CHAPTER 27
"Bladeee!"
"What?! What's wrong?" Mula sa isang aisle ay napatakbo si Blade papalapit kay Grazella.
Nakahawak ito sa malaking tiyan at nakangiwi.
Natatarantang inalalayan ni Blade si Grazella, lumabas sila sa loob ng baby store na nasa mall na ngayon ay pagmamay-ari na ni Grazella. Pinaupo ni Blade ang babae sa malapit na bench.
Hindi tuloy alam ni Grazella kung matatawa siya sa nagpa-panic na reaksyon ng lalaki na minsan niya lang makita
"Wala. Sumipa lang siya." Kinuha niya ang kamay ni Blade at itinapal sa nananakit na tiyan, sa tuwing kakausapin kasi ni Blade ang tiyanak sa tiyan niya ay tumitigil ito. Oo! Tiyanak na rin ang tawag niya sa anak niya. Masyadong demonyito, mana sa ama.
"Ang OA mo talaga, Martinez." Natatawang aniya ni Grazella kaya nagsalubong ang kilay ni Blade.
"Ikaw ang OA. Kung maka-sigaw parang binalatan ka ng buhay."
"Oy! Hindi ako sumigaw ah."
Iritang ginulo ni Blade ang buhok saka dinuro si Grazella na malaki ang ngiti sa labi habang nakasandal sa bench, "Stay there. Wait for Yeon to come and pick us up. Ako na mismo ang bibili ng mga gamit para sa bata."
"Copy, Boss." Sumagot si Grazella saka sumaludo. "Susunod ako mamaya!"
"No need." Tumalikod na 'to at malalaki ang hakbang na pumasok sa store.
Hinimas lang ni Grazella ang malaking tiyan habang panay ang pag-inhale at exhale. Masyadong mabigat ang tiyan niya dahil kabuwanan na rin niya, masyado lang siyang excited na bumili ng gamit para sa anak nila. Pero ito nga siyang nag-yaya heto naman at hindi siya makapamili ng maayos dahil mabilis siyang mapagod.
Napabuntong hininga si Grazella.
Hindi siya nagpa-ultrasound para malaman ang gender ng baby, napagpasyahan niyang mas maganda nalang kung surprise. Bukod pa doon ay tinatamad siyang magpacheck-up.
Natawa ng mahina si Grazella at makaraan ang ilang minutong pagpapahinga ay tumayo na siya at balak na sanang sundan si Blade sa loob nang may makabungguan siya. Agad niyang naihawak ang kamay sa tiyan saka bahagyang napaurong.
"I'm sorry--Grazella?"
Ang magandang ngiti ni Grazella ay nawala. "Rianne."
Mayroon 'tong tipid na ngiti sa labi, malalim rin ang mga itim na marka sa mga mata ngayon ni Rianne at halatang nagmamadali ito ngayon.
"Grazella..." Bumukas-sara ang labi ng babae habang titig na titig kay Grazella, sa huli ay walang lumabas na salita doon at ang tanging nagawa lang nito ay kagatin ang sariling labi habang pigil ang pag-luha.
Bakit parang napakalungkot ng aura nito ngayon? Dahil ba kay Blade?
Hindi rin inalis ni Grazella ang paningin sa mga mata ni Rianne.
Ahh--doon niya lang napagtanto. Nabasag ang malamig na ekspresyon ni Grazella, "Huwag mo akong dramahan."
Itinaas ni Grazella ang palad kaya napapikit si Rianne, kung sasampalin ulit siya nito handa niyang tanggapin 'yon. Kung kahit papaano ay mababawasan ng sampal ang kasalanan niya, ayos lang. Ngunit naimulat ni Rianne ang mga mata nang maramdaman ang masuyong haplos ni Grazella sa ibabang mata niya.
"Hindi lang pala ako ang padalos-dalos sa'ting dalawa." Tipid na nangiti si Grazella, "Pati rin pala ikaw. Delikado kana." Aniya na natawa ng mahina.
Napatigalgal si Rianne saka iniangat ang mukha para pigilin ang pag-tulo ng luha ngunit kusa 'yong umagos pababa. "In the end, ako pala ang magsisisi sa huli. Nilamon ko lang ang lahat ng pangaral ko sayo noon." Agad na pinunasan ni Rianne ang luha sa mukha, "...I know that its too late. But I'm..I-I'm really sorry, Zella." Nag-crack ang boses nito at hindi makatingin ng deretso sakaniya.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romantizm~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...