CHAPTER 5
"Bakit ganiyan nanaman ang mukha mo, Zella? Ano nanamang nangyari? Napapansin kong napapadalas na yata yang busangot mong mukha ah."
Hindi pinansin ni Grazella ang kaibigan na ka-video call niya, pinagpatuloy niya lang ang pag-iimpake habang masama ang mukha.
" Hoy. Gaga! Anong nangyari?"
De javu.
Napairap nalang siya saka sumagot, " I need to accompany that fucktard, to his business project in Russia and next to Sicily. I got chosen as the Guerero's representative." Buntong hininga niya saka isinara ang bagahe.
Napaisip ng bahagya si Rianne, "Edi maganda?"
Salubong ang kilay niya ng lingunin at titigan ang kaibigan sa screen, "Anong maganda?! Lol."
"Sino ba kasi yang fu-- yang F-tard na yan?" Aniya ni Rianne na hindi itinuloy ang nickname na ibinigay ni Grazella sa kung sino mang sasamahan nito dahil sa pangit yong pakinggan.
"Martinez." Maikling sagot ni Grazella ng makalapit sa pinag-patungan niya ng cellphone para harapin ng maayos si Rianne.
"Mr. Martinez?... patingin nga niyan. Nakaka-curious na yan ah."
Pinagbigyan nalang niya ang kaibigan at ibinigay rito ang litrato ni Blade kasama ang ibang impormasyon na nakuha niya mula sa kung saan-saan.
Ilang minutong watahimik at walang sagot si Rianne ng mabasa yon.
"Rianne? Hoy, gaga! Wag mong sabihing fan ka rin niyan?!"
"Anong fan? Baliw." Natawa ito saka muli siyang tinanong kung anong reaksyon ng ama niya kaya ikinuwento niya rito ang nangyari nung mga nakaraang araw.
~~
Kinakabahan ng bahagya si Grazella ng makapasok sa gate ng mansion ng ama niya. Dalawang araw siyang hindi nakauwi dahil sa masyadong busy at maraming gawain sa kompanya, hindi niya nasunod ang ina at hindi agad siya nakauwi kinabukasan.Pero bakit siya kakabahan? Hindi na siya bata na kailangang palaging mag-report sa kung anong mga ginagawa niya.
Tinanguan niya ang mayordoma nang makita niya ito sa bungad. Walang ibang maids o guards ang makikita sa lugar maliban sa matandang babae na mababanaag ang kakaunting pag-aalala sa mga mata.
"Nasa kusina na ho sila, Ma'am Zella." Anito kaya nagtungo siya sa malaking kusina.
Makailang beses na napalunok si Grazella saka huminga ng malalim bago tumapak ng tuluyan sa loob.
Nakita niya roon ang ama, ina at ang nakababata niyang kapatid na si Erren.
"Ma, Pa-"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Grazella nang ihagis ng ama niya ang hawak na baso na naging dahilan ng ingay at pagkabasag non sa sahig.
Gulat na napatayo ang ina niya saka dali-daling lumapit sa tabi ng ama niya, wala namang imik si Erren at tila wala lang na tumuloy sa pagkain.
"Gabriel! Maghunos-dili ka, huminahon ka muna at baka mapano ka." Nagaalalang aniya ni Izabella na aakayin sana ang asawa ngunit mariin siyang tinabig nito at saka galit na tiningnan si Grazella, napaurong siya at tumahimik nalang.
"Ipinapahiya mo ang pamilyang 'to, Grazella! Bakit ngayon ka lang?! Pinaalalahanan kana ng mama mo pero hindi ka pa rin sumunod? Anong tingin mo saming mga magulang mo?! Wala kang galang!"
Pinigilan ni Grazella ang sarili na bulyawan pabalik ang ama dahil kahit papaano ay may respeto pa rin siya rito, malamig ang boses niya ng sumagot, "Marami akong ginawa at--"
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...