11 - Confirmed!

5.9K 148 34
                                    

CHAPTER 11

Nanghihinang napasandal si Grazella sa pader pagkatapos sumuka ng tubig at maduwal ng ilang beses.

Wala na siyang naisusuka!

If she's not pregnant then what is this?!

Tiningnan niya ang namumutlang mukha sa salamin at ang naglalakihang eyebags, mukha na siyang zombie.

Mamamatay na ba siya?

Baka kahihiling niya na mamatay na ang lalaking 'yon ay siya naman ang matuluyan.

Hindi siya mapakali ngayon. Limang araw na siyang ganito at nahihirapan na siya, kung hindi siya buntis baka may malala na siyang sakit.

Mabuti nalang at tapos na ang event nila dito sa Russia at hindi naman maitutuloy ang sa Sicily. Yun ang sabi sakaniya ni Mr. Kim. Hindi nalang niya itinanong at nagpasalamat nalang siya.

Ngayon ay pauwi na sila ng Pilipinas, actually kanina pa siya gising. This time hindi alarm clock ang nagpagising sakaniya kung hindi ay ang pagduduwal niya.

Nang maramdamang hindi na siya nasusuka ay naligo na siya at nag-ayos.

Sinabi ni Mr. Kim na mauuna siya sa airport at hintayin nalang ng ilang oras si Martinez dahil may bigla itong inasikasong mahalagang gawain.

At naging pabor naman 'yon kay Grazella.

"Morigan!" Masaya niyang kinawayan ang kabigan ng makita itong papalapit, nawala lang ang ngiti niya ng makita si Celene na kasunod nito.

Great.

"Bakit andito si Celene? Diba sabi ko ikaw lang." Aniya ng makalapit si Morigan.

"Gaga ka ba? Sinong hindi mapapasama ng wala sa oras kung malalaman ko nalang na bigla kang magpapabili ng limang pregnancy test?" Sinamaan siya ng tingin ni Celene.

Nagkibit balikat naman si Morigan saka itinaas ang bitbit na paper bag.

Siguradong puro nanaman reklamo ang maririnig niya kay Celene, kung hindi reklamo ay pang-aasar at masakit na katotohanan.

Pinalobo niya ang pisngi saka agad na kinuha ang paper bag. Lima na talaga ang pinabili niya para sigurado.

"Eh bakit kami ba ang inutusan mo at hindi yang magaling mong bestfriend?"

"Hindi ka naman kasama, si Morigan lang." Ingos ko sakaniya.

"Ganon na rin yon."

Pumalatak si Grazella bago siya sinagot, "Ewan ko don, busy yata kaya hindi ko na inabala."

"So kami ang inabala mo, ganon?"

Hindi napigilan ni Grazella ang sarili at mahina 'tong kinurot sa braso na ikina- 'ouch' nito. Natawa ng mahina si Morigan bago sila itulak papasok sa comfort room.

Pumasok si Grazella sa isa sa mga cubicle na naroon bago hinintay ang pantog niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya nagamit ang mga PT, inilapag niya 'yon sa tank cover ng toilet saka sabay-sabay na ginamit.

Kagat-kagat ang kuko niya dahil sa kaba habang naghihintay ng resulta, kaba dahil kung negative pa rin 'to ay baka may mali na talaga sakaniya.

Pero napaisip siya, kung magpa-positive ang PT, may problema pa rin siyang kakaharapin.

"Buhay ka pa ba diyan, Zella?" Boses ni Morigan.

"Hoy beh? Anyare?" Sunod ay si Celene.

Sinubukang buksan ni Celene ang pinto ng cubicle na agad namang bumukas.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon