, pwede bang manahimik ka na lang at ibalik yang notebook!" Damn, mas nagkakanda letse-letse pa ang sitwasyon!

"So totoo nga?" sabi ko at nagsmirk sa kanya. Napaawang naman ang bibig nya at napasabunot sa buhok.

"Shit Harry what the fuck do you want!?" at sinipa nya ang upuan sa tabi nya.

"Ang malaman ang totoo, at ngayong alam ko na, okay na ko." Sabi ko at ngumiti. Ibinato ko na pabalik sa kanya yung notebook.

"Will you tell this to Rein?" kinakabahang tanong nya.

"Let me think about it." Sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.

"Please Harry, I'm begging you. Please don't tell it to Rein. For my sake. Ngayon lang ako nagmakaawa at alam mo yan. Please." Whoa, gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi ng kapatid ko. Akala ko kilalang-kilala ko na sya, hindi ko alam may mga side pa pala syang hindi ko nakikita.

"Fine. Just this once Harvey. I'll keep it a secret. Pero Harvey, sinasabi ko sayo, gulo ang kahahantungan ng kalokohan mong ito. At mag-ingat ka. Baka sa susunod, si Rein na ang makahuli sayo." Sabi ko sa kanya at tumalikod na. Aalis na sana ko ng magsalita syang muli.

"Hindi ko na hahayaang masaktan sya ulit Harry. Kung kinakailangang ipaglaban ko sya kay Rein gagawin ko. Wala na kong paki-alam kung magkasira kami ni Rein. Ganun ko sya kamahal." Nababaliw na ang kapatid ko.

"At iyang pagmamahal na yan ang sisira sayo Harvey. Sana lang, maging masaya ka sa mga desisyong gagawin mo."


psssteunice

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon