26

5.7K 209 64
                                    

CHAPTER 26

Nakauwi kami agad at pagkapasok na pagkapasok ay naupo ako sa couch habang hawak-hawak ang tiyan ko.

Well, atleast hindi ko na kailangang magpa-check-up para malaman kung ayos lang ba ang baby sa tiyan ko. Ayoko na rin kasi ng amoy sa hospital. Basta nakakasuka.

Lumapit si Blade at naupo sa tabi ko. Hindi ko siya tinitingnan dahil sa nakakaasar na ngiti na hindi nawawala sa labi niya.

Ansarap dakutin.

"Maayos kana?" tanong niya saka kinuha ang isang palad ko at marahan 'yong pinisil.

"Mukha ba akong maayos?"

Nagdikit ang kilay niya, "Huwag mo akong pilosopohin." ngunit agad ring natigil sa sasabihin nang bumaba ang tingin sa palad kong hawak niya.

May sugat kasi 'yon at bahagyang nagdurugo dahil sa mahigpit na hawak ko sa susi kanina na hindi ko namalayan ay bumaon na pala, hindi ko naman ramdam pero ngayong maayos na at wala ng tensyon. Medyo masakit nga.

"Huwag mong hawakan!" inangilan ko siya dahil talagang pipindutin pa.

"Bakit hindi mo sinabi kanina?" may himig ng inis sa boses niya saka tinawag si Mr. Kim na paalis na sana. "Yeon, get some medicine in my office."

"Maliit na sugat--"

Tiningnan niya ako ng masama at sunod na binalingan si Mr. Kim na patakbong umalis.

"Dukutin ko 'yang mata mo eh."

"May sinasabi ka?"

"Meron. Akala mo natatakot pa rin ako sayo?" tinaasan ko siya ng kilay kaya sa huli napailing nalang siya.

Good.

Dumating si Mr. Kim makailang minuto ang lumipas, nagpaalam din naman ito pagkatapos ibiginay ang medicine kit. Si Blade mismo ang naglagay ng disinfectant at kung anu-ano pang gamot sa palas ko saka 'yon masusing nilagyan ng bandage.

"Have you already eaten?"

"Oo, yung niluto mong adobo with sama ng loob." sinimangutan ko siya pero ang baliw nginitian lang ako ng matamis.

"Kumain tayo ulit."

At dahil nagyaya siya pumayag ako---hindi yon dahil sa ngiti niya.

"Masarap?"

Tumango ako habang ngumunguya ng kanin at ulam.

"Yung nagluto?"

"Masarap."

Humagalpak siya ng tawa kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Napanguso ako dahil imbis na mainis ay natutuwa akong marinig ang minsayang tawa niya. "Ano?"

Itinuro niya ang sarili, "Masarap ako?"

Inisip ko saglit kung bakit siya tumawa pero nang marealize na mali yata ang pagkakarinig ko sa sunod niyang tanong kanina ay namula ako, " Akala ko ang tanong mo, tungkol don sa 'niluto' mo!"

Nawawala ang mga mata niya kangingiti at dahil katabi ko siya mas nakikita ko ang itsura niya maging ang panga niyang napaka-manly. Pag ako napikon kakagatin--

"Don't tell me ako naman ang gusto mong kainin ngayon?" mapaglarong tanong niya na nahuli akong nakatitig sakaniya.

Nginitian ko siya, "Pwede ba? Pakukuluan lang naman kita at babalatan ng buhay."

"Okay. Basta ikaw." Aniya na tumango saka muling kumain.

Mukhang napakasaya talaga ng baliw ngayon.

KINABUKASAN ay hindi umalis si Blade sa tabi ko. Sabay kaming nagising, nag-agahan at saka lumabas para magpahangin.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon