20

5.8K 192 39
                                    

CHAPTER 20

"Sino pong hinahanap niyo, Ma'am? Si Sir ho ba? Maaga po siyang umalis huwag niyo na raw siyang hintayin at mauna na kayong kumain." aniya ni Manang Selya kay Grazella nang mapansin ang lumilibot na tingin nito.

"Ha? Hindi po!" lol.

Tahimik na nag-agahan si Grazella. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya namamalayan na nasasanay na siya sa presensiya ni Blade, kadalasan ay hindi rin siya napapakali sa tuwing hindi 'to makakasabay sa pagkain. Dalawang gabi rin itong natulog sa kwarto niya bago bumalik ang dati sa lahat.

Kung minsan nga ay hihintayin niya pa ang lalaki sa gabi pero kapag hindi ito umuuwi ay nadidismaya siya ng kaunti.

Hindi talaga napapansin ni Grazella ang mga bagay na 'yon sa sarili niya... O sadyang ayaw niya lang talagang pansinin ang mga kakaibang nangyayari at pagbabago sakaniya.

Palagi niya 'yong sinisisi sa hormones niya. Oo! Bakit ba?!

Pinipigil ni Grazella ang damdaming umuusbong sa loob niya dahil natatakot siya sa kalalabasan ng lahat. Siguro ay dapat na niyang makausap si Blade mamaya tungkol sa dapat nilang pag-usapan.

Marahang hinaplos ni Grazella ang tiyan niyang may maliit nang umbok saka tiningnan ang itim na panyo na nakuha niya pa sa kwarto niya, panyo 'yon ni Blade na naiwan nito, itinaas 'yon ni Grazella at inilagay sa tapat ng ilong niya. Nandirito siya ngayon sa garden at sumasamyo ng sariwang hangin, nakatalikod siya kayla manang Selya kaya hindi nakikita ng mga ito ang ginagawa niya.

Hindi naman siguro siya nagmumukuang adik diba? Sadyang mabango lang talaga ang lalaking 'yon at gusto ng baby niya amoy nito.

Nakasimangot si Grazella nang tingnan ang panyo, sa susunod ay dapat na niyang tanungin kung ano bang pabango ng Martinez na 'yon. Ibabalik din naman niya 'tong panyo-- pagkatapos niyang ubusin ang amoy.

Hehe.

"..." busy si Grazella sa inaamoy na panyo kaya hindi nito napansin si Blade na papalapit sa gawi niya, nawe-weirduhan ito sa mahihina niyang hagikhik, "...What are you doing?"

Agad na napaderetso ng tayo si Grazella saka mahigpit na hinawakan ang panyo na itinago niya sa likod nang harapin si Blade. "W-Woah. Akala ko maaga kang umalis? W-wala kang pasok?"

Napansin 'yon ni Blade pero hindi ito nagsalita. Nilapitan lang siya ng lalaki. "Come here."

"ha?" takang tanong ni Grazella, "Saan tayo pupunta?"

"May check up ka ngayon."

"Saan?"

Titig na titig nanaman sakaniya si Blade kaya medyo nailang si Grazella, "Check up sa utak, Grazella."

"Baliw."

"Stop saying that word."

Napairap si Grazella saka mas inulit-ulit ang salitang 'yon na ayaw marinig ni Blade. Ang arte.

Inis na napahawak sa noo ang lalaki saka aiya hinawakan sa braso at nagsimulang maglakad palabas ng garden. " May check-up ka ngayon. Pero pwede ring ipatingin na natin yang utak mo at nang malaman natin kung may mali na ba sayo." malamig ang naging pagngiti ni Blade saka siya ipinasok sa shotgun seat ng Ferrari nitong sasakyan. Mukhang walang dalang driver ang lalaki kaya ito ang magda-drive ngayon.

Napabuntong hininga ng mahina si Grazella, mas lalo tuloy nagiging awkward ang sitwasyon niya.

"Teka, hindi pa ako nakakapagbihis!" nakasimagot na aniya. Ang suot niya lang ngayon ay malakong T-shirt at itim na cotton pajama, habang nakatsinelas lang siya.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon