Chapter 17

4.7K 90 26
                                    

EMERALD

Papunta na kami sa H.Q dito sa H.C. Bwisit naman kasi 'tong si Enzo eh pinapakilig ako masyado. Sya pa naglagay nung band aid sa mukha ko.

Tawa lang kami ng tawa dahil sa mga pinag-gagawa ko kanina sa laban. Maski ako natatawa sa  ginawa ko eh.

Nagulat na lang kami ng biglang hilahin ni Harvey ang kamay ni Eun.

"Hey what's your problem!?" gulat na tanong ni Eun.

"Sorry but can I talk to you for a while? It's important." seryosong sagot naman ni Harvey sa kanya. Napataas naman ang kilay ko sa inasta nya. Tumango naman si Eunice at sumunod sa kanya. Nakita kong pumunta sila sa kabilang kwarto. Wala namang tao dun at isa pa, sound proof naman lahat ng rooms dito kaya walang makakarinig sa kanila kung may pag-uusapan man silang importante.

"Ano kaya yung pag-uusapan nila?" takang tanong ni Luiz.

"No idea. Kahit ako hindi ko alam yung tumatakbo sa isip ni Harvey eh." sabi naman Edj

"Parang sobrang importante naman nung pag-uusapan nila kasi kitang-kita mo sa mga mata ni Harvey na parang may gustong-gusto siyang malaman." komento naman ni Ash.

"Mukha nga pero ano naman yun?" tanong naman ni Tricia.

"Baka alam na ni Harvey na siya si Isabelle?" suspetsa naman ni Enzo. Napaisip ako sa sinabi nya.

"Imposible yun Enzo kasi grabeng pag-iingat yung ginagawa natin para lang hindi siya madiscover." sabi ko naman.

"Sabagay may point ka. Pero hindi rin natin masasabi kasi diba close friends din sila dati ni Harvey? One more thing, nakwento sa'tin ni Eun na parang may sumusunod sa kanya simula nung Friday. Oh, malay natin si Harvey pala yun." sabi ulit ni Enzo. Para naman akong sinampal sa sinabi nya, may punto sya. At hindi rin malabong si Harvey ang sumusunod sa kanya dahil si Eunice na mismo ang nagsabi nun.

"Oo nga pala , may nakwento pala siya sa'tin nung Saturday ng gabi." sabi naman ni Luiz. Naalala ko yung pinag-usapan namin.



Andito kami ngayon sa H.Q. Si Eun naman, after nung nagyari kahapon, hindi pa namin siya nakikita o nakakausap man lang. I guess, meron parin siyang feelings para kay Rein kaya lang nasasapawan ng galit nya yung feelings na yun. Kahit kailan talaga, ang hirap basahin ni Eun. Hindi naman siya ganyan dati. Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan.

"Someone's here." biglang sabi ni Enzo. Naging alerto naman kaming lahat sa sinabi nya. Lahat kami kanya-kanyang sikap kumuha ng weapon. Syempre, mas mabuti na yung alerto kami kung sakaling kalaban ang nakapasok.

"Come out, it's just me." cold na sabi ni Eun. Nakahinga naman kami ng maluwag. Akala namin kung sino na.

"Oh Eun bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?" tanong ni Luiz sa kanya.

"May nakalaban ba kayo nitong mga nakaraan?" tanong naman nya sa amin na nagpakunot sa noo ko.

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon