3

7K 174 3
                                    

CHAPTER 3

'He won't tell right?'

Kahit na anong mangyari siguradong magiging scandal niya 'yon. Hindi naman niya gustong maging front page ng mga balita na ang title ay " The eldest grand daughter of the Guerero family had a one night stand with her own father's bestfriend."

Siguradong hindi lang siya kumumuhian ng ama dahil sa magiging iskandalo niya, ang mas malala ay itakwil pa siya nito.

Pero hindi rin naman siguro sisirain ni Mr. Martinez a.k.a Blade ang sarili niyang pangalan hindi ba?---But he's capable of destroying me tho!

Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa dilemma sa buhay niya.

Her father doesn't care about her since the first day, her grandpa dotes on her just because of her achievements, her grandma only care about her money and jewelries! Her mother? Ugh. She's weak at tila asong sunod-sunuran sa ama niya.

Dahil sa malalim na pag-iisip ni Grazella ay hindi niya namalayan ang isang babaeng papalapit sa pwesto niya. May hawak rin itong wine.

"Zella."

Nilingon niya ang babae at saka muling ibinalik ang paningin sa basong hawak, "You're here? I thought you won't come?"

Napaismid ang babae sakaniya, "Wow. Apaka walang pakielam ah? Bakit hindi mo manlang ako i-greet diyan ng masaya dahil atleast dumating at nakita mo nanaman ang nakababata mong kapatid?"

Napairap nalang siya sa hangin, "Yeah, yeah, Ella. So now shut up."

Tatlong taon ang tanda niya rito, maikli ang buhok nito na sinadya nitong putulin para galitin ang mama nila, malaki ang pagkakahawig niya sa nakababatang kapatid ngunit mas matapang lang talaga ang hitsura ni Grazella.

Apat silang magkakapatid, dalawang babae at dalawang lalaki. Siya ang panganay habang ang sumunod ay lalaki na si Erren, ang bunso naman nila ay kambal na sina si Ella at Grell.

Hindi sila magkaka-close at kung magkakasalubong man silang apat ay tila hindi magkakakilala. Maliban nalang siya at si Ella na nagbabatian kahit papaano.

"Fix that frown on your face. Smile and be kind. Pretend that its fun or your parents will get mad again." Aniya sa kapatid ng mapansin ang kuyumos nitong mukha.

"Napilitan lang naman ako."

"Alam ko. Magtiis ka lang."

"Gaano ba kasi kaimportante yang bisita nayan at pati si Lolo ay mapapapunta?"

"Si Lolo magpupunta?" Nakunot niya ang noo, nanghihina na ang lolo nila at hindi na nga ito naglalalabas ng bahay .

"Uh-huh." Tumango si Ella saka kumuha ng cupcake sa katabing table.

"Maybe, he's that important for us. Our company's sales is deteriorating. Ginigipit rin tayo ng mga bwisit na Garzia." Humigpit ang kapit niya sa baso na hawak.

"Yeah. I think I really need to get away before that happens, do you wanna come with me? We can sell-- what?" Natatawa si Elle ng samaan siya ng tingin ng nakatatanda niyang kapatid.

"As if ganon lang kadali 'yon." Napailing siya, "You, go out there and socialize with those people. Stop saying nonsense." Duro niya sa kapatid saka ito tinalikuran.

Hinanap niya ang mga kakilala sa party at inentertain ang ibang tao. Inalis niya ang isipin na gumagambala sakaniya at ipinaskil ang pekeng ngiti sa labi.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang party na mukhang business meeting.

****

"Zella, come here." huminga ako ng malalim saka lumapit at nag-mano sa Lolo ko na nakaupo sa wheel chair.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon