EUNICE
Masaya kaming bumalik ni Rein sa loob. We are now officially together, again. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi naming pareho kaya siguro ito agad ang napansin ng mga kaibigan nya pagkabalik namin, as well as our intertwined hands.
"Oh mukhang may magandang nangyari pare ah?" natatawang tanong sa kanya ni Harry.
"Meron nga dude." Sagot ni Rein at humalakhak. He even lifted our hands as if to prove his answer. Pinamulahan naman ako sa hiya na mas nagpalakas ng tawa ni Rein. Nakita ko namang binigyan ako ni Harvey ng makahulugang tingin. Nginitian ko lang sya and mouthed him later. Tumango lang ito bilang sagot.
"At ano naman yun pre? Kayo na?" tanong ni Dashiel. Sunod-sunod naman ang tango ng loko.
"Parang bata lang Rein ah? Tuwang-tuwa? Parang batang nabigyan ng candy eh." pagbibiro ni Evan na nagpatawa sa lahat.
"And guess what dude" pagsasalita ni Rein, I think I already have an idea on what he was about to say. Napakamot naman ako sa ulo ko. All eyes are on him. Paano mukhang masayang-masaya ang loko.
"Ano? Nak ng teteng naman 'to pabitin pa!" naaasar na sabi ni Jayden at pabiro syang binato ng corn kernel.
"She's Isabelle." Cool na pagkakasabi ni Rein na nagpalaki ng mata ng bawat nakaupo sa table. Except for two person, the twins. Napataas naman ang kilay ko kay Harry and turned to Harvey. He mouthed me 'later' na syang kinailing ko. Parang alam ko na ang nangyari.
"What!?" gulat na pagtatanong ni Evans
"She's who!?" pag-uulit ni Dashiel.
"Tol baka nabibingi lang ako eh pero ano nga ulit sabi mo?" tanong naman sa kanya ni Joseph. Rein turned to me.
"She's Isabelle." Sagot nya muli.
"You're Isabelle?" sa akin naman nagtanong si Dashiel.
"The one and only." Sagot ko at binigyan sila ng tipid na ngiti.
"Oh my god! Akala ko pinagttripan lang ng tadhana itong si Rein nung dumating ka. We all thought na magkamukha lang kayo. Akala nga naming nung una kambal kayo eh." Evans said as he drink his wine. Mukhang nakabawi na sila sa pagkakagulat. Tahimik lang naman yung kambal.
"But I just noticed how Harvey and Harry's expression never changed. Anong meron? You knew too all along?" baling naman sa kanila ni Joseph. Nagkatinginan naman sila. I already told Rein na si Harvey ang unang nakaalam. Pero hindi ko alam na alam din ni Harry.
"Harvey was the first one to know. Well he found out nung dumalaw ako sa puntod nila mama. I don't know about Harry though." Ako ang sumagot ng tanong para kay Harvey. I also looked at him waiting for his answer about his twin.
"Kasalanan nya pakielamero sya." Sagot nya and raised his two hands as if showing his surrender.
"Well I found the notebook. Sorry Eunice." And Harry did the same action as his twin. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. I looked at Rein only to find him already staring at me.
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya.
"I just can't believe that you are mine now, again. I'm just so fcking happy to have you back." Sagot nya at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Napangiti naman ako.
"Mukhang may magandang balita ah?" narinig ko ang boses ni Natalie at napalingon sa likod ko. Nakita ko sila na ngiting-ngiti while holding their wine glasses. Naglapitan naman sila sa amin. Nagtanguan naman ang mga kaibigan ni Rein at maging ang mga kaibigan ko. Who would have thought na ang grupo ng Deaths at Pain ay magkakasama ng ganito?
BINABASA MO ANG
Pain Princess meets Death Prince
Action"The happily ever after I've imagined turned into a heart-breaking ending." -Eunice Kylie Zee Park " love conquers all " " everyone deserves a second chance " Totoo ba to? Kahit na sinaktan ka ng taong mahal mo? Handa ka pa bang magpatawad...