Last Chapter

6.8K 227 82
                                    

CHAPTER 31

"Boss, nabura na lahat ng balita sa mga websites. Pero tingin ko mabilis na kumalat yung issue, siguradong marami nang nag-aabang na reporters sa labas ng bahay niyo." Napapailing si Mr. Kim habang nag-i-iscroll sa cellphone na basag.

Si Blade naman na sa kamamadali ay siyang nag-drive. Kaya masama ang tingin niya nang tiningnan ang P.A sa backseat mula sa rare view mirror. "You. Move here in the shotgun seat, I'm not your driver."

Napakamot sa batok si Mr. Kim saka hirap na hirap na nagsumiksik makalipat lang sa unahan.

"Tingnan mo Boss. Nabasa mo na ba yung mga side comments nila?" Napapalatak 'to bago natawa ng mahina, "Ang sabi pa nga nitong isa baka daw napakatanda niyo na at sayang naman ang kagandahan ni Ms. Grazella--"

Nanigas si Mr. Kim sa pagkakaupo nang marinig ang pagkasa ng baril, kasunod n'on ay naramdaman nito ang paglapat ng malamig na bakal sa sentido niya. Kaya natatawa niyang naituro ang screen ng cellphone, "Ha-ha-ha. S-Sino ba 'tong taong 'to, Boss? Ipahanap ko na ba? Ako ng bahala!"

Hindi umimik si Blade, ibinaba niya lang ang baril nang hindi inaalis ang tingin sa daan.

Kung magagalit at magtatanim ng sama ng loob si Grazella tiyak na gagawa nanaman 'to ng paraan para layasan siya. Ang malala pa doon ay may anak na sila ngayon, nang maisip ni Blade si Grazella hawak-hawak si Ezequiel ay mas lalong dumilim ang itsura ni Blade.

'No-- Her leaving me? That can't happen. That should not happen.'

Dahil hapon ngayon kaya maraming sasakyan at masyadong traffic. Kaya galit na naihampas ni Blade ang mga kamay sa manibela sa sobrang bagal ng pag-usad ng mga sasakyan. Natameme si Mr. Kim na nagbubutil-butil nanaman ang pawis sa mukha.

Bakit ba nandito siya at kasama ang bipolar niyang amo?

Naihawak ni Blade ang isang kamay sa noo at saka tumingin sa labas ng sasakyan, doon niya hindi sinasadyang mapansin ang malaking store na nahintuan ng sasakyan niya.

*******
*****

"News flash report: Ang panganay na anak at apo ng mga Guerero ay napapabalitang nasasangkot sa isang scandal issue ngayon." Aniya ng babaeng reporter, "Sa ngayon ay wala pang panayam ang pamilya ng dati'y sikat na CEO ng isa sa mga branch ng kanilang kompaniya na si Grazella Guerero."

Gigil na kinagat ni Grazella ang manok na hawak. Nasa living room siya ngayon ay pinanonood ang balita, kumakain panlang siya ng hapunan at agad na napatayo dahil sa pangalan niyang narinig mula doon.

Binuksan niya ang cellphone, nakita niya mula sa mga social networking sites na talaga ngang viral na viral siya ngayon!

Mga samu't saring komento na ang iba ay magaganda habang ang karamihan ay puro negatibo.

"Pwe. Ano naman kung asawahin ko si Martinez? Parang 8 years age gap lang akala naman nila 50 years ang itinanda n'on sakin!" Wala sa sariling napa-iscroll down siya sa isang post na patungkol daw sa pakikipagrelasyon niya sa mismong kaibigan ng tatay niya.

'Hindi ba siya naiiling? Napaka-imoral. Akala ko pa naman napaka-taas ng standards niya, diyan lang pala siya babagsak.'

'Ang low class naman.'

Whutt du--?!

Napahilot si Grazella sa noo niya. "Imoral? Ako? Eh yang pagpopost mo ng mga bible verse pero mahilig ka namang manghusga, hindi ba kaiporkritahan yan?" Nakasimangot na aniya nang istalkin ang naunang comment.

"Naku, Ma'am." Si Manang Selya na sumulpot hawak-hawak si Ezequiel at iniabot sakaniya ang isang ointment. "Hayaan niyo nalang sila."

Napabuntong hininga si Grazella saka ibinaba ang manok na hawak, pinunasan niya muna ng tissue ang kamay at saka kinuha ang ointment para ilagay sa balikat niya, may sugat 'yon gawa ng ngipin ni Blade na kumagat sakaniya.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon