Chapter 15

4.5K 83 14
                                    

HARVEY

Andito ako ngayon sa kwarto. Ang saya ko talaga ngayon! Nalala ko pa kanina nung binasa ko yung sulat nya.

FLASHBACK

Mga sira ulo talaga tong mga kumag na 'to. Pinag-uusapan kanina si Isabelle ngayon naman napunta kay Eunice. Mga baliw.

" Oh, Harvey ano yang hawak mo?" tanong ni Dashiel sa'kin.

"Notebook. Nakikita mo naman diba?" sarkastikong sabi ko. Tanga lang. Nakita na ngang notebook hawak ko eh.

 "Ga*o. Alam kong notebook yan! Pero bakit parang kanina mo pa hawak? Mahal na mahal? Ayaw bitawan? " sarkastikong sabi sakin ni Dashiel. Alam naman pala nya nagtanong pa. Aish.

"Paki mo ba?! Aish " sabi ko.  Mabasa na nga muna 'to.

Naupo ako sa isang couch. Narinig ko naman silang pinag-uusapan si Isabelle. Mabasa na nga 'to.

Dear Harvey,

Hello. Oh ayan nagparamdam na ko. After five years! Sorry kung bigla akong nawala. Sa ngayon, dito nalang muna tayo mag-usap. Sa pagsusulat. Wala pa kasi akong balak na magpakita. Siguro in time, kapag ready na kong harapin kayo. Kamusta ako? Eto, okay naman. Inaalagaan ko naman yung sarili ako at take note, hindi na ko eengot-engot noh! Baka pag nakita mo ko ngayon, pasukan ng langaw bibig mo. Ikaw? Kamusta ka na? Tagal na din nating hindi nag-usap ah? Ingatan mo din yung sarili mo, balita ko gwapings ka na. Buti naman, nagmukha ka na sigurong tao? Hahaha. Bye for now. Please wag mong sasabihin sa iba na nakausap mo ko ha? Sayo lang ako nagparamdam eh. Wag mo na lang sabihin sa iba. Yun lang, salamat.

Your bestfriend,

Isabelle


" Sh--! Yes!!" Hindi ko na napigilan ang tuwa ko at napasigaw na ko. Nagparamdam din si Isabelle!

"Anong nangyare twin? Bakit parang tuwang tuwa ka dyan sa binabasa mo?" takang tanong ni Harry.

 "Eh sino ba naman kasing hindi matutuwa? Eh si I------ ay wala. Basta masaya lang ako." muntikan na kong madulas dun ah? Sabi pa naman sakin ni Isabelle na wag kong sabihin sa iba.

"Bakit nga? Patingin nga nyang hawak mo!" sabi naman ni Rein. Hahablutin na sana nya yung notebook kaso iniwas ko na agad.

" Hindi pwede! Dyan na nga kayo! Aalis na ko. Sige, bye! " sabi ko. Mas mabuti ng umalis noh! Kaysa naman pagtulungan pa nila akong lahat!


Oh diba?! Sino ba naman ang hindi sasaya dun eh yung taong mahal mo nagparamdam na at sa akin lang sya nagparamdam! Nagsulat na ko ng isasagot ko sa kanya.


Dear Isabelle ,

Wag kang mag-alala hindi ko ipagsasabi sa iba. Well, na sasayo naman kung gusto mo nang magpakita samin. Basta tandaan mo lang, lagi lang akong nandito sa tabi mo para suportahan ka. Nabalitaan mo na din pala, akala ko di ka updated sa mga balita dito eh. Ahahaha. Baka nga pag nagkita tayo tumulo laway mo! Ahahaha. Baka baliktad pa ang mangyari at yung sakin pa yung tumulo kapag nagkita na tayo. Ahahaha. At ikaw? Di na eengot engot? Weh?! Nagbibiro ka ba?! Ahahaha. Mabuti naman at okay ka. Masaya na ko dun. Siya nga pala, may nakilala kaming babae, Eunice ang pangalan nya. Kamukhang-kamukha mo nga siya eh! At di lang kamukha, may similarities din kayo! Alam mo kung ano? Nagawa lang naman niyang sigaw sigawan si Daniel sa harap ng maraming tao! Oh diba?! Magkaugali din kayo. Ang pinagkaiba nyo lang, hindi siya engot! Hahaha. Osha, masyadong mahaba na 'to. Ikaw naman magkwento!

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon