Chapter 9

4.2K 83 9
                                    

REIN'S P.O.V



F---! Nakakainis yung babaeng yun! Imposible talagang siya si Isabelle, hindi ganun si Isabelle. Oo aminado ako, matapang si Isabelle at nung una kaming nagkita ni Isabelle parang ganun pero iba si Isabelle. Ibang-iba siya. Kaya imposibleng si Eunice at Isabelle ay iisa! Makikita mo Eunice, pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sakin.

Andito kami ngayon sa HQ. Ayoko sa room dahil naalala ko lang yung nangyari kanina. Yung nangyari kanina...

FLASHBACK


 "How dare you to insult her!? Akala mo ba napaka-gwapo mo at lahat ng babaeng nandito magpapakamatay mapansin mo lang?!" galit na galit na sigaw nya sa'kin

"Look what your friend did to me! Pare-parehas lang naman kayong mga papansin!" sigaw ko din sa kanya.

"Ang kapal talaga ng mukha nito! Do you think you're worth my time? Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo! Hindi lahat ng nandito gusto ng atensyon mo!" sigaw nya pa din. Putcha pakiramdam ko napahiya ako dun ah?

"Ang lakas din naman ng loob mong sigawan ako ah!?" sigaw ko sa kanya.

"Oo! And I would continue doing that 'till my heart's content! Maligo ka muna baka matauhan ka!" sigaw nya sa akin sabay buhos ng noodles na ikinalaki ng mata ko. Napanganga din ako sa pagkabigla sa ginawa nya sa akin.

"Pasalamat ka at malamig na yung noodles na binuhos ko sayo. Sayang at lumamig na yan, mas maganda sana kung mainit pa. Para mabanlian yang mukha mo. Ang kapal kasi masyado. Nagbabaka-sakali ako na numipis pag nabanlian." kalamdong sabi nya.

"Pagbabayaran mo 'tong babae ka! Hindi ko ito mapapalampas!" pagbabanta ko sa kanya ngunit parang hindi man lang sya nakaramdam ng takot at inayang umalis na yung kaibigan nya. Hindi ko talaga ito pwedeng palampasin, naapakan pagkalalaki ko. Maghintay ka lang at makikita mo!

END OF FLASHBACK


" F---! Humanda talaga yung Eunice na yun sa'kin!" gigil na gigil na sigaw ko.

"Dude, chillax ka lang! Kalimutan mo na yun!" awat sakin ni Jayden

"Kalimutan?! Sa tingin mo makakalimutan ko yun?! First time lang na may gumanun sakin kaya hindi ko mapapalampas yun!" sigaw ko pa din.

"Second time na pare. Nakalimutan mo na ba? Si Isabelle yung una. Pangalawa lang si Eunice." paalala sakin ni Harry.

"Nung una akala ko si Isabelle talaga siya. Naisip ko pa na baka nagkamnesia siya kaya nakalimutan nya ko pero malayong-malayo pala siya sa naisip ko! Imposibleng maging si Eunice si Isabelle." naghaharumentadong sabi ko.

"Paano ka naman nakasigurado dyan Rein? Ni hindi mo pa nga alam buong pagkatao ni Eunice eh." makahulugang sinabi ni Harvey.

"Anong ibig mong sabihin? Bakit? May alam ka ba tungkol sa kanya huh?" tanong ko.

"Wala naman. Nasabi ko lang. Basta ang mapapayo ko sayo, mag-ingat ka kay Eunice kasi baka ikaw ang masaktan sa huli." makahulugang sabi pa din ni Harvey sabay alis.

"Anong nangyari sa kambal ko? Ang weird ng sinabi nya ah. Baka ikaw ang masaktan sa huli. Anong ibig sabihin nun?" naguguluhang sabi ni Harry.

"Aba'y ewan namin! Ganun naman talaga yung kambal mo eh. Minsan may sapak sa utak. Kung anu-ano pinagsasabi. " natatawang sabi ni Evans.

"So , anong plano Prince?" tanong sakin ni Joseph.

" We'll see, I know she can't resist my charm." I confidently said while smirking.

"So you mean, you'll make her fall for you?" Dashiel asked.

" Yes. At kapag baliw na baliw na sya sakin, dun ko dudurugin puso nya." sabi ko.

"The last time I checked, yan din ang sinabi mo kay Isabelle noon." komento ni Dashiel.

"Ingat lang dude! Baka mamaya maging katulad lang yan ni Isabelle. Mamaya ikaw ang mahulog at hindi sya." warning ni Harry.

"Don't worry, si Isabelle lang ang babaeng minahal ko and I won't let that happen. I've learned my lesson. Just wait and see." I said then smirked.

Eunice Catherine Scarlett Kang, tignan natin ngayon ang tapang mo. Let's see how you resist my charm. Let's see how long you can survive and how far you braveness can be.

----------------------


Vote & comment!

psssteunice

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon