13

5.4K 148 78
                                    

CHAPTER 13

"Okay.." diretso lang ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho. Dahil kung malingat ako ng tingin ay baka maaga akong sumakabilang buhay.

So..

'Is that really Rianne?'

Inalala ko ang nakita ko kanina. She's already here in the Philippines? Bakit hindi manlang niya ako sinabihan. At mukhang pamilyar pa siya kay Martinez?

Pero hindi ko naman nakita ng malapitan, bukod pa doon ay likod lang ng babaeng yon ang nakita ko. Marami naman siguro tayong kaparehong tao diba? Like, yung buhok, balat, At katawan?

Tama.. tama.

Malay mo pagharap nung babae mukha palang hito?

Yes. That's right.

Humigpit ang kapit ko sa manibela.

Balak ko sanang tawagan si Rianne ang kaso lang ay naalala kong may sama ng loob pa pala ako sakaniya, of course hindi ako magfi-first move. Ano siya chicks?

Inihinto ko nalang muna ang pag-iisip.

Well, I'm not really that affected!

Medyo traffic kaya habang nakahinto ay sinulyapan ko nalang ang litrato ng ultrasound na itinago ko sa bag para kahit papaano naman ay sumaya ako. Kinuha ko 'yon saka hinaplos.

"I think you'll be cute just like me in the future." ani ko ng titihang mabuti ang maliit na nilalang doon.

'What should I call you while you are still in my stomach?'

Beanie? Cause you look like a bean.

Natawa ako ng mahina sa naisip ko. Umandar na ang mga sasakyan kaya humarurot na rin ako, pero bago yon ay inilagay at sinecure ko muna ang mga litrato sa bag ko. Mahirap na.

Mabuti at mabilis lang na natapos ang check-up kaya bago ako pumasok sa kompanya ay bumili muna ako ng mga vitamins na nireseta sa akin ni Dra. Lauron, hindi naman pwedeng iba ang utusan ko magpabili.

-

"MA'AM?"

Nagtatanong na tinaasan ko ng kilay ang secretary kong si Evelyn, "Yes?"

"May problema ho ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Mukha ho kasing may malalim kayong iniisip. Kung may mabigat man kayong problema, kaya niyo yan. Kayo pa ba! Ikaw nga lang ho ang kakilala kong babaeng pinakapalaban. Hanga talaga ako sainyo, Ma'am. Kaya nga kahit minsan masungit kayo. Heto pa rin ako at nananatili sa tabi niyo." Tuloy-tuloy na aniya na halos hindi na napansin ang mga sinasabi.

Ako? Masungit?

Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at kinuha ko 'tong si Evelyn bilang secretary ko. Minsan nagdududa na rin ako sa sarili ko.

Nginitian ko siya ng matamis, yung tipong pati asin lalanggamin, "Alam mo, Evelyn?"

"Po?"

"Ako rin, hanga ako sayo kasi nakaabot ka ng pitong taon as secretary ko. Minsan hindi ko rin alam kung bakit hindi kapa natatanggal sa trabaho mo dahil sa sobrang kadaldalan mo."

Natahimik siya bago natawa ng mahina. "Kayo talaga Ma'am palabiro masyado."

"Anong palabiro? Kaya kong totohanin yon." Tinaasan ko siya ng kilay kaya nawala ang tawa niya, "Ano? Bumalik ka na sa trabaho mo!"

"Ma'am, napakaseryoso niyo talaga sa buhay." Nguso niya habang nagkakamot ng ulo.

Iningusan ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles at dokumentong dapat kong basahin at pirmahan na patong-patong sa lamesa ko.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon