CHAPTER 21
"Boss."
Maagang dumating si Blade ng hapong 'yon. Agad siyang sinalubong ni Mr. Kim sa bukana ng bahay.
" Si Ms. Lorenz po--" ani ni Mr. Kim at iniabot ang cellphone ngunit hindi 'yon pinansin ni Blade na iniabot lang ang mga dala-dalang prutas sa katulong na malapit.
Nakita ni Mr. Kim ang mga dalahin ng amo kaya balak niya sanang kunin ang iba pang paper bag na hawak nito ngunit iniiwas 'yon ni Blade sakaniya at saka siya tiningnan ng masama. Naging ngiwi tuloy ang ngiti ni Mr. Kim.
May problema ba talaga sa mukha niya kaya palaging galit ang boss niya sakaniya?
"Boss, si Ms. Lo--"
Nilampasan ni Blade si Mr. Kim, "Where's Grazella?" tanong nito kay Manang Selya na nakayuko lang sa gilid.
Agad namang sinundan ni Mr. Kim ang yapak ng boss niya at siya na rin ang sumagot sa tanong nito, "Nasa taas at nagpapahinga sa kwarto niya, Boss." nakangiti pa ring aniya, muli niyang inilahad ang cellphone na hawak sa harapan ni Blade dahil nangangalay na ang kamay niya, saka lang iyon napansin ng lalaki. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Si Ms. Lorenz, Boss. Tumawag-"
Nagsalubong ang kilay ni Blade, "Ano nanamang problema niyan?"
"Pinatatanong ho niya kung nasa opisina niyo kayo mamaya, noong pumunta daw kasi siya nung nakaraang araw eh wala kayo, kaya--"
Tama maging si Mr. Kim ay napansin ang mga pinagbagong kilos ng boss niya. Hindi ito lumiliban ng pasok, palaging nasa business trip at palaging may meeting, pero ngayon ay tila pinasukan ito ng katamaran sa katawan at nagsimulang mag-lagi sa loob ng pamamahay nito.
Pero hindi na nabigla si Mr. Kim, alam rin naman niya na ang dahilan ng lahat ng 'yon ay ang babaeng itinatago nito sa taas ng bahay.
"Sino ba siya sa akala niya? Kung hindi lang dahil sa kapatid niyang si Carlos hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras." iritang aniya ni Blade, "Stop entertaining that woman. Kapag naubos ang pasensya ko sakaniya baka hindi lang siya ang pagbuntunan ko ng galit. Understood?" tumuon ang nakamamatay na titig ni Blade kay Mr. Kim na napaatras at sunod-sunod na napatango.
"Y-Yes, boss."
'Kawawang Ms. Lorenz.' isip-isip ni Mr. Kim. Dapat ay tumigil na ito ng pangungulit sa Boss niya dahil baka matuluyan na ito ng wala sa oras.
Nagtuloy sa paglalakad si Blade papasok ng library na malapit lang sa sala bitbit ang paperbag. Nang makapasok sa loob ay naupo aiya aa couch at inilapag ang paper bag sa table na kaharap, inilabas niya doon ang mga libro na soya mismo ang bumili. Sakto namang pumasok si Mr. Kim na nakalimutang kumatok.
"B-Boss!" kinabahan siya kaya bago pa man siya muling tumapak ay sinara niyang muli ang pinto at sama kumatok. "Boss, m-may nakalimutan pala akong sabihin." natawa siya ng alanganin.
Agad na ipinasok ni Blade ang hawak sa paper bag, "Again?"
Binuksan ni Mr. Kim ang pinto at sumilip saka tumango. "Tumawag rin ho pala si Mrs. Guerero at gusto sanang makipagusap sainyo."
"Grazella's mother?"
"Yes, Boss."
Nangunot ang noo ni Blade ngunit hindi na ito nagsalita. Itinukod ng lalaki ang siko sa armrest ng sofa saka sumandal doon pagkatapos ay inilagay niya ang palad sa mga mata.
"Don't tell Grazella about this." aniya, "Ako na mismo ang kakausap sakanila kung may oras man akong bakante."
Muling tumango si Mr. Kim saka dahan-dahang isinara ang pinto bago umalis, narito sa bahay nito ngayon ang boss niya kaya automatic na kailangan niyang umalis at tumulong sa secretary maging sa vice president ng kompaniya nito.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...