CHAPTER 16
"Where is she?" Napapitlag ang maid nang marinig ang malamig na boses ni Blade na kapapasok lang sa loob ng kwarto. Inilibot nito ang tingin sa loob.
"Where.is.she?"
Namumutla at nangingig ang babaeng katulong, halos hindi niya maiangat ang tingin dahil sa nakakatakot na presensya ng amo.
Hindi makikinita kung galit ba ito o naiinis.
Kapag kalmado si Blade mas lalong nagiging nakakatakot ang lalaki.
"W-Wala na ho siya ng makapasok ako sa l-loob. Hindi ko po alam. P-pero bukas po ang bintana pagkapasok ko."
Dahan-dahang napatango si Blade, lumabas siya at tiningnan isa-isa ang mga body guards na makikinitang pinagpapawisan rin marahil dahil sa kaba. "Hanapin niyo siya. Halughugin niyo ang buong lugar at kapag hindi niyo nahanap ang babaeng 'yon ngayong araw, alam niyo na ang pwedeng mangyari sainyo."
"Hindi ko kailangan ng mga tatanga-tangang tauhan na kayang matakasan ng isang pipitsuging babae lang." Dagdag niya pa bago malalaki ang hakbang na umalis.
Pagkaalis ay doon lang nalukot ang mukha ni Blade, "Anong ginagawa ng mga guards sa labas?!" Galit at salubong ang kilay ng tingnan niya si Mr. Kim.
"N-napagsabihan ko na sila, Boss."
"Napagsabihan? Kapag may mangyaring masama kay Grazella siguruhin niyong kayo mismo ang maglilibing sa mga sarili niyo! Lalo kana Yeon." Tiim bagang na aniya, nagbabaga ang tingin nito kay Mr. Kim na gusto nang maglaho ora-mismo.
Siya nanaman? malay niya ba? Hindi rin naman niya ginustong patakasin si Grazella.
Napayuko siya sa takot saka dali-daling umalis para balaan at siyempre pagbuntunan ng galit at inis ang mga gwardiya na nakatoka sa labas.
Kasalanan talaga nila ang lahat kaya pati siya nadadamay!
"Hanapin niyo si Ms. Guerero! Kung hindi ay mag-alsabalutan na kayong lahat at siguruhin niyo lang na hindi kayo mahahanap ni Mr. Martinez!" Galit na sigaw niya habang pinanonood kung paano magpulasan ang mahigit bente na tauhan, armado ang lahat. "Bilisan ninyo!" Binatukan niya ang isang guard na nakatunganga sa tabi niya.
Napahawak si Mr. Kim sa noo at saka pinunasan ang pawis na namuo doon.
SA MGA PANAHONG 'yon ay nakalabas na si Grazella sa bahay ni Blade, kung matatawag man yong bahay lang dahil sa laki.
Nakangiwi siya habang maingat na inaapak ang mga paa sa mga nakausling sanga ng malaking puno. Bago tumapak habang yakap-yakap ang magaspang na katawan ng puno ay tinitingnan niya muna kung gaano ba katibay ang mga sanga, hanggang sa makarating siya sa ibaba. Nang makita niyang medyo mababa na ay lumambitin siya sa huling sanga saka dahan-dahang pumunta sa dulo niyon.
Malambot ang dulo ng sanga kaya bumaliko yon dahil sa bigat niya. Nang magkaroon ng isang dipa ang paa ni Grazella at ng lupa ay agad niyang binitawan ang sanga.
Nakahinga siya ng maluwag saka pinagpagan ang damit.
Maswerte siya at walang masyadong bantay sa magubat na parte ng lugar. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pabat agad na dumeretso ng daan, nagbabakasakaling makakita ng kalsada sa malapit.
Hanggang sa matanaw niya nga ang hinahanap matapos ang ilang minutong lakaran.
Doon siya naghintay ng masasakyan, kabado siya habang tinitingnan ang mga mapapadaang sasakyan na ang iba'y hindi siya hinintuan.
Bilang lang ang nakita niyang sasakyan dahil mukhang maliblib ang lugar.
Nakagat ni Grazella ang ibabang labi saka napadasal.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romansa~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...