REIN
Kasama ko ngayon si Ms. Nerd. Magdadalawang buwan na din kami. Bakit ba kasi ako napasubo pa dun sa lecheng pustahan namin ni Travis eh. Nakakainis. Isang taong pagtitiis din 'to .
"Hoy! Nakikinig ka ba sakin?" sigaw ng katabi ko na nagpabalik sa'kin sa katinuan.
"Ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko.
"Di nga nakikinig. Ang sabi ko punta tayo sa isang flower shop"
"Bakit na naman?! Kanina pa tayo lakad ng lakad alam mo yun?" hindi ko napigilang sigaw sa kanya.
"Kanina ka pa sigaw ng sigaw sa'kin ah?! Ano bang problema mo ha? Nakakapuno ka na ah!" sigaw nya pabalik.
"Wag na tayong mag-away pwede my loves?" Kadiri yung sinabi ko. Kung wala lang kaming pustahan hindi ako magtitiyaga sayo.
"Ano ba kasi ang problema? mahinahong tanong nya
"Wala naman po. Masakit na kasi yung paa ko"
"Kaya naman pala. Last na 'to. Punta na tayo sa Cora's Flower Shop. Malapit lang yun dito pagkatapos nun uwi na tayo" Ano pa bang magagawa ko kundi sumunod? Letse.
"Para saan ba yung flower na bibilin mo ? " tanong ko sa kanya
"Birthday kasi ni mama ngayon . At favorite flower nya kasi ang sunflower kaya ibibili ko siya wait lang ha? Bibili lang ako." nakangiting paalam nya sabay alis. Ako naman, naiwan lang dito malapit sa may pinto. Buti na lang at may upuan rin dito. Mapapahinga ko na rin yung mga paa ko. Biglang may lumapit saking isang florist.
"Ikaw ba ang boyfriend ni Isabelle?" nakangiting tanong nya. At sino naman 'tong chismosa na ito?
"Opo ako nga. Bakit po?" sagot ko
"Wala naman. Ingatan mo ang prinsesa namin dito ha?" nakangiti pa ring sabi nya.
"Opo naman. Mahal ko yang prinsesa nyo eh." nakangiting sagot ko. Ang galing kong umarte. Napakaplastic ko na.
"Mabuti naman. Nandito ka ba para ibili siya ng flowers? Sasabihin ko sayo ang favorite flower nya pero wag kang maingay ha? Ang favorite nya ay yung roses. Lalo na yung pink roses" so, favorite pala nung nerd na yun ang pink roses?
"Sa totoo lang po sinamahan ko lang siyang bumili. Bibili daw po sya para sa mama nya. Pero tutal nandito narin naman ako, bigyan nyo ko ng isang bouquet ng pink roses " sabi ko. Hindi ko alam kung anong naisip ko para bigyan sa nun. Sira na siguro ang ulo ko.
"Sige iho. Teka lang ha? Ipag-gagawa kita nung special." pagkasabi nya nun ay umalis na din sya.
After 10 minutes bumalik na yung florist at dala-dala ang isang bouquet ng pink roses. Pagkabigay nya nun agad naman akong nagbayad. Maya-maya pa dumating na din si Nerd.
"Tapos na ko Daniel. Tignan mo oh, ang ganda nung pagkakaayos." nakangiti nyang sabi.
"Maganda nga, pero mas maganda ka." sabi ko sabay abot sa kanya nung bouquet ng pink roses. Bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat at saya.
"Pa-paano mo nalaman ang favorite flower ko?" gulat na gulat nyang tanong.
"Secret! Ayaw mo ba?" kunwaring nagtatampo kong tanong.
"Syempre gusto ko! Ang ganda kaya!" manghang sabi nya at kinuha yung bulaklak.
"Tara na?" aya ko sa kanya. Tumango naman sya at umalis na kami.
Medyo malapit lapit na rin kami sa bahay nila nang may nakita kaming batang babae na umiiyak sa park malapit sa kanila.
"Akin na yang rose ko! Ako kumuha nyan kaya ibalik nyo sakin yan!" umiiyak na sabi nung bata.
BINABASA MO ANG
Pain Princess meets Death Prince
Action"The happily ever after I've imagined turned into a heart-breaking ending." -Eunice Kylie Zee Park " love conquers all " " everyone deserves a second chance " Totoo ba to? Kahit na sinaktan ka ng taong mahal mo? Handa ka pa bang magpatawad...