CHAPTER 18
Tiningnan ni Grazella ang sarili sa salamin. Ngayon nalang niya natitigan ng maayos ang repleksyon niya.
Ang haggard niya sobra.
Mga eyebags na naglalakihan, marami rin siyang maliliit na sugat sa leeg, kamay at bisig. Namumula ang iba ngunit magaling naman na.
Hinaplos niya ang buhok dahil tila naging dry 'yon. Sinabi ng doktor na karaniwan lang daw ang mga bagay na ganito sa mga taong nagdadalang-tao.
Lumabas si Grazella sa banyo at muling tinungo ang higaan.
Napatitig siya sa kawalan habang nag-iisip kung ano bang dapat niyang gawin pagkatapos niyang lumabas ng hospital. Huling araw na rin kasi niya dito.
Stable at maayos naman na ang lagay niya.
Biglang pumasok sa isip niya ang itsura ni Blade kaya natigilan siya bago ipinilig ang ulo para alisin ang kung anong naiisip niya.
Paano naman yon napasok dito?
"Zella!"
Nagulat si Grazella ng gumalabog ang pinto pabukas at bumungad sakaniya ang mga kaibigan na papasok.
Sina Celene, Morigan at si Yana.
"Yana? Anong ginagawa mo dito?"
"Kababalik ko lang ng Pinas, isa pa kailangan ko pa ba ng dahilan para bumalik dito at makita kayo?" aniya.
Yana Aqua, isang business woman tulad ni Grazella. Kasa-kasama rin nila 'to noong senior high School. Kaso umalis rin ang babae papuntang Canada pagtapos nito ng College.
Kulay tsokolate ang buhok nitong wavy na hanggang balikat, maputing balat at maliit na heart-shaped na mukha. Kasing tangkad rin ito ni Grazella na nasa 5'8 ang height.
Niyakap siya ni Yana, sunod ay si Morigan at pang-huli ay si Celene.
Naiiritang napalayo si Grazella, "Ano bang meron? Hindi pa ako mamamatay ah."
"Girl, nag-aalala lang kami sayo!" irap ni Celene.
Ngumiti naman si Morigan, "Are you okay?"
Tumango si Grazella, "I'm already fine."
"Kinuwento kasi sakin ni Celene ang nangyari." aniya ni Yana.
"Kinuwento niyo agad?" tiningnan ni Grazella si Celene kaya napa-peace sign ang kaibigan niya.
"Teka paano palang nandirito at nakapasok kayo?" takang tanong ni Grazella. Imposibleng walang Martinez na nakabantay sa labas.
"Pinayagan kami ni Mr. Martinez beh." Si Morigan ang sumagot.
Ows?
Hindi nalang siya nagtanong pa, mapilit ang mga 'to kaya ikinuwento nalang niya ang nangyari sa mala-adventurous niyang buhay nitong mga nakaraang araw. Siyempre may konting bawas yon at baka pagtulungan siyang sabunutan ng mga bruha sa harapan.
"Huh? Anong ginawa mo?" gulat na aniya ni Celene.
"Ayon... Lumabas ng bintana tapos bumaba sa puno.." paliit ng paliit ang boses ni Grazella ng magsalita.
"Ano?" masama ang tingin ni Yana ng nilungin siya.
Hindi tuloy siya nakasagot dahil alam niya rin ang kabaliwang nagawa.
Bumubukas sara ang bibig ni Grazella pero walang salitang lumalabas doon.
"Anong klaseng katangahan nanaman yan Grazella?"
Malakas na sinampal siya sa noo ni Yana kaya napa-aray siya saka ito tiningnan ng masama.
Ang solid ah?!
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...