ADDED CHAPTER

6.7K 267 105
                                    

CHAPTER 32: ANG OA NA SI BLADE

"PAPA!"

Natigil si Blade sa pakikipag-usap sa mga kasosyo nang makita ang patakbong si Ezequiel, ang tikom na bibig ni Blade ay biglang umarko saka sinalubong ang tatlong taong gulang na anak.

Mukhang importante ang mga taong 'yon ngunit isinantabi ni Blade ang pakikipagusap sakanila at ibinigay ang atensyon sa anak.

Yumakap ang maliliit na braso ni Ezequiel sa binti ng ama niya bago ito buhatin ni Blade at punasan ang pawis na namuo sa maputing noo ng bata. "I told you to stop running around. Stop being so makulit, where's your Mama?"

Kumurap ang bilugang mga mata ni Ezequiel na nakuha pa nito kay Blade saka itinuro ang loob ng bahay nila. "There."

Napailing si Blade saka ginulo ang buhok ni Ezequiel, siguradong tinakbuhan nanaman nito si Grazella at maging ang mga katulong nila. Magagalit nanaman 'yon mamaya.

Isang malalim na halakhak ang pumukaw sa pansin ni Ezequiel na panay ang pag-gala ng mga mata sa kausap ng Papa niya, may apat na lalaki na naroon kaharap sila.

"Your son?" Tanong ng lalaking naka-puting polo kaya tumango si Blade.

"Hindi maipagkakaila." Lumapit rin ang isa pang lalaki na naka-suit saka tinitigan ang tila batang manika na nasa bisig ni Blade.

"How cute." Nagsilapitan rin ang dalawa at naki-kurot sa malambot na pisngi ni Ezequiel, kaya sa huli ay nagsimulang mairita ang bata at pinagsasampal ang mga kamay nila.

"Stop pestering my son." Matalim na aniya ni Blade saka inilayo ang anak na mukhang nalamog na yata. "Why not just go away and make your own."

"We will, Martinez." Natatawang ani ng lalaking naka itim na polo. "Puro panganay nga lang."

Umikot lang ang mga mata ni Blade saka chineck-up si Ezequiel.

"Ezequiel!" Galit na boses iyon ni Grazella kaya napapitlag ang batang hawak ni Blade at mas nagsumiksik sakaniya.

"What-" bubulyawan na sana ni Grazella si Blade nang makita ito sa labas ng gate hawak-hawak ang makulit na tiyanak ngunit nalulon niya ang sasabihin nang makita ang nag-gagandahang lalaki sa harapan ng gate nila.

Anong meron?

Nagtipon-tipon na ba ang iba't-ibang lahi ng mga diyos at sinusundo na nila si Blade?

Napailing si Grazella saka nagtatanong na binalingan si Blade.

"Business partners. May meeting kami mamaya and we're actually talking about that when this little guy interrupted us." Ibinigay ni Blade si Ezequiel kay Grazella ngunit ayaw talaga nitong humiwalay kay Blade, gusot na gusto man ang suot na damit ay napailing nalang si Blade.

"But I think we should postpone it for now. They will understand." Aniya ni Blade nang hindi manlang tinatanong ang opinyon ng apat na napa-poker face nalang.

"Oh No! Go on. That must be important." Hinarap ni Grazella ang mukha sa nagtatagong si Ezequiel saka ito nginitian ng may babala, "Come on. Your Papa is too busy, you still have to eat pa."

"I don't want to eat veges!"

"Ezequiel." May babala na sa boses ni Grazella ngunit paanong matatakot sakaniya ang anak nila kung inaalo na ito agad ni Blade?!

'Kukutusan ko na talaga 'to eh.'

"I think it's okay to postpone this meeting for now." Nginitian ng lalaking naka-itim na polo si Grazella, "Goodafternoon, Mrs. Martinez."

Nahawa rin si Grazella sa gwapong ngiti ng lalaki kaya siyempre ngumiti rin siya, duh.

"Ah!" Masama ang tingin niya kay Blade nang maramdaman ang pagkurot nito sakaniya.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon